Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Boom!  Pagsabog!
Na sa aking dibdib ay kumabog!
Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog!
Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan?

Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan,
Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan,
Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan,
Isang bayang tanyag sa kaunlaran,
Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan.

Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan,
Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan,
Isa ako sa mga nawalan ng magulang,
at saksi sa karahasan na walang katapusan,
Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan.

at habang aking pinagmamasdan,
Isa-isang nabubulagta at dugu-an,
Ang aking mga kamag-anak at kaibigan,
at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay.

Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo,
kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod...  humihingal....
Iyak ng iyak at nagsusumamo
at habang ako'y papalayo ng papalayo--------
Naisip ko:
      "Saan ako patutungo?"
       "Sa mga pangyayaring ito sino          
         ang namumuno?"
         Sila ba'y mga Muslim o
         Kristiyano?"
        Ngunit maging sino man sila----
        Sila'y hindi santo na may pusong
        bato,
        Dahil sila'y pumapatay ng kahit
        na sino,
        at ito'y hindi makatarungan at
        makatao.

       Ang sakit....Oo ang saklap...ang
       bayan na naghahatid ng
       kaunlaran,
       Ngayon ay nabubura at nag-iiwan
       ng isang malagim na ala-ala,
      Nagsisilbing aral sa tuwina at          
      nagpa-paalala,
      Na kinakailangan ng isang may      
      malinis na adhikain at tapat sa
       tungkulin ang namamahala.

    Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito?
Kaginhawaan o Kahirapan?
Kabuhayan o Kamatayan?

Ang katotohanang ito'y--------
Isang malagim na karimlan!
Pagluha para sa aming mga kabataan,
Crestine Cuerpo
at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan,

Oo.....masakit ang mawalan,
Ngunit kailangan kong maging matapang,
Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban,
Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan!

Sa mga kinauukulan:
   Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan?
Kung sa isip at puso niyo'y  para lamang sa pera at kapangyarihan?


Kapatid... Kapuso.... Kabarkada....  at Kapamilya.......
Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.
MM Oct 2018
Sige lang
sanay na ako sa tunog ng mga paang papalayo
sa mga kamay na basta na lamang bumibitaw
sa mga pangako ng pagbabalik na walang katotohanan
sa mga bagay na hindi kayang panindigan

Sige lang

Baka hindi naman masama ang muling pagguho
Clar Vernadine Apr 2020
Ngayon alam ko na ang tadhana,
ang dahilan ng paghanga,
ang dahilan ng paniniwala,
at ang dahilan kong bakit 'yung tayo nawala.

Tinadhana tayong magtagpo,
tinadhana ang salitang "tayo" para sa ikaw at ako.
Tinadhana tayong magbago.
Tinadhana rin tayo para sumuko.

Ganyan kagaling ang tadhana,
hindi mo alam kong mali ba o tama,
pasasayahin ka pero kaakibat ay luha.
Masakit man pero dapat paghirapan,
dahil di lahat ng relasyon napupunta sa kasiyahan,
'yong iba'y walang sawang kalungkutan.

Tanggapin na natin ang katotohanan
na magmamahal ka pero masasaktan ka,
magpapahalaga ka pero iiwanan ka rin niya,
pasasasayahin ka pero paaasahin ka.

Tanggapin na natin,
na wala talagang tamang relasyon sa inyong dalawa,
na magmumukha ka lang kawawa pag iniwan ka niya,
na magluluksa kana naman sa kaniyang pagkawala.

Tanggapin na natin,
ay oo nga pala di mo pa pala kayang tanggapin,
na 'yong dati niyong relasyo'y naging hangin,
kasabay nang pagguho ng inyong mga hangarin.

Hindi mo pa pala, kayang tanggapin
na matagal ka nang pinaglaruan,
at di naman talaga pagmamahal ang kaniyang naramdaman.
Stephanie Sep 2020
kung wari mo sanang kumalag
sa mga pangakong itinadhanang matibag
wag mo sanang limutin itong sinag
ng pag-ibig na nagbalik ng liwanag

nawa'y hindi pagsisisi ang kapalit
ng mga ngiting unti unting nawawaglit
bumuo ka ng isang sining na marikit
mula sa mga piraso kong lupaypay at gulanit

ngunit hindi ako isang malaking pasanin para sa iyo
hindi ako isang sumpang magdadala ng pagguho
hindi maaari, hindi ito ang nararapat sa iyo
maalaala mo sanang pag-ibig din ang paglayo


hindi ako nakakulong, ako ang tanikala
patawad, sinta, piliin mo ang lumaya
Virgel T Zantua Aug 2020
Sa unti-unting paglaho ng pangarap… Kasabay ang pagguho ng pagsisikap… At sa bawat paghusga na tinatanggap… Ang hapdi ng katotohanan ay ganap.

Ang ngiti at kasiyahang nagpapanggap… Katulad ng pag-asa sa hinaharap… Ang sagot ay patuloy na hinahanap… Sa nawawalang pag-ibig at paglingap.

Ano ang kabuluhan ng paghihirap… Kung wala ang bituin na kumikislap… At kahit anong gawin na pakiusap… Sa pagmamahal ay lamig ang kayakap.
Hindi ako ang taong hinahanap mo, at siguro, hindi rin ikaw ang taong akala ko noon na kailangan ko.

Oo, nagbago ako— at alam kong iyon ang hindi mo matanggap. Pero kailan ba naging kasalanan ang pagbabago? Bakit kailangang may masisi? Bakit kailangang isa sa atin ang may sala?

Ang "tayo" noon ay tila isang kwento na sinimulan natin nang may galak, ngunit natapos nang walang malinaw na wakas. At kahit gusto **** isipin na isa lamang itong kwento ng paglimot, alam **** hindi lang iyon ang nangyari.

Alam **** may mga sandali na kahit magkasama tayo, ang isip ko ay lumulutang, naghahanap ng ibang daan, ibang kapiling. At alam **** kahit anong sakit ang maramdaman mo ngayon, walang balikan, walang paliwanag na sapat para burahin ang katotohanang iyon.

Kung ang paglayo ko ang naging dahilan ng pagguho mo, hindi ko na iyon mababawi. Pero huwag **** isipin na ginawa ko ito upang sirain ka. Dahil hindi ko kailanman hinangad ang bumitaw sa bagay na minsan kong pinahalagahan.

Pero minsan, ang isang tao ay hindi talaga itinadhana upang manatili. At minsan, ang pagmamahal ay hindi sapat upang hindi hanapin ang iba.

Hindi kita pinagkaisahan, hindi kita ginamit, hindi kita iniwan nang walang dahilan. Nagbago ako, nagbago rin ang nararamdaman ko. At hindi kita ginawang laruan— pero hindi ko rin kayang ipilit ang isang bagay na nawala na.

Ikaw ang naglingon pabalik, habang ako naman, tuluyan nang lumakad palayo. Hindi dahil gusto kong makalimutan, kundi dahil alam kong wala nang dapat pang balikan.

Hindi ko na hihilingin na intindihin mo ako. Hindi ko na pipilitin ang sarili kong magpaliwanag pa sa iyo, dahil sa dulo, hindi naman kailangang lahat ng bagay ay may paliwanag.

Matagal ko nang alam ang nararamdaman mo, matagal ko nang alam ang hinanakit na hindi mo kayang bitawan. Pero kung ako ang nagpasyang lumayo, ikaw rin naman ang matagal nang hindi nagawang manatili.

Kung ang huli nating usapan ay isang paghuhusga, isang pagsisi, isang hanapan ng dahilan— siguro, ito na ang huling sagot ko sa iyo.

Hindi ko na kailangang lumingon pa. Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa kung paano ako nakahanap ng iba, kung paano ako tuluyang nawala kahit sa harapan mo pa lang.

Wala na rin naman kahit na balikan, wala na ang tamis nung ika’y nahagkan, at sa huling paalam, naintindihan na sa ating dalawa, may ibang nakalaan.

Wala na tayong “tayo.” At kung iyon ang katotohanan, matagal ko nang natanggap iyon.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na kailangang lumingon pa. Paalam.

— The End —