Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
kung wari mo sanang kumalag sa mga pangakong itinadhanang matibag wag mo sanang limutin itong sinag ng pag-ibig na nagbalik ng liwanag nawa'y hindi pagsisisi ang kapalit ng mga ngiting unti unting nawawaglit bumuo ka ng isang sining na marikit mula sa mga piraso kong lupaypay at gulanit ngunit hindi ako isang malaking pasanin para sa iyo hindi ako isang sumpang magdadala ng pagguho hindi maaari, hindi ito ang nararapat sa iyo maalaala mo sanang pag-ibig din ang paglayo hindi ako nakakulong, ako ang tanikala patawad, sinta, piliin mo ang lumaya
0
Sep 13, 2020
Sep 13, 2020 at 6:54 AM UTC
sinta

ciel_bleu
Written by
25/F/Not-so-wonderland
Sep 13, 2020
Sep 13, 2020 at 6:54 AM UTC
Request permission to use this poem