Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagbisita" poems
Niadto ko, nibisita sa lugar Kon asa mi una nagkita; Mao ra japon, Ang mga kahoy ug mga bulak Nagasambit sa among gugma Nga hain pa man dili gayod mawala. Siya akong tunhay nga kalipay Sa pagmata ko matag-buntag, Tunhay nga kasingkasing Sa iyaha, akong ginapamatyag. Nikuha ko ug papel, Aron magsulat ug balak para kaniya; Maot man paminawon, apan Akong buhaton nga patsyada. Nitan-aw ko sa blanko nga papel, Naghuna-huna, Ug sa dihang nakahinumdum hinuon ko, Unsaon man diay nako pagsulat sa balak; Nga ang bolpen iya man diay’ng gidala, Adtong minglakaw na siya ug una.
0
Sep 15, 2012
Sep 15, 2012 at 2:33 AM UTC
Pagbisita (Balak)
Bakit hangang ngayon?!? ... Bakit hanggang ngayon. Ang pangalan mo pa rin ang pinuputak ng bunganga ko Napapagod na ang mga taengang nakikinig Nangangawit na ang dilang ikaw pa rin ang hinihiling Pag kalipas ng isang taon--- Bakit hanggang ngayon? Ang puso ko’y tumatalon, kumikirot, natatakot, nalulungot Marinig lang ang pangalan mo. Makita lang ang anino mo--- At  oo. Nakikita pa rin kita. Sa bawat matang aking pinagmamasdan--- Sa bawat kamay na aking hinahawakan Sa bawat lalaking aking sinubukan ibigin nung tayo’y natapos Hinahanap-hanap ang iyong mahihigpit na yakap Ang iyong bisig na pumulupot sa aking bewang, leeg--- buong katawan Ang matatamis na salita na iyong inaawit at inaawit… at inaawit ng paunti-unti… Paunti-unting lumalapit. Sumusuyo sa pusong nakatago, nakakulong. Bakit hanggang ngayon? Kung saan man ako tumingin. Nandyan ka pa din sa malapit--- Nakiki-usap ako, o aking multo, layuan mo na ako. Tama na. Ayoko na. Pagod na ako sa parati **** pagdating sa hating gabi, ang iyong pagbisita sa aking mahimbing na panaginip Nilulunod ako ng iyong mga huling salita Nag-mamakaawa at humihiling ng kakarampot na pagmamahal At alam ko’y ako  na rin ang syang pumatay Sa iyo--- nung pinag-kait ko ang iyong ninanais na pag-ibig. Dahil ako’y naunahan ng pangamba, ng pag-duda. Eto ba ang iyong parusa? O SIGE NA! IKAW NANG PANALO! Sasabihin ko na ang gusto **** marinig—mga salitang dapat dati ko pa sinabi:           Minahal kita. Mahal na mahal pa rin kita--- Patawad sa aking pag-tangi, Patawad sa sakit at pait. Patawad.
0
May 20, 2015
May 20, 2015 at 11:59 AM UTC
Kailan Ba Ako Matuto?

Continue reading...
38
Tuwing sasapit ang araw na ito, Umiiyak ang puso ko dahil sa iyo. Nalulungkot, nangungulila sa isang tulad mo na magpa-hanggang ngayon ay wala ka na sa tabi ko. Lagi akong nakatitig sa kawalan Bigla na lamang tutulo ang mga luha at luhaan, Paano ko ba ito maiibsan kung pati libingan mo ay hindi ko rin malapit-lapitan? Nais ko lamang sabihin sa iyo na kahit tahimik pa rin ang mundo sa puso ko, walang ibang makakapantay sa pagmamahal na inalay mo dahil bukod-tangi ka dito sa tumitibok kong puso. Hindi ko alam kung saan dadalhin ng puso ko ang kalungkutang ito Pero alam ko sa puso kong nananabik at mananabik pa rin ako. Hintayin mo ang pagbisita ko dahil gagawa ako ng paraan upang sabihin sa iyo, Na mahal na mahal kita, mahal na ina ko.
0
May 12, 2018
May 12, 2018 at 9:58 PM UTC
Mahal Kong Ina
makalipas ng daang-daang araw ikaw ay nagbalik, nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti. 'di nila mapigilang magtaka kung ano ang pasalubong dala mo sa iyong pagbisita; kung anong mga damdamin at alaala ang mahuhugot mula sa mga puso nating 'di malaman kung nagtataguan ba o naghahanapan, basta siguradong nawawala. ang surpresa mo kaya ay kaba? sabik? takot? hiya? hiwaga? hindi. pinunit ang balot at binuksan ang kahon. natagpuan ko ay wala. oo, wala lang. wala na pala tayong natira para sa isa't isa. baka tinangay na ng bagyo, ninakaw na ng iba, o 'di kaya'y naglaho lang talaga na parang bula. 'di nila mapigilang magtaka at napaisip din ako kung bakit. natagpuan ko ang sagot at ito ay wala.
0
Apr 25, 2015
Apr 25, 2015 at 7:43 AM UTC
wala (wala lang)
Oh Papa Francisco, Supremo ng Simbahan Ang iya pagtambong daw ano ka bulahan Siya naghatag kalipay sa aton duog Matapos ang makakulugmat nga bagyo kg linog Gani sa una nga adlaw sg iya pagbisita Bisan gab-i don madamo guihapon nakita Nga mga Pilipino nga nagdulog sa iya alagyan Agud siya sugaton kg amligan Sa ikaduha nga adlaw sg iya pag-abot Iya gin-akigan mga pulitiko nga kurakot Iya ginpahanumdom ang pagtatap sa mga karnero Iya ginlaygayan ang mga pamilya nga Pilipino Sa ikatatlo nga adlaw niya sa pungsod Iya ginpahagan-hagan ang mga nagakalisod Iya ginbendisyunan mga biktima sg kalamidad Iya ginhatagan puloy-an mga imol sa komunidad Sa ikaapat nga adlaw niya diri sa aton nasyon Iya ginpakigkita mga lideres sg iban nga relihiyon Iya gin-ulu-ulo mga kabataaan nga nagpa-utwas Iya ginpangamuyuan ang bilog nga Pilipinas Gani sa ulihi nga adlaw sg iya pagkari Madamo sa guihapon nagbantay sa iya diri Sin-o bala ang magakalipat sa isa ka Santo Papa Nga bisan may bagyo sa guihapon nagbisita Bisan iban nga relihiyon sa iya nagsaludo Kay iya ginpamatud-an nga siya para sa tawo Matuod guid nga kay Hesukristo siya tiglawas Salamat Papa Francisco sa kabalaka sa Pilipinas! -01/21/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:45 PM UTC
Legasiya ni Papa Francisco sa Pilipinas
... makalipas ng daang-daang araw ikaw ay nagbalik, nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti. 'di nila mapigilang magtaka kung ano ang pasalubong dala mo sa iyong pagbisita; kung anong mga damdamin at alaala ang mahuhugot mula sa mga puso nating 'di malaman kung nagtataguan ba o naghahanapan, basta siguradong nawawala. ... ang surpresa mo kaya ay kaba? sabik? takot? hiya? hiwaga? hindi. pinunit ang balot at binuksan ang kahon. natagpuan ko ay wala. oo, wala lang. wala na pala tayong natira para sa isa't isa. baka tinangay na ng bagyo, ninakaw na ng iba, o 'di kaya'y naglaho lang talaga na parang bula. ... 'di nila mapigilang magtaka at napaisip din ako kung bakit. natagpuan ko ang sagot at ito ay ... wala.
0
Jul 28, 2015
Jul 28, 2015 at 10:29 AM UTC
Wala lang
Ayoko na lamang bilangin ang mga oras Na nasisinagan pa tayo ng araw, Maghahabulan at magtatampisaw na parang mga basang sisiw Sa hubad na kalsadang naunang pagalitan ng langit. Naaalala ko pa noong elementarya'y Sabay tayong papasok sa eskwela Matapos humigop ng mainit na sopas ni Nanay. At minsan nga'y nakalilimutan nyang hanguin ito nang maaga Kaya matapos nating kumain ay sabay rin tayong magtatawanan At maglalaro ng "tag-tagan" patungo sa kanto sa sakayan. Hindi ba't pumupunta pa nga tayo sa may bandang iskwater, Makapaglaro lang ng pitsaw sa dati nating mga kaklase? Nagagalit kasi si Nanay kapag sa bahay natin sila niyayaya At magkakalat ang putik sa ating sahig Kasi pati si Bantay ay nakisali sa paghuhukay. Ilang beses din tayong naligo sa dagat Kahit na ang sabi ni Tatay ay manginas muna tayo Habang siya ay nasa laot pa. Pero uuwi tayong mga basa at walang pang-ulam na pasalubong Kaya muli tayong mapagagalitan Kasi ang titigas daw ng mga ulo natin. Hindi ba nahuli ako sa eskwela noon na nangongopya sa'yo? Tapos sinabi mo sa titser na ikaw ang nangongopya at 'di ako? Hindi ko kasi makalimutan yun Kasi pag-uwi natin sa bahay, ako pa yung nagtampo sayo Nung ikaw yung unang pumili sa doughnut na dala ni Tatay. At nung gabing iyon, hindi ako tumabi sa'yong matulog Ang sabi ko pa ay ayaw na kitang makita muli Kasi naghalo-halo na yung nasa utak ko. Pero alam mo ba, na sa mga oras na yun Hindi ko talaga inaasahang seseryosohin mo yun. Kaya noong maggising na lamang ako'y Nagulat akong wala sila Nanay at Tatay At si Aling Rosing pa ang nagsabi sa'kin Kung ano ang mga nangyari At kung saan ako pupunta. Sinabi ko na ngang ayoko na magbilang ng mga oras, Pero heto pa rin ako... At taon-taon akong nangungulila at nagsisisi. Siguro nga kung hindi ako natulog agad Ay baka may naggawa pa ako. Siguro nga kung hindi ko sinabi ang mga iyon, Ay hindi mo ring magagawang umalis. At siguro nga kung hindi ako nagtampo'y Wala naman talaga tayong pag-aawayan. Hindi ka rin hahanapin nila Nanay sa gitna ng gabi At hindi sila masasagasaan ng tren para iligtas ka lang. Siguro nga, pero huli na ang lahat eh Wala na kayong lahat at iniwan n'yo na 'kong mag-isa. Sana sa huli kong pagbisita'y mawala na rin ang lahat ng bigat, Mawala na ang pagkamuhi ko sa sarili ko, Kasi pagod na ako... Pagod na pagod na ako.
0
Oct 8, 2021
Oct 8, 2021 at 11:11 PM UTC
Riles

53
Manaka-naka kong binisita ang 'yong munting tahanan Siniyasat kung may bagong kagamitan o panauhing pinaunlakan Sinuri ang katibaya't karupukan ng dating kagamitan Repasuhin ang pundasyong itinukod ng nakaraan At sa muli kong pagbisita sa 'yong tahanan May bago akong nadatnan– nag-iba ang 'yong kinahihiligan Hindi na aso kundi pusa ang paborito **** alagaan Pati pintura ng 'yong munting tahana'y sya ring pinalitan Ang dating itim ay tuluyang naging luntian Maging ang pader nito'y simentado na't hindi kawayan Pagbabago nga ba? o isinaayos lang? T'wing bibisita ako sa 'yong tahanan Dati-rati'y umaabot pa sa 'yong pintuan Datapwat ngayo'y hanggang tarangkahan na lamang Nananatiling nakamasid sa 'yong bakuran Sa harding dati'y mirasol pa ang namumukadkad at hindi rosas Sa bagong panauhing pinapasok sa pintuan Pinaunlaka't nilaanan ng oras Sa mga larawan niyang nakasabit sa dingding na dati'y mukha ko ang nilalaman Nakatanaw; Sa tahanang minsan ako'y nanahan Sa tahanang tuluyan ko nang nilisan -SLE
0
Feb 12, 2020
Feb 12, 2020 at 9:25 AM UTC
Tahanang Nilisan
Isang silid na walang laman, Madilim, puno ng katahimikan, At ang lamig na mararamdaman, Sa loob ng apat na sulok ng kawalan. Alam kong wala itong pinagkaiba, Sa "Ako" na iyong nakasama, Sa "Ako" na iyong nadama, Sa "Ako", na umihip sa ating mitsa. Isang paalam, At walang katapusang "patawad", Dahil ako ang unang bumitaw, Nang walang kamalay-malay. Ako'y walang kamuwang-muwang, Na ang init ng damdami'y nawala, At iniwan kang nanginginig, Sa pagbisita ng amihang malamig. Binuo mo man ang aking palaisipan, Pinunan mo man ang mundo kong kulang, Binigyang sagot ang napakaraming patlang, At sa iyong paglisan, di ka kayang pigilan. Sa sinapit mo'y walang hustisya, Nakita ko mismo, at nitong mga mata, Na 'di na 'ko nararapat para sa iyo sinta, Na 'di na tahanan ang pusong alab ay wala.
0
Nov 3, 2023
Nov 3, 2023 at 12:04 PM UTC
Hungkag