Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagbawalan" poems
salamat, sa pagpiling laruin ang aking mga daliri na tila hindi alintana ang pasmang taglay na kung lumuwag man ang kapit ko, ay mas hihigpit ang hawak mo kung dumulas man ang palad ko, ay hahatakin mo ako pabalik patungo sa piling mo upang hindi tayo maligaw sa ating mga sariling halik. salamat, dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan pati ang tila pagyakap ng mga unan sa iyong bawat pagtahan ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan at pagmamahalan, na kung susuriin ay pilit na lumalaban kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan. salamat, sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga" kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan. ilang beses ko bang pagdududahan ang boses **** tila kandungan hindi ko man hiningi ay hinandog ng kalangitan sa likod ng mga telepono'y nagngingitian ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan dahil puno ito ng kalungkutan. salamat, sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi na bago pa man bigkasin ay batid ang mariing katotohanan na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan. kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo na bitiwan mo ang kamay ko ay nasasakal na ang mga daliri at humihina ang aking pulso. salamat, dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit. ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig pilit man lakasan ang aking tinig ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid. salamat, kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso ay mahigpit ang iyong kapit na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo pati ang isip kong tila gumuguho dahil hindi ka lumalayo. patuloy man ang aking pag-ayos at nagtamo pa ng maraming galos; ay patuloy din ang iyong pagsira dahil pareho tayong lumuluha.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 12:49 PM UTC
salamat.

Continue reading...
56
Gusto kita. Sa mga oras na ito Pero hindi sa mga susunod, Maaaring mahalin na kita O pwede ring may iba na ulit akong gusto. Magulo ako, Oo alam ko Pasensya kana kung ganito ako 'Di ko ito ginusto Takot lang ako sa nararamdaman ko Nais ko lang na maging handa. Maging handa sa Panibagong sakit at kirot Na maaari kong maranasan muli Pag nagmahal ako Pero kung sakaling lumalim ang pagtingin ko sa iyo At ika'y aking mahalin Sana 'di pa huli Hindi pa huli ang lahat Dahil ayokong magsisi sa huli. Alam ko na darating ang oras Oras na mapapagod ka, Susuko ka, maghahanap na Ng iba. Ngunit sa kabila ng mga oras na iyon Umaasa akong babalik ka Kahit imposible na. Ilang beses kitang nasaktan Umiyak ka, Iniyakan mo ako. Ang swerte ko. Pero ang tanga ko. Sa haba ng panahon Naghintay ka, Umaasang maging posible Yung mga bagay na imposible Ilang araw, linggo, buwan at taon pa Ang kaya mo? Ayokong dumating ang panahon Na magsawa ka at mapagod ka Pero ayoko din maging makasarili Malaya ako, Malaya ka. Ngunit, Sino ako para pagbawalan ka? Pagbawalan ka na 'wag kang mapagod. Sino ako para saktan ka? Sino ako para mahalin mo ng sobra? Isa ako sa mga taong maswerte Ang swerte ko dahil, may nagmamahal sa'kin. At hindi ko na kailangan manlimos ng pagmamahal sa iba Dahil ibinigay mo na ang lahat. Sobra sobra pa. Gusto kita noon Pati narin ngayon. Ayokong mahulog sayo Kaya pinipigilan ko. Hindi ka mahirap mahalin Pero natatakot ako. Bigyan mo lang ako ng konti pang panahon. Kung kaya mo pa. Konti pang panahon, Para maging handa at Maging buo yung nadurog kong puso noon. Sana lang di pa huli ang lahat. Sa panahon na ako ay handa na. At sa oras na mahal na kita.
0
Feb 5, 2020
Feb 5, 2020 at 3:02 AM UTC
Kailan ako magiging handa?

68