Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagbalewala" poems
Kapag Namulat ka sa katotohanan Kasalanan na ang Pumikit Babalik sa pinanggalingan Kalmado at hindi iimik Ititikom ang bibig at lulunukin ang mga salita Papalipasin ang kanina Ipipikit ang mga mata Dahil sa bagong umaga Magpapanggap na walang nag-iba Kaya Magbubulag-bulagan Sa pangyayari nakita Ngunit kinakalabit ng konsensya Kinakabahan sa nakita Binubulong na magsalita na At Kailangan may gawin na, Kailangan may aksyon na Hindi dahil sa natatakot Kundi dahil sa nakasanayang pagbalewala Hindi pagpansin sa biglang nakita Huhulaan magiging epekto Kapag ibinungad at inilantad sa mga tao Kaya mananatili nalang sarado Nakabaon Hindi iimik at itatago ang mga salita Kahit nagpupumilit iluwa
0
Aug 16, 2018
Aug 16, 2018 at 6:15 AM UTC
Nabulag sa Katotohanan
Ikaw ang gusto ng aking puso, Pero ang utak ko ay gusto kang maglaho. Sila ay nag-aargumento ng parang na sa korte. Kailan kaya kita maibabalewala, Katulad ng pagbalewala mo sa mga ginawa ko. Kinakalimutan ko na mahal kita, Pero nung ngumiti ka, Nahulog nanaman ako sayo. Kailan kaya mananalo ang utak ko sa laban na ito?
0
Nov 29, 2018
Nov 29, 2018 at 5:24 AM UTC
Utak
saya, asan ka na ba? pati ika’y lumisan na, sinama aking sinta, sana’y maibalik pa. dating tayo’y maibabalik pa ba? dating mga sulyap, miss ko na dating mga ngiti na may totoong saya. mahal, ako ba’y mahal mo pa? mahal mo ba ako dahil mahal mo ko? o mahal mo ko dahil ako laging nasa tabi mo. araw araw pinili, di kinailangang ipilit. ayaw kitang iwan, ngunit mata’y ipikit. paalam sa mga naging sandali, sandaling hindi ko maipagpapalit. sana ika’y sumaya, kahit hindi na ako ang kasama. paalam sa mga panahon na sumaya, kahit naging panandalian pa. salamat sa lahat, sinta sana’y ipinaglaban pa. naibigay sa iyo lahat, ngunit hindi pa ba sapat, para ako’y mahalin nang tapat? pagbalewala saki’y hindi dapat. binuo ang isa’t isa, tuwing kasama ka’y masaya tuwing nag-iisa’y naiisip ka, mahal, ako ba’y naiisip mo pa? nasirang tiwala, mahirap nang buohin pa. nasirang pangarap, tutuparin ay mag-isa na. salamat sa lahat, mahal, ika’y naging sapat. mahalin ka’y karapat dapat patuloy na mamahalin, kahit hindi na dapat. kasama ka sa lahat, wala nang hahanapin pa sa iba mga oras na hindi nagkakaintindihan, sana’y inayos pa. pag-asa, anjan ka pa ba? dapat bang isuko na? laban nating dalawa, iniwan akong nag-iisa. sarili’y hahanapin lang, ika nga nila ako’y hindi maghahanap ng iba sayo lang nakita ang saya ngunit mahal, bakit may siya? sana’y lumaban pa kung kinaya lang sana. sinta, ako’y napagod na, maaari bang magpahinga?
0
Apr 6, 2020
Apr 6, 2020 at 2:41 PM UTC
1