Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
sayrinne
sayrinne
17/F/Puerto Princesa City nihilistic
i wrote you this to tell you how much i loved you and it’ll be stuck for decades if ever this’ll be lost for ages, and you don’t get to see it, if only i could cite you this i’d do it for you always if you’ll never get to read it, atleast i know, this poem i made for you exists.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 12:39 PM UTC
ciao
I cannot compose brilliant poems, sonnets, or verses, and I cannot speak to you in Latin or Greek; I cannot move you with any language made up by man. Love is the only only language I could touch you with If you only knew how much I could love you. If you knew I love you; If I were brave enough to tell you at all.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 12:09 PM UTC
i love you
I wonder what it feels like to give up what's most precious to you grief from losing that part of you or satisfaction from gifting it I hope it's the latter.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 12:08 PM UTC
precious
We rarely talk We've had memories Some bittersweet You're the song on repeat And I want it to stop Get it off my mind No longer do I want this lullaby
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 12:07 PM UTC
Our Love is Weak
Susulat ako ng isang libong tula Kung ito ang magpapahilom sa pusong pagal Sa pag-ibig Isusulat ko ang tula sa dalampasigan ng alaala Na kasing haba ng aplaya Hanggang sa maghilom ang pusong sugatan Dulot ng iyong paglisan Huhugot ako ng maraming tayutay at saknong Na may lantay at tugma Sakaling anurin ito at mabasa mo Sa dalampasigan ng aking puso. Ikaw ang hugot Ikaw ang sagot Susulat ako ng isang libong tula Dito kung saan taya unang nagsimula.
0
Apr 7, 2020
Apr 7, 2020 at 1:02 PM UTC
Susulat Ako ng Isang Libong Tula
Pangako yan at totoo. Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba o kung kasya ba sa isang piyesa, ilang pahina, ilang minuto ang ihahaba, itatagal nito at posibleng hindi ko agad makabisado pero pangako yan, ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo. Itaga mo to sa bato, abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito.. uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o anumang tawag ko sayo, mahal, sinta, irog, pangga, babe, bbq, bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal, kupal, hayop, pa, p*ng ina ka ano pa ba..wala akong pakialam kung abutin man ako ng ilang talata dito, pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito kaya pangako, ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira. hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding, hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita.. pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama kong natutulog din, at tangi ko noong kapiling. Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.." sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.." at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga.. Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag aari na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka, ayaw ko na maging mahalaga.. hindi ako telepono **** dudukutin lang sa bulsa kapag kelangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo **** masyado ng malawak para bigyang atensyon ka pa, ayaw ko na maging mahalaga.. hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon kapag meroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na, o ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng isang aparador sa takot na manakaw ako ng iba, ayaw ko na maging mahalaga.. Ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga tanggap ang tamis at pait, kelangan para sa init pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na.. kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili **** opisina kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin kabisado ang mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim... kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi, niyayakap sa ginaw, sinasandalan kahit na mainit, binubulungan ng mga pinakatatago **** panaginip ayaw ko na maging mahalaga, ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin.. at nagsulat ako noon para lang mahalin mo ako, kaya patawad pero magsusulat ako hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo patawad pero magsusulat ako para patawarin mo ako.. dahil minsan may nakapagsabi saken na ang taong hindi raw marunong magpatawad ay hindi makapagsusulat kaya mahal sa pagkakataong ito sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sayo gumawa tayo ng kasunduan, patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako. Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita Patawarin mo ako sa hindi ko pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili mahal gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako. Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulanas pero pangako huli na to, huli na to, huli na to... Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira. Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako Magsisimula ako uli sa umpisa, Magsisimula ako uli... Magsisimula ako.... Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali... Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo Iniibig kita, at ubos na ubos na ako...."
0
Apr 7, 2020
Apr 7, 2020 at 12:59 PM UTC
"Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo"

Continue reading...
60
my heart’s still here, waiting for you to hear screaming your name, but for you t’was just a game.
0
Apr 7, 2020
Apr 7, 2020 at 9:30 AM UTC
...
i miss you and i always will, but until then we knew from the start, we’re just stars meant to be apart and now we’re strangers with mem’ries kept, love grown for ages i’ll never regret.
0
Apr 7, 2020
Apr 7, 2020 at 9:27 AM UTC
hey
Years ago We stayed up till 3 am talking, And today I don’t even know How to say hi,
0
Apr 7, 2020
Apr 7, 2020 at 9:24 AM UTC
Hi