Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"numerong" poems
Isa Isang taong nasasaktan Isang taong umaasa Isang taong nagbigay tiwala Sa isang taong kanyang pinaka mamahal Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon Isang magandang relasyon Nasira ng isang sigalot Isang pangakong bibitiwan Ng isang pusong umaasa Dalawa Dalawang taong pinagtagpo Dalawang taong nag-ibigan Dalawang taong nagbigay kulay Sa buhay ng isa't isa Dalawang pusong pinag-isa Dalawang labing nakangiti sa tuwina Dalawang matang lumuluha Dahil ang dalawa'y hindi na isa Tatlo Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa Tatlong salita na nagbigay ligaya Sa pusong tatlong taon ng umaasa Kung may magmamahal pa ba? Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na Upang mapawi ang lungkot at mapalitan ng ligaya Tatlong masasakit na kataga Ang naghiwalay ng landas ng dalawa Apat Apat na buwan ang hinintay Bago makamtan ang matamis kong 'OO' Apat, ang bilang ng letra sa isang salitang tawag mo sa akin Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin Lima Limang buwan tayong isa Lima, ang sukat ng aking paa Na lagi **** pinagtatawanan Lima, ang bilang ng mga daliri ko Na lagi **** hawak-hawak Limang minutong yakap madalas **** ibinibigay Anim Anim ang bilang ng letra ng iyong pangalan Anim ang dami ng nais **** alagang hayop Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito: Mahal pa rin kita Pito Pitong kontenenteng nais nating lakbayin Pitong araw sa isang linggo Mga araw na pinasaya mo ako Pitong bilyong tao sa mundo Ikaw ang pinili ko Walo Walo, isang numerong mahalaga sa'tin Walo, isang numerong ginagamit sa tuwing naglalambingan Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a' Wala, parang tanga Siyam Siyam ang araw ng kaarawan ko Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo Siyam katunong ng pangalan ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos Siyam and dami ng taon na bibilangin bago matupad ang pangarap nating dalawa Sampu Sampung taon mula ngayon Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar Sampung taon, maghihintay ako Yan ang pangako ko
0
Dec 27, 2015
Dec 27, 2015 at 9:10 AM UTC
Mga Numero

Continue reading...
76
Isa, dalawa, tatlo Ikaw parin ang laman ng puso ko Apat, lima, anim Sana ay ako parin Pito, walo, siyam Sana'y hindi pa ito ang huling paalam At ang panghuli ay sampu Na nagsabi sayo ng "I love you" Umaasa ako na mapapansin mo din ako At sa huli ay magiging tayo Gamit ang mga numerong ito Ay ang mga rason kung bakit kita inibig ng ganito Lahat ng numero ay babanggitin Hanggang sa ika'y mapasakin At kailanman ay hindi magsasawa, Magsasawang maghintay at sumaya
0
Jan 27, 2017
Jan 27, 2017 at 6:04 AM UTC
Numero
Malalim na ang gabi Habang sumisimangot ang alaala. Ngunit magka ganoon ma’y Kaya itong patahimikin Ng pabulong na paghikbi Ng ulang isinalin sa garapon. Ang alat ng karagata’y Syang sumalo sa mga binhing magagaspang. At nagmistulang mga pamaypay ang mga alitaptap Sa kanilang pagsalubong Sa pira-pirasong bangkang nilamon ng dagat. Ang kumot na walang hangganan Ay nagsilbing maskara Upang pansamantalang hilumin Ang tinaboy at isinuka ng naglalagablab Na hindi nakasusunog. At ang apoy na taglay nito’y Sya ring naging panghilamos Ng pininta ng kidlat at kalangitan Na syang sumuklob sa kanyang pamumuno. Walang numerong mailimbag Buhat sa sapilitang pagnanakaw At pataksil na paglisan Ng mga abong naging multo. At doon naging pamatid-uhaw Ang mga halik na ipinagtagpi-tagpi Ng mga luhang maalat at walang direksyon. Tila ito na ang pagmartsa Ng kani-kanilang mga multo Patungo sa libingang walang mga pangalan. Silang mga walang mukha At tanging abong ipinag-isa sa karagatan.
0
Jun 13, 2021
Jun 13, 2021 at 2:00 PM UTC
BGYO
Tagutaguan maliwanag ang buwan Wala sa likod wala sa harap Pagkabilang ko ng tatlo Kakalimutan na kita. Isa, dalawa... Pero teka lang Pagkabigkas ko ng isang numero Yung masasayang alala hanggang litrato nalang ba Pagkabigkas ko ng pangalawa Siguro tama na, ang sakit sakit na. Pagkabigkas ko ng pangatlo sapagkat... Teka lang wala pala akong numerong sinabing tatlo Uulitin ko ang pagbibilang Dahan dahan ipipikit ang aking mga mata At kakalimutan kana Sasandal sa pader para di na lalong mahulog pa Paano kita mahahanap aking mahal Kumay nahanap kana palang iba Paano kita matatagpuan Kung may natagpuan ka ng iba Anong silbi ng pagbibilang ko Kung sa panaginip ika’ Namamasid Hindi na kita iniisip Sapagkat ikaw ang hinahanap ng kaluluwa ko sa aking panaginip Eto na itutuloy kona ang pagbibilang Mahal Isa, dalawa... Nabigo nanaman ako Kahit ituloy ko ang pagbibilang Kahit umabot ako ng bukas Kahit umabot ako sa kamatayan Kahit umabot ako sa kinabukasan Hindi parin pala kita Kayang kalimutan Hayaan mo  darating din ang panahon Na makakalimutan din kita Sa mga binitawan na pangako Bat parang ako nalang Yung kumakapit dito Asan kana?
0
May 3, 2020
May 3, 2020 at 11:57 AM UTC
Tagutaguan