Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"negatibo" poems
Sobrang pighati ang bumabalot sa hinahon ng bawat hininga Umiiyak ng tuldok sa bawat letra Napwepwersa ang tandang padamdam sa bawat salita Negatibo ang laging nakikita Nasaan ang pangarap sa bawat sanaysay? Nasaan ang katotohanan sa tunay na buhay? Nalinlang tayo Galit at lait ng mundo Sumusukob sa buong pagkatao Di ko na makita kung nasaan na tayo Kadiliman ang kinasusukalam Ngayon ating pinaglalaruan Liwanag ngayon ang pinagtataguan Tila tayo ay napagiwanan Nasaan na ba tayo? Meron pa bang tayo?
0
Mar 7, 2015
Mar 7, 2015 at 1:45 PM UTC
Tayo
Ang kalatas kong ito, Ay talagang para sa'yo, Wag nang isipin kung sino, Dahil alam kong alam mo. Gusto ko lang na malaman mo, Kahit alam kong tunog gago, Na ako'y may katanungan para sa'yo, Kung mamarapatin mo. Ginulo nito ang aking isipan, Di ko nga rin alam, ewan, Ngunit sagot mo'y hanap ko, Kung sino ba ang kasalukuyang minamahal mo. Alam kong walang kwenta, Aaminin kong ako'y umaasa, Inaasam ang yong pagsinta, Sa isang tulad ko, isang dukha. Dinadaan ko nalang sa pagiging negatibo, Ngunit kalahati lang dun ang totoo, Dahil ako'y tao rin naman, Naghahangad, may mga kagustuhan. Sinasabi kong "ganyan ang mundo", Sinasabing iyan ang prinsipyo, Ngunit yan ay di ko gustong paniwalaan, Dahil dito sa nararamdaman. Iniisip kung paano kaya, Paano kung iyon nga? Paano kung di lang ako? Di lang ako ang nagkakaganito. Ako sayo'y lubos na nagpapasalamat, Kahit na ito'y alam kong di pa nga talaga sapat, Ngunit ang kalatas na ito it'oy hindi ko lalagyan ng bantas, Dahil ang mga panahong ito'y, di ko pa gustong magwakas
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 8:10 PM UTC
Isang Kalatas