Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naunang" poems
#030317 Oo, totoo -- Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako, Na aakyat pa sa tuktok ng bundok Para isigaw ang pangalan ko, At doo'y ihayag ang nilalaman Ng damdaming nagsisidhi, Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan. Mahal kita -- Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan. Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig, Hindi ko alam kung matatapos ba Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita" Pagkat hindi ito isang antigong alahas Na susuotin lamang sa mga piling okasyon, Pagkatapos ay itatago sa kahon, At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon. Sabi sa kanta, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga" Pero ang sabi ko nama'y Tirik man ang araw sa pagtawa O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak, Hindi ako mauubusan ng dahilan Para mas mahalin ka pa. Mahal, kaya ka pala mahalaga At kaya pala mahalaga -- Ngayon, ngayo'y alam mo na. Kukunin ko ang mga agiw Sayong mga lumang gunita, Pilit kong wawasakin ang mga pader Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa. Sa paulit-ulit **** pagsambit, Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay -- Masanay sa bawat pagbigkas mo Kahit pa sabi ko noo'y ayoko Kahit pa gusto kong itanggi Kahit pa gusto kong limutin. Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo Sapat na sakin ang pag-intindi mo Minsa'y di ko maintindihan sa telepono, Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko Pero alam ng puso ko: Narinig ko. Sa mga kamaliang pilit nating binabayo, Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan, At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap, Doon ko nakitang kaya pala -- Kaya pala nating magpatuloy Sa paghawak sa kamay ng bawat isa At kahit pa malayo sa isa't isa'y Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta. Minsan di'y nagtanong ako, Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo? Bakit kailangang hintayin pa kita? Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal? Ba't nga ba minamahal kita? Mapupuno ako ng bakit Pero itatapon ko ang mga ito, Ayoko nang malunod sa pangambang Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho O baka malimot ng isa sa atin Ang iniingatang "mahal kita" Tatalon ako sa walang kasiguraduhan Tatalon ako -- Oo, alam kong nahuhulog ako Nahuhulog sa walang katapusang "Mahal kita." Hindi ko gamay ang misteryo nito Hindi ko mabatid ang mga nakasulat, Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: Pero ililibot kita, Sa aking nakaraan, Sa aking ngayon At sa aking bukas -- Pagkat hindi tayo nabigo Ayokong biguin ka. Kailanman hindi mabubura, Hindi maglalaho Para sa nag-iisang ikaw. Sana magkusa ang araw sa pagbangon, At bukas makalawa'y maririnig ko na Ang hinihintay kong "Mahal kita."
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Walang Tuldok ang "Mahal Kita"

Continue reading...
86
Gera nang karahasan,Pagyao ng iilan Kasamaan na meron sila,inosente ang pinupuntirya Marami na ring nabubulag sa salapi,masyado ng sakim sa kapangyarihan Kaya pati mga mamamayan,ginagawan ng paraan para kumita sila ng barya Sakim sa kapangyarihan,umiiyak ang iilan Wala na ngang laban,Sinasabi nyo paring nanlaban Tahimik lang akong naglalakad,bukid ang kapaligiran Ang dami kasing magsasaka,kung magtanim droga ang nilalagay sa tagiliran Kaya kailangang mag-ingat,magmasid dahil Hindi lahat ng tagapangahalaga sa bayan ay dapat pagkatiwalaan Narinig mo na ba yung putok ng baril sa kanluran Nangangahulugan na nawalan nanaman tayo ng isang pag-asa ng bayan Inabuso na kasi ang katungkulan,Sulit tuloy ang nakamit na kalayaan Ang tagal nga imulat ng mga mamamayan ang kanilang isip at matang nagbubulag-bulagan Ginigising ko na kayo,Tulog pa yata,Lasing sa tinomang alak ng kalokohan, Tanghali na!Tulog na ang mga manok na naunang nagising kanina habang tayo'y nagbibingi-bingihan.
0
Apr 12, 2018
Apr 12, 2018 at 10:17 AM UTC
Tilaok
ang kaakit-akit **** bating- pangwakas ang siyang wagas na nagdala ng madamdaming mga katanungan mula sa iyong puso patungo sa iyong kasintahan, gamit ang ibabaw ng mga matikas na alon... walang pasubali na ipinahayag mo ang iyong pangmatagalang paglalarawan sa marami, bagaman ang mundo ng magkabilang dako ay pansamatalang natutulog na ... ang kagandahan niyon ay mananatiling gising pa rin. Dahil siya ang natatangi **** daigdig at ikaw nga ang makulay niyang pag-ibig! At mula sa iyong napakalambing na pagsisimula Mayroong "kayo" na magsasalo sa magdamag habang heto si Ako...mananatili ring tapat at gaya niya na di nakakalimot sa akin! Kaya naman sa iyo aking mahal, Malayo ka man sa akin ngayon, lagi pa rin namang merong "tayo" Maulap man ang papawirin Ating babagtasin ang araw at sinag nito hanggang sa isang kabilogan na lang ng buwan ang aking pananabikan at bibilangin ko! Sa pagsapit niyon matamis na katahimikan ang siya nating mabubuo! tanging sa ating pagniniig nang may buong kasabikan ang mga himig na maririnig! mula sa simula hanggang sa ang wakas ay magsilbing hudyat na sa langit nating inaasam ay magigisnan ang malakidlat na tilamsik ng ating pagsusuyuan Di-kapara ng naunang magsing-irog mula sa bukana ng talon ay nahulog at kapwa bumitaw sa ere sa gitna ng kulog pero tayo...Hindi tayo sa patibong matutulog! patutunayan nating Hindi tayo ang tipong mauuwi sa TaLiwaS dahil sa katunayan nga mahal ko sa pamagat pa lang binungad ko na ang SiLaw aT labo na nananahan sa pagitan ng tukso at ng bahay na inaakala nilang panghabang-buhay na tahanan!
0
Oct 23, 2020
Oct 23, 2020 at 9:08 AM UTC
' SiwaLaT '

55
Ayoko na lamang bilangin ang mga oras Na nasisinagan pa tayo ng araw, Maghahabulan at magtatampisaw na parang mga basang sisiw Sa hubad na kalsadang naunang pagalitan ng langit. Naaalala ko pa noong elementarya'y Sabay tayong papasok sa eskwela Matapos humigop ng mainit na sopas ni Nanay. At minsan nga'y nakalilimutan nyang hanguin ito nang maaga Kaya matapos nating kumain ay sabay rin tayong magtatawanan At maglalaro ng "tag-tagan" patungo sa kanto sa sakayan. Hindi ba't pumupunta pa nga tayo sa may bandang iskwater, Makapaglaro lang ng pitsaw sa dati nating mga kaklase? Nagagalit kasi si Nanay kapag sa bahay natin sila niyayaya At magkakalat ang putik sa ating sahig Kasi pati si Bantay ay nakisali sa paghuhukay. Ilang beses din tayong naligo sa dagat Kahit na ang sabi ni Tatay ay manginas muna tayo Habang siya ay nasa laot pa. Pero uuwi tayong mga basa at walang pang-ulam na pasalubong Kaya muli tayong mapagagalitan Kasi ang titigas daw ng mga ulo natin. Hindi ba nahuli ako sa eskwela noon na nangongopya sa'yo? Tapos sinabi mo sa titser na ikaw ang nangongopya at 'di ako? Hindi ko kasi makalimutan yun Kasi pag-uwi natin sa bahay, ako pa yung nagtampo sayo Nung ikaw yung unang pumili sa doughnut na dala ni Tatay. At nung gabing iyon, hindi ako tumabi sa'yong matulog Ang sabi ko pa ay ayaw na kitang makita muli Kasi naghalo-halo na yung nasa utak ko. Pero alam mo ba, na sa mga oras na yun Hindi ko talaga inaasahang seseryosohin mo yun. Kaya noong maggising na lamang ako'y Nagulat akong wala sila Nanay at Tatay At si Aling Rosing pa ang nagsabi sa'kin Kung ano ang mga nangyari At kung saan ako pupunta. Sinabi ko na ngang ayoko na magbilang ng mga oras, Pero heto pa rin ako... At taon-taon akong nangungulila at nagsisisi. Siguro nga kung hindi ako natulog agad Ay baka may naggawa pa ako. Siguro nga kung hindi ko sinabi ang mga iyon, Ay hindi mo ring magagawang umalis. At siguro nga kung hindi ako nagtampo'y Wala naman talaga tayong pag-aawayan. Hindi ka rin hahanapin nila Nanay sa gitna ng gabi At hindi sila masasagasaan ng tren para iligtas ka lang. Siguro nga, pero huli na ang lahat eh Wala na kayong lahat at iniwan n'yo na 'kong mag-isa. Sana sa huli kong pagbisita'y mawala na rin ang lahat ng bigat, Mawala na ang pagkamuhi ko sa sarili ko, Kasi pagod na ako... Pagod na pagod na ako.
0
Oct 8, 2021
Oct 8, 2021 at 11:11 PM UTC
Riles

53