Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napapadpad" poems
Babalik pa ba? Ako pa ba'y aasa? Na ikaw ay babalik kapag ako ay nag-antay Kay hirap tanggapin Na ngayon ay hindi ka na sa akin Nakasandal, nakatabi buong magdamagan hanggang mag umaga Ipaliwanag mo kung bakit ba Dahil ako ay umaasa pa Na ika'y mahagkan, makayakap Muling makausap Bawat sandali At kung makita kang kasama siya 'Di maiwasan na ako'y manghina Magmamanhid ang katawan Gulong-gulo na ang aking isipan Babalik pa ba? Alam mo namang ikaw lang ang aking iniisip Mula pag gising at pag-sapit ng dilim Tila suntok sa buwan Hinahanap ka kung san-san Na lang ako napapadpad ngunit di ka parin matagpuan Babalik pa ba?
0
May 12, 2015
May 12, 2015 at 10:52 AM UTC
Babalik Pa Ba?
Ganon ka ba talaga? Mahirap magpatawad? Na Sa tuwing ako'y lalapit ika'y sa iba napapadpad Ramdam mo ba? Ramdam mo ba ang sakit na pinaramdam mo? Malamang hindi, kasi kung oo matagal nang bumalik ang dating ikaw at ako Gusto kong umiyak, gustong gusto Bakit ka ba biglang nagbago? Hindi na ikaw yung tao na nakilala ko Asan ka na ba? Bakit tila yata ang bilis mo maglaho? Ganon ka ba talaga?  Kasi kung oo tanggap kita Pero kailangan ba talaga na maging ganyan ka? Lagi kong panalangin na bumalik na tayo sa dati Yung masaya lang, yung di ka pa galit bago ang lahat na nangyari
0
Apr 1, 2018
Apr 1, 2018 at 6:54 AM UTC
MAGPATAWAD