Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nanonood" poems
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
Aking minamahal, Alam kong 'di mo kayang mahalin Kahit anong dasal Hindi kita kayang angkinin Ikwekwento ko Ang malubha kong storiya Pusong nagdugo Sa maling tao umaasa Malayo ka man Ika'y palaging hinihintay Ika'y inaabangan Sa tagal, ako na ay sinasaway Nang magkatinginan tayo Sa isang programang mahaba Sige, kinilig ako, oo Ayon ba ay masama? Tahimik na tao Ito ang aking nagustuhan Kahit 'di romantiko Hindi ko na yan inaasahan Ang problemang maliit Ang lutas ay paglayuin tayo Sa edad ipinilit Dahil lang mas bata ako sayo Pero tinanggap ko Na mas matanda ka sa akin Kolehiyo naman siguro, no? Konting hakbang lang mula sa'min Ginaganahan pumasok Lalo na kapag institusyonal Pinipiggil ko ang antok Para lang makita ka, mahal At habang umaasa Nanonood lang sa malayo "Sana tumingin siya Sa direksyon kong malabo" Palaging tumititig Dahil ikaw ng inspirasyon ko Ngunit puso ko'y namitig Nang malaman ika'y ****
0
Jan 21, 2018
Jan 21, 2018 at 1:04 PM UTC
Para Kay TanTan
alam mo bang hindi ko inasahan ang naibigay **** saya? hindi ko natanaw noong umpisa na tayo ay magiging panandalian lamang pala. tulad noong araw na tayo'y nagkakilala, ang pagwawakas natin ay naging kasing bilis rin lamang ng isang kisapmata. napakasariwa pa ng mga alaala nating dalawa. sabay pa tayong nanonood kay haring araw kapag siya'y bababa. sa umaga'y yakap mo pa ako sa ating pagising at kamay ko pa ang iyong hawak sa tuwing ika'y nananalangin. ngunit lahat ng pagsasamang ito ay nahinto, dulot ng isang tuldok. ang natatanging bantas na nagsasaad ng pagtatapos. Oo, masakit na di na kailanman malalagyan pa ng dalawang tuldok. . . na magpapahiwatig na ang ating kwento ay mayroon pang karugtong. ang mga oras at panahon ay tila naging saglit, ang kwento natin ay puno lamang ng kuwit na nagsasabing "di pa tapos, sandali lang, maaabot natin ang tuktok" pero si Bathala na nag nagdesiyon na lagyan ito ng tuldok marahil nga hanggang doon na lang ang istorya nating dalawa, alam ko rin naman na hindi napipilit si tadhana. inihipan na rin nina amihan at habagat ang ating mitsa --at ang bisa ng pana ni kupido ay tuluyan nang nawala. kaya pasensya ka na mahal kung hindi maganda ang kwentong naibahagi ko. 'di bale, ito na lang rin naman ang huli kong mensahe para sayo. hayaan **** ako rin ay maglagay na ng tuldok sa dulo at sabihin sayong maaari ka na rin magsimula ng panibago **** kwento.
0
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 9:38 AM UTC
Panibagong Kwento
Naaalala ko pa ang sandaling sinigaw mo sa mundo pagmamahalan ay kailanman di magbabago Sabay hawak sa aking mga kamay Habang nanonood sa paglubog ng araw sa Pagsapit ng dilim patuloy na humihigpit ang iyong pagkapit at hindi bumibitiw Sa gabing mga bituin ay nagniningning na kayang kaya kong ikumpara sa iyong mga ngiti na kailanman di mo pinakita sa kanila na tanging akin lamang at hindi maaagaw ng iba Naaalala ko pa Ang mga pangakong narinig ng aking mga tenga sa harap ng dambana na tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa ating dalawa at nakita mo ang mga tumutulo kong luha na labis na di makapaniwala na ang babaeng nasa harap ko ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko ang babaeng pinangarap ko ay ang babaeng pakakasalan ko Maaalala mo pa kaya kung sakaling isigaw ko ulit sa mundo na patuloy ang pagmamahal kong di magbabago kahit wala na ang kamay na minsa'y humawak sa akin ng mahigpit kung bakit bumitiw mga gabing dadaan na magpapaalala sa iyong ngiti kung gaano kahapdi at kung gaano kasakit na ang babaeng mahal ko ang babaeng hinintay ko Ang babaeng pinangarap ko Ang babaeng nangako at sumigaw sa mundo Na ang pag ibig natin ay walang hanggan pero bakit andito tayo sa dulo mararamdaman mo ang kaba at lungkot sa puso ko ang isip kong di magkandaugaga kung paano ko ipapahayag ang aking nadarama simula sa unang pagkikita sa pagsambit ng mahal kita At mamahalin kita kahit abo na lamang ang pinanghahawakan ko sinta
0
Oct 24, 2018
Oct 24, 2018 at 6:43 AM UTC
Walang Hanggan
Ano na? Ano na? Ano na ang susunod? Saan ba? Kailan ba? Bat parang nalulunod? Ako'y walang nagawa, Bulag na nanonood, Walang kwenta, basura, Nakatulala sa pagtama ng kulog. Nakakapanlumo pero anong magagawa, Tapos na, nawasak na habang nakatulala, Huli na ang lahat, paano masasagip, Huli na ang lahat, huli na nga ba ang lahat?
0
Mar 14, 2019
Mar 14, 2019 at 6:38 AM UTC
Nanggagalaiti sa sarili