Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nangangatog" poems
#080416 Para akong sumusuntok sa hangin noon, Noong bigla kang nagpadaig sa ihip nito. Sana tinangay na rin pati ang damdamin, Mas masakit pala kasi iniwan **** may pait. Para akong sumusuntok sa pader ngayon, Ngayong sabi **** hindi naman nagbago Pero ang sakit na ng mga kamao ko, Nasusugatan ako Pero pilit akong kumakatok Sa puso **** malaki ang pader. Para akong sumusuntok sa punching bag, Pinipilit kong husayan kahit dumadaplis ako. Kapag nangangatog ang tuhod ko't napapaluhod, Sabay ang luha sa tagaktak ng pawis. Pero muli akong bumabangon. Para akong sumusuntok sa unan, Gusto kong mamahinga Pagkat pagod na ang puso. Masakit na ang mga kamao Naaawa na ako sa sarili ko, Kaya't pipilitin kong pumikit. Kailangan ko ng tulog na mahimbing Oo, iiyak na naman ako Sinusuntok kita Hindi dahil galit ako; Sinusuntok kita Kasi kahit pagod na Sayo nais mamahinga.
0
Aug 4, 2016
Aug 4, 2016 at 9:20 PM UTC
Suntukan
Nagsisiliparan na yaong mga paniki, hudyat na magsisimula na ang gabi ‘Di nakatakas ang kiliti ng paru-paro sa aking tiyan, gayong maggagabi naman Nakahanda na ang tinola, para sa mga bisitang nais ay ang kamay kong nangangatog Ngunit ‘di lang naman ako ang nanginginig, kundi si Mario rin naman Oh kay malas! Tumilaok yaong manok, nanaginip nanaman pala akong may irog, na liligawan kagaya noong unang panahon.
0
Oct 31, 2020
Oct 31, 2020 at 9:59 AM UTC
Paniki, Paru-paro at Manok
Nilalamig at nangangatog. Naghihintay na tila ba maaga pa. Alas dos na ng umaga, Pero ito ako, Nagbabakasaling darating ka pa. Sabik na makita ang labi **** binabalot ng ngiti, At mga mata **** animo'y bituin sa kalawakan. Inagahan pumunta sa tagpuan upang mapaghandaan, Nakapagdasal na rin ako na Sana damit ko'y iyong magustuhan. Isang oras ang lumipas, Gahol na gahol pa akong kumaripas Makabili lang ng mapupulang rosas Na ikakalat sa lamesang aking hahainan. Handa na rin ang bulaklak na ipinasadya sa murang halaga. Nasinghot ko na nga lahat ng amoy, Pero mahal, wala ka pa. Naalala ko pa nga kung paanong Nabigyan ko ng problema si mama Kakahanap ng magandang tela Na ilalatag ko para maupuan nating dalawa. Ito na nga, handa na. Nahiga, naupo, tumihaya. Lahat na ata ng posisyon nagawa ko na, Kaya mahal, nasan ka na ba? Lumamig na rin ang niluto kong putahe. Nawalan na rin ng lasa ang tinimpla kong inumin kakalagay ng yelo Para mapanatili ang lamig niya. Handa na rin ang musika. Handa nang umindak ang parehong kaliwa kong paa. Nananabik nang maisayaw ka sa unang pagkakataon, Sa loob ng pagsasama natin ng mahabang panahon. Tila'y nagsasabi na rin na paparating ka na Ang mga ilaw na aking palamuting hinanda, Sa bawat pikit nila'y pag-asa kong Yapak mo ay papalapit na. Nilalamig at nangangatog. Naghihintay na tila ba maaga pa. Alas dos na ng umaga, Pero ito ako, Kakabasa lang ng mga text nilang, "Wala na sya." Nakatanga. Nakatulala. Hawak ang bulaklak na ipinasadya. Bumuhos ang mga luhang nawalan ng pagasang, Darating ka pa..
0
Feb 28, 2019
Feb 28, 2019 at 10:26 AM UTC
"Bakit"

Continue reading...
51