"namalagi" poems
Minsan maiiyak ka na lang sa pagod.
Pagod sa lahat ng bagay.
Pagod sa pagiintindi sa mga tao.
Pagod gumalaw.
Hanggang gusto mo na lang mawala.
Mawala na walang bakas na namalagi ka sa mundong ito.
Pagod ka na kasi.
Dahil pagod ka na ring umiyak.
Titigil ka na din sa pag iyak dahil pagod kana.
Pagod na pagod kana.
Mar 22, 2016
Mar 22, 2016 at 10:30 PM UTC
Ang haplos ay malamig
di man naninigas
nanatili walang kibo
Sa paghagok ay naninibago
-walang malay parang nag-iidlip
Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo na ng Diyos
-magbigay pugay
Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti
Ginto at pilak, walang katumbas
Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan
Parirala ng buhay ay papintig-pintig
sa ibang dimensyon na ng daigdig
Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay
Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay
Sa kuko matatanto habang nakaratay
Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay
Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan
Maraming kakaibiganin maging sinuman
Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad
Pagbubuklodin ng pagsinta
Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi
Paalalang ipirmi, di iwaksi
Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 6:20 PM UTC
Andaming nag bago, noh?
Mga bagong mukha
Mga naalala ko na lamang sa mukha
Ano ba ulit ang iyong ngalan?
Marami na rin palang namaalam
Mga namalagi sa ibang lugar
Mga lumisan sa mundong ibabaw
Ikaw, saan ka na nananahan?
At itong mga dating maliliit na bata
Ngayon ay nagsilakihan na
Ang karamihan ay napariwara
At ang iilan ay hindi nawalan ng pag asa
Masyado siguro akong naging abala
Upang hindi mapuna
Kilala pa rin kaya ako
Ng komunidad na kinalakihan ko?
Mar 31, 2020
Mar 31, 2020 at 8:32 AM UTC
Samahan mo akong balikan
Ang lugar na satin lang
Kung saan nagtagpo
Ang panaginip
--at ikaw
Na doo'y naghalo
Ang liwanag at dilim
Ang lungkot at saya
Na ating pinaghatian
Nangako kang ika'y
Sa'kin lang
Samahan mo akong balikan
Mga bituin sa kalawakan
Kung saan namalagi
Ang pangako
--at ikaw
Na doo’y ako lang
Sa’yong tabi, walang hadlang
Sikretong lugar
Na satin lang
Walang kahati
--Ako'y sayo lang
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 8:58 AM UTC