Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
badud
Patapos na ang ulan Na tila isang luhang di mapigilan Umagos nang di namalayan Tumila na din Tumahan din Yung bigat ng ulap Na antagal din binuhat Na kusa na lang nalaglag Yung dating pangarap Pero tila na Tapos na Bawat patak Pangako at pangarap Nahuhulog mula sa taas Isa isang tumatakas Pero bawat pagbitaw Ng kada pirasong ulan Pilit ko mang pigilan pero Unti-unting gumagaan
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 11:23 AM UTC
Tila
Paano kung magkita tayo Nang di naman natin pinaplano Ano kayang sasabihin mo O iiwasan mo ba ako Paano kung magkunwari Tumingin sa malayo at magkubli Sa likod ng mga taong nagpapanggap Sa likod ng mga matang naghahanap Pero paano kung tawagin kita Magugulat ka kaya Kung marinig mo Yung dating tawag ko sayo Pero hindi pala ikaw yung nakita ko Yan lang yung nabuo sa isip ko Paano kung isang araw nakatayo ka na sa harap ko Maririnig ko kayang muli yung mga salitang nagpatibok sa puso ko.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 11:17 AM UTC
Salubong
Panahon na noo'y kaibigan lang ang pagtitinginan Nasundan ng di inaasahang pagiibigan At doon sa mundo nating binuo na puno ng paruparo Doon tayo naglalaro at humihinto ang oras na ginto Pero ano na tong nangyari? Di ka na kagaya ng dati Ako lang ba itong nahihirapan Mahal kita kaya ako lumalaban Kahit di mo man sabihin Nararamdaman ko naman Kahit di mo man aminin Maiintindihan ko naman Kayat sabihin mo na lang Ng matapos na ang nasimulan Ayoko na kasi nitong Nararamadaman Ngayo'y ako na lang Ang naiwan sa mundo Nating ginalawan Iiwan ko na din ito Para simulan ang sumaya Na ako lang Salamat sa nangyari Di ko nagawa lahat dati Bigyan ng oras ang sarili Mabuhay ng walang pagsisisi
0
Sep 29, 2017
Sep 29, 2017 at 5:08 AM UTC
Wakas
Hayaan na lang nating matunaw ang tula, Na hindi nabigkas sa dulo ng dila, Lipadin na lang ng hangin ang mga letra't salita, Hindi din naman pakikingan, mabuti pang mawala. Hayaan na lang nating kalimutang bigla, Ang pasuyong nakalaan sana sayo, Isabay na lang sa pag takbo ng mundo, Sa kanan ka, sa kaliwa ako.
0
Sep 18, 2017
Sep 18, 2017 at 7:04 PM UTC
U-turn
Samahan mo akong balikan Ang lugar na satin lang Kung saan nagtagpo Ang panaginip    --at ikaw Na doo'y naghalo Ang liwanag at dilim Ang lungkot at saya Na ating pinaghatian Nangako kang ika'y Sa'kin lang Samahan mo akong balikan Mga bituin sa kalawakan Kung saan namalagi Ang pangako    --at ikaw Na doo’y ako lang Sa’yong tabi, walang hadlang Sikretong lugar Na satin lang Walang kahati --Ako'y sayo lang
0
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 8:58 AM UTC
Tara