"naluluha" poems
Marami ang natutuwa,
Ang iba nama'y naluluha.
Mayroon namang naiinis pa,
At nagbibitaw ng maaanghang na salita.
Masisisi mo ba sila?
Amoy na amoy ang bulok na sistema.
Yaman ng bayan, saan napunta?
Aling daan ba ang susundin nila?
Nasaan ang pangakong maka-masa?
Gagalawin pa ang pera ng iba.
Pangulong hindi makasarili,
Ilaw ng bansang hindi mapupundi,
Layuning hindi naisasantabi,
Iniintindi bawat hinaing ng nakararami.
Presidenteng may katuturan ang sinasabi,
Ipinagtatanggol ang mga naapi,
Nagsusumikap na bansa'y maging mabuti,
Obligasyon sa mamamayan ang laging pinipili.
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:35 PM UTC
Namumugto aking mga mata hindi dahil pina-iyak o naluluha ako
Namumugto aking mga mata dahil napuyat ako
Napuyat ako dahil sayo
Napuyat ako dahil kausap kita hanggang mag umaga
Napuyat ako dahil gusto ko marinig yung boses mo sa telepono
Napuyat ako kasi hinintay kita matulog
Matulog....
Natulog...
Tinulugan mo ako.
Tinulugan mo ako na parang pag-ibig mo
Na para bang biglang nawala habang kausap ko sa telepono
Pinatay mo ang cellphone mo
Parang pag patay mo sa puso ko dahil ayaw mo ng estorbo.
Yung mga araw na napuyat ako at akala ko ikaw ay natulog nagkakamali pala ako. Hindi ka pala tunay na nakatulog. May kausap ka lang pala na iba sa telepono.
Nag puyat ako para sayo pero sinayang mo ang oras ko
Nov 29, 2015
Nov 29, 2015 at 10:04 PM UTC
I.
Ayoko talagang magbasa ng mga tula,
Madalas kasi ako'y naluluha.
Kahit hindi naman dapat maramdaman,
Ng mga berso at mga linyang nilalaman.
II.
Ayoko talagang tumitig sa'yo,
Kasi baka 'di ko mapigilan sarili ko.
Na baka 'di makapag-timpi,
Higitin nalang kita at yakapin sa tabi.
III.
Ayoko talagang makitang masaya ka,
Na masaya sa iba.
Dahil pinapa-mukha mo lang sa akin,
Na hindi ka kailanman mapapasakin.
IV.
Ayoko talagang magbasa kasabay ng ulan,
Kasi pinapapaala lang nito ang lumbay.
Lumbay na kahit kailan
Hindi na ako nilubayan.
V.
Ayoko talagang makatabi ka,
Dahil pinaparamdam mo lang sa akin na,
Isa ka nalang pangarap na sobrang lapit,
Pero kailanman hindi na makakamit.
Apr 14, 2016
Apr 14, 2016 at 8:25 AM UTC
Yung mga tropa ko gumagawa ng tula
Samantalang ako, lagi na lang naluluha.
Nahikayat naman ako sa kanilang gawa
Kaya heto ako ngayon, nagtitipa hangga't sa aking kaya.
Kita ko yung saya sa kanila pyesa
Pero bakit ako, pilit maging masaya?
Eh bakit kasi ako nagawa?
Kung hindi ko naman kayang gumawa ng tulang magara?
Gago kasi naman parang tanga
Lagi na lang ganito, wala na bang iba?
Yung mga tropa ko ang galing gumawa ng tula
Ngunit ako, hindi kayang isagawa.
Mar 2, 2020
Mar 2, 2020 at 8:03 AM UTC
Hindi ko inaakala,
Pagpatak Ng ulan
Tayo'y magkikita
Mga kamay tila humiga.
Mata mo'y naluluha
Samantalang ang lalamunan ko'y basang basa
Hindi ko inaakala
Mahal pa pala kita
English translation
I didn't expect
As rain pours by
Our paths crossed by.
Our hands lay by
Your eyes gets teary
While my eyes gets watery
I didn't expect
I still love thee.
Aug 6, 2017
Aug 6, 2017 at 9:32 PM UTC
Sa tuwing naaalala,
Ako'y naluluha,
Di lubos na akalain,
Lahat ay mawawala,
Ang pag-ibig na pinagsaluhan nating dalawa,
Sadyang kay bilis limutin,
Parang inihip lang ng hangin,
Tila ganon lang kadali,
Pipilitin ko rin ngumiti,
Lalasapin ko ang pait,
Titiisin ko ang sakit,
Dahil wala ka na,
Iniwan **** nag-iisa,
Di na mababalik ang tamis,
Di na mahahagkan pa muli,
Di na mamasdan ang ngiti,
Di na mauulit pa,
Hindi na muli,
Dahil wala ka na,
Saan ba tayo nawala?
Ba't hindi ko nakita?
Di lubos na akalain,
Tatangayin pala ng hangin,
Ang pangako sa isa't-isa'y,
Babaliin lang pala,
Okay lang ako yung masaktan,
Wag ka lang mawawala,
Tila ganon lang kadali,
Ba't ang hirap pa rin ngumiti,
Nilasap ko na ang pait,
Tiniis ko ang sakit,
Tangi kong hiling sinta'y
Nakikinig ka,
Minahal kita abot langit,
Hanggang maubos lahat ng "subalit”
Jul 1, 2021
Jul 1, 2021 at 9:35 AM UTC