Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakatutok" poems
Papalubog na ang araw. Nakatutok ang mga bata sa harap ng gadget nila. Mga chismosang naninira ng kapwa nila. Lahat ay masaya sa kalayaang nadadama nila. Lingid sa kaalaman nila ay may isang babaeng nakamasid lamang sa isang sulok.. Dala-dala nito ang alaala ng masakit na kahapon. ISANG madugong nakaraan- mga bayaning dumanak ng dugo para sa lupang sinilangan. Mga iyak- sigaw at kapighatian ng mga pilipinong inapi nang mga dayuhan. Mga sakripisyong tiniis at inalay nila para sa kalayaan ng bayan. Nasasaktan ang babaeng iyon. Nasasaktan ang ating Inang Bayan.
0
Jul 23, 2019
Jul 23, 2019 at 5:55 AM UTC
K A S A Y S A Y A N
Ilang oras nang nakatutok Ang aking largabista sa iyong bintana. Iniintay ko ang oras na ikay dumating. Nagtatago sa dilim upang di mo mapansin ang madilim na aninong nag-aabang. Naka ilang ikot din ang mga kamay ng orasan at sa wakas ay pumasok ka na sa iyong kwarto. Di mo ba napapansin na sa iyo’y may nakatingin? Pinanood kita at pinagmasdan ang iyong bawat kilos. Mayamaya’y dumungaw ka sa bintana upang namnamin ang matamis na simoy ng hangin. Sinunggaban ko ang pagkakaton. Itinapat ko ang lente ng largabista sa iyo. Pinagmasdan kong maigi ang iyong mukha Nakatutok na ang lahat sa sentro ng aking atensyon. Ikaw. Perpekto na ang lahat. Isang kalabit ng daliri. Magkikita kayo ng tadhana.
0
Jul 11, 2011
Jul 11, 2011 at 12:41 AM UTC
Scope
Tahimik na nagmamasid. Diretso ang tingin. Nakita ko ang sarili nasa himpapawid, hindi alintana ang pagpatid ng bawat pakpak na pudpod na sa kakagamit, Hindi alintana ang kanilang unti-unting pagdating, basta diretso lang ang tingin. Sa iisang direksyon lamang nakatutok ang aking paningin, Nakikita kita. Naaaninag. Ikaw lamang ang tanging bituing nagliliwanag sa gabi. Ikaw ang buwan, ikaw ang araw. Ikaw ang pagkapit, ikaw ang pagbitaw. Ikaw ang sa umaga'y araw na nakakasilaw. Ikaw ang sa gabi'y buwan na tanging lumilitaw. Ikaw ang paru-parong mapangakit. Nakakaakit. Hinabol kita para lamang mahuli. Hinabol kita pero ang hirap mahuli. Hinabol kita pero akala ko ako na ang huli. Pero mali. Hinabol kita habang hinahabol mo siya. Minahal kita pero minamahal mo siya Kailan kaya mangyayaring tayo ay pagbaliktarin ng tadhana? Kailan kaya mangyayaring ang ako ay magiging ikaw? Na naghahabol, walang pagod sa paglipad para lang maabutan ka. Kailan kaya mangyayaring ang dating ako lang ay tayo ng dalawa? Dalawang paru-parong dadapo sa isang bulaklak na pareho nating gusto. Kailan kaya ang durog na ako ay muling mabubuo? Kailan ka kaya hihinto para lamang hintayin ako? Kailan? Kailan nga ba? Kailan mo nga ba malalaman na ang ligaw na paru-paro ay sayo pala patungo?
0
Jul 27, 2016
Jul 27, 2016 at 7:22 AM UTC
SAYO AKO PATUNGO
Avisala! Halina sa TED ng CapSU-Dumarao o Encapsudia Kahawig nito ang Lireo sa Encantadia Elemento ay hangin, sagisag ay bughaw Lireo na kanlungan nina Danaya, Amihan, Pirena at Alena TED na kanlungan nina Dela Cruz, Arriola, Penson at Araneta Avisala! Halina sa Crim ng CapSU-Dumarao o Encapsudia Katulad nito ang Hathoria sa Encantadia Elemento ay apoy, sagisag ay pula Hathoria na naghari dahil sa lakas at dami Crim na naghari din kung pag-uusapan ay dami Avisala! Halina sa Agri ng CapSU-Dumarao o Encapsudia Kapareho nito ang Sapiro sa Encantadia Elemento ay lupa, sagisag ay dilaw Sapiro na sagana sa yaman ng lupa Agri na nakatutok sa pagpapayaman ng lupa Avisala! Halina sa Vet.Med ng CapSU-Dumarao o Encapsudia Kamukha nito ang Adamya sa Encantadia Elemento ay tubig, sagisag ay berde Adamya na kapiranggot na alaga ng brilyante ng tubig Vet.Med. na kakaunti na alagang hayop ang hilig Avisala! Halina sa Computer ng CapSU-Dumarao o Encapsudia Kawangis nito ang Etheria sa Encantadia Elemento ay kuryente, sagisag ay lila Etheria na nasa gitna at naglaho na Computer na nasa gitna rin at wala na. -05/19/2017 * a tribute to CapSU-Dumarao and Encantadia, written this day of final airing of Encantadia 2016
0
Sep 28, 2019
Sep 28, 2019 at 10:04 PM UTC
Encapsudia: Ang Kambal ng Encantadia
Hindi ko na alam kung saan ako mas magiging payapa kung sa kalabit mo sa aking balikat na malapit nang sumuko o kung sa kalabit mo sa gatilyo na nakatutok sa aking ulo
0
Dec 27, 2016
Dec 27, 2016 at 2:05 PM UTC
Kalabit
Ang bilis lumipas ng oras at panahon Parang kahapon lang kung iisipin Nakaraang buwan iyong kinalimutan Kasalukuyang buwan, muli'y nakalimutan. Nakatutok pa rin ako sa aking telepono Nagbabakasakaling sana maalala mo Espesyal na araw sa ating dalawa Na patuloy **** hindi inaalala.
0
Dec 20, 2020
Dec 20, 2020 at 3:05 AM UTC
PAGLIMOT (FORGETTING)
Ako ay mandirigma sa ibabaw ng lupa Ang kalasag at baluti ko ay di nila makita Ang aking pananggalan ay di magigiba At ang aking tabak ay may talim na magkabila Ako'y walang tigil sa pakikidigma Sa mga kaaway na walang habas kung gumiba Ng mga templong ang nais sa kaligayahan ay humiga Mga templong di alam ang pakikidigma Mga kalabang hindi mo nga makikita Ngunit nasa harapan kung sarili ang nakikita Hindi na siguro bago ang ganitong balita Na ang kalaban sa harap ng salamin mo lang makikita Dumarating ang araw na ako'y nadarapa At ang palakol ay nakatutok sa katawan ko'ng nakahiga Ngunit Ikaw ang pananggalan ko'ng di nga magigiba Inaahon mo ako upang alisin ang putik sa pagkadapa. -JGA
0
Aug 12, 2021
Aug 12, 2021 at 9:12 PM UTC
Mandirigma
Kaynipis ng hangin sa paligid Kahit pa bentilador ay nakatutok sa magkabilang gilid Nangangamba sa mga taong kasama sa silid Naway tiyak nga ang aking lingid Ngunit di nagsisinungaling ang mga senyales Kahit na hindi na isulat pa sa papeles Tiyak ang paghinga na may pagtitiis Na tila inaagaw ang hangin na kay nipis Pinarurusahan nga yata ako Sapagkat sobrang nakalimot na nga ako Maging sa pagkain nauuna ang subo ko Kaysa pasasalamat at dalangin ko Tiyak na nga, tiyak na nga... Masakit ang ulo sa paghiga Barado ang ilong magkabila At pang amoy ko'y wala na nga Ako ba ay makatatagal kaya? Tanong sa isip na nawawala Sa wasto dahil masakit na nga Diyos ko bahala ka na nga!
0
Jul 28, 2020
Jul 28, 2020 at 9:40 AM UTC
Covid na nga kaya?
Sa pag lubog ng araw, Nakatutok ang mga mata sa abot-tanaw. Sa pagsilip ng mga bituin Sa kalangitang dumidilim At paghaplos ng malamig na hangin Sa basang pisngi At tuyong labi Unti-unting nakakain ng masalimuot na nakaraan ang matamis sanang kinabukasan. Ngunit sa pagpahid Ng katas ng nawalang pag-asa Ay bagong kislap Sa aking mga mata Muling tatanaw, Ngunit ngayo'y Sa pagsikat ng araw.
0
Mar 12, 2020
Mar 12, 2020 at 10:18 AM UTC
Tingala
57 Limang araw bago ang kasalan Sa umaga’y umulan ang kalangitan 58 Sina Sibo at Loria’y nagkita Kasama ang Diwata ng Lupa 59 May ikalawa pang pagsubok Na sa alipin naman nakatutok 60 Sisidlan ay sa kanya iniabot Tubig dito’y ibubukot 61 Subalit ang lahat ng iyon Magmumula lamang sa mga dahon 62 Kaya buong umaga’y nagtiyaga Ang alipin na punuin ang botelya 63 ‘Di umabot ang tanghali Sa paghamon siya’y nagwagi. -06/19/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:53 PM UTC
Siboloria 9 -Ikalawang Pagsubok-
15 Ang mga lalaki’y ‘di alintana Na may nagmamanman sa kanila 16 Sila ay tatlong Amazona Matinik na mga espiya 17 Noong mga nakaraaang araw Nang sila ay mabulahaw 18 Ang mga manlalakbay na lalaki Sa mga patibong sinuwerte iri 19 Subalit wala silang takas Sa mga mandirigmang marahas 20 Isang gabi habang natutulog Sa kanila’y may nambulabog 21 Nang sila’y manumbalik sa ulirat Nagulat sa mga nakatutok na sibat. -07/23/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:03 PM UTC
Tumatarok 3 -Ang Pitong Bihag-