Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakatulog" poems
Magrasang damit ng batang madungis tyang gutom at katawa'y malangis palaboy-laboy sa eskinita pagala-gala sa kalsada uupo sa sulok may katabing lata limos na inaabot ang lata sa mga tao nagmamakaawa para makakuha kahit kaka-unting barya Paglipas ng hapon at pagsapit ng gabi walang paligo at katawa'y makati ang naipon nyang pera kulang kulang sampu ang halaga di na matiis ang gutom nagkalkal ng basura sa tagal walang makita nainip, nakatulog, nahiga, ang naipong barya idadagdag nalang bukas sa lata
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 12:55 AM UTC
Palimos
Patay sindi ang ilaw sa kwarto. Bawat pagsindi ay napuputol ang tulog na mga limang minuto pa lamang ang tinatagal. Kaluskos mula sa kisame ay pilit na sinasawalang bahala. Ang salamin sa aparador sa paahan ng aking kama ay mistulang naggiging larawan. Mayat maya'y nagkakaroon ng imahe ng isang babaeng naka trahe de boda. Balingkinitan ang katawan, bagsak ang balikat, bahagyang nakatungo't walang bahid ng kagalakan sa kanyang mukha. Ilang saglit lang ay mawawala. Dali-dali akong tumayo at binuksan na lamang ang pinto ng aparador. Ihinarap sa pader ang salamin, sabay balik sa aking kama. Ang loob ng aparador na lamang ang aking nakikita. Wala na ang babaeng nakaputi, di narin nagparamdam muli. Nawala narin ang nakakabahalang kaluskos sa kisame. Ang ilaw ay nanatiling nakasindi. Alas-tres na ng umaga nang ako ay nakatulog. Nagising ng alas-sais at nagmamadaling naligo't nagbihis. Iniligpit ang gamit sa bag, nagsuklay at napaharap sa salamin. Natigilan. Nakasara na ang aparador. - March 15, 2010, Vigan
0
Mar 16, 2010
Mar 16, 2010 at 1:34 AM UTC
Ang Aparador
Namumugto aking mga mata hindi dahil pina-iyak o naluluha ako Namumugto aking mga mata dahil napuyat ako Napuyat ako dahil sayo Napuyat ako dahil kausap kita hanggang mag umaga Napuyat ako dahil gusto ko marinig yung boses mo sa telepono Napuyat ako kasi hinintay kita matulog Matulog.... Natulog... Tinulugan mo ako. Tinulugan mo ako na parang pag-ibig mo Na para bang biglang nawala habang kausap ko sa telepono Pinatay mo ang cellphone mo Parang pag patay mo sa puso ko dahil ayaw mo ng estorbo. Yung mga araw na napuyat ako at akala ko ikaw ay natulog nagkakamali pala ako. Hindi ka pala tunay na nakatulog. May kausap ka lang pala na iba sa telepono. Nag puyat ako para sayo pero sinayang mo ang oras ko
0
Nov 29, 2015
Nov 29, 2015 at 10:04 PM UTC
Puyat
Ok, Sinabi ko na na kung kinalimutan mo ako. Kung kakalimutan mo ako. Kung nawala ako sa isip mo. Hindi na kita patutuntungin kahit sa door mat ng kamalayan ko. Ok, ang nasabi ko ay nasabi ko na. Pero ang nakakainis At nakakatawa, bakit sinisilip pa rin kita mula sa maliit na siwang ng bintanang sinadya kong iniwang bukas para makahinga. Ok, Kung kinalimutan mo na ako at tuluyang nawala sa sa isip mo, Ok, Kung nakatulog kang hindi man lang naalala ang pangalan ko. Huwag na huwag mo na akong hanapin Tuluyan mo nang alisin ako sa isip mo dahil hindi lang ako naka-invi. Nag-logout na ako. At nagbubuklat ng dictionary. Sinusubukang tagalugin ang tula ni Pablo Neruda. Pero habang hindi ko pa nahahanap ang mga tamang salita. Habang hindi ko pa natutumbasan ng mga tamang kataga hayaan **** basahin ko muna nang mahina. "I want you to know one thing. You know how this is: if I look at the crystal moon, at the red branch of the slow autumn at my window, if I touch near the fire the impalpable ash or the wrinkled body of the log, everything carries me to you, as if everything that exists, aromas, light, metals, were little boats that sail toward those isles of yours that wait for me. Well, now, if little by little you stop loving me I shall stop loving you little by little. If suddenly you forget me do not look for me, for I shall already have forgotten you. If you think it long and mad, the wind of banners that passes through my life, and you decide to leave me at the shore of the heart where I have roots, remember that on that day, at that hour, I shall lift my arms and my roots will set off to seek another land. But if each day, each hour, you feel that you are destined for me with implacable sweetness, if each day a flower climbs up to your lips to seek me, ah my love, ah my own, in me all that fire is repeated, in me nothing is extinguished or forgotten, my love feeds on your love, beloved, and as long as you live it will be in your arms without leaving mine."
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:59 PM UTC
Ok, If You Forget Me (Pasintabi kay Neruda)

Continue reading...
28
Sasapit na ang alas dose, Ngunit nakatulala pa din Hinihintay ang bulalakaw, Na kalangita'y liparin Ngunit nang aking mabanaagan Ito'y 'di na darating Ako'y nakatulog, At 'di na muling nagising.
0
Mar 8, 2017
Mar 8, 2017 at 12:46 PM UTC
Bulalakaw
Ako'y nagulantang sa birong binitawan, Mga katagang hindi ko inaasahan, Mga katagang, "kung pwede tayo nalang", Mga katagang sinabi mo ng pabalang. Dalawang magkasunod na gabing ika'y nakausap, Ano pa bang hihingin ko sa mga ulap, Ano pa bang biyaya ang aking makakalap, Ano pa bang kasiyahan ang aking mahahanap. Dalawang gabing nakatulog ako ng maligaya, Dalawang gabing ngiti ang dala sa aking mukha, Dalawang gabing kahit biro lang ang laman, Dulot ay ligayang di mapapantayan.
0
Dec 20, 2017
Dec 20, 2017 at 5:21 PM UTC
Biro sa pangalawang pagkakataon
Saglit lang nakatulog nang naulinigan ang malakas na hilik Isa, dalawa, tatlo hanggang treinta na segundo na tahimik pagkatapos ay humagok Isa, dalawa, tatlo hanggang lampas sa isang minuto muli'y nadingig Gustong bumangon mula sa pagka-kalahating gising at tulog Ngunit parang may pumipigil Mga braso't binti ay pinapatungan ng sampung presyon at hulugbigat Dalawang minuto na mahigit Mapayapa na sa abang-aba na sandali Nang tuluyan na nagising ay humagibis para pukawin Walang hangin na sa ilong at bunganga niya'y lumalabas Hinanapan ng pulso habang tumatangis Kulay ube ang mga kuko, maputla ang kutis Ang birang na nalaglag sa loob ay isang papel Hindi na ikinaumagahan, pintakasi ng lagim ay nagpahudyat Kukunin ang laluluwa bago ang bukas Nag-aagaw buhay na ama'y kailangan ng adya at di nagawa Ulo'y nalungayngay Sarili'y sinisisi Buntunan ng sala ang kilos at gawa Kumukudlit-kudlit na ipinaparatang Kumakati-kati na ala-ala ay bumabagabag sa malabong konsensiya
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:23 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #51
Ilang gabi ring napuyat at nagbakasakali Na ako'y iyong kakausapin tulad ng dati Umaasang ang 'Goodnight' mo'y magbubunga Ng pang-uusisa gaya ng 'Kumusta ka na?' Pero marahil ay nakatulog ka na Kaya siguro nanahimik ka 'di bale, ako'y inaantok na rin naman na Pero bago matulog, iisang sulyap pa.
0
Jul 25, 2019
Jul 25, 2019 at 3:04 PM UTC
Inaantok na