Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Crissel Famorcan Jan 2018
Elementarya ako nang pinangarap kong maging manunulat,
Kaya't nagsikap ako at natutong magsulat
Ikatlong taon ko sa hayskul nang isulat ko ang kuwento nating dalawa
Kuwentong pinangarap ko pang maipa-imprenta
Kaya't pinaghusayan ko ang paglikha at pagdetalye
'Straight to the point' at walang mga pasakalye
Maraming natuwa sa bawat tulang alay ko sayo,
Pero sa lahat ng yun? Kritisismo at pangungutya ang isinusukli mo
Ngunit hindi ko inintindi iyon at patuloy akong sumulat,
Baka sakali.. isang araw,malay ko? mata mo'y mamulat
Mamulat sa pag-ibig na ibinibigay ko,
Baka isang araw,makita mo rin yung halaga ng mga regalo ko,
Baka isang araw, masuklian mo rin yung pagmamahal kong buo
Baka kasi wala ka lamang barya,
At nahahanap ng panukli kaya ka abala,
Kaya naghintay ako ng ilang taon,nagpakatanga..
Pero mukhang di na yata ako masusuklian pa
Kaya naisip kong makuntento sa kung anong meron tayong dalawa
Pagkakaibigan.
Pero di ko maiwasang masaktan
Sa tuwing magkukuwento ka o nagtatanong tungkol sa kanya,
Hinahayaan ko na lang at least nakakausap kita!
Kahit na yung paksa natin madalas,tungkol lang sa musika
Ayos lang! Basta nakakausap kita.
Kahit nagmumukha na akong tanga
Okay pa rin! Basta nakakausap kita.
Ngunit nakakapagod din maging tanga
Kaya mahal, ako'y magpapaalam na.

Sa paglapat nitong panulat sa aking kwaderno
Ay isusulat ko na ang huling bahagi ng ating kuwento,
Tutuldukan ko na ang mga huling pangungusap
At puputulin na ang mga ilusyon ko't pangarap
Dahil kung hindi'y lalo lang akong mahihirapan
Lalo lang akong masasaktan.
Makapal na ang libro,paubos na ang mga pahina
Nakakaumay ang kuwento na pinuno ng mga luha
Panahon na sinta ko upang mag umpisa akong muli,
Hindi ko na hihintayin ang hinihingi kong sukli
Pagkat panahon na rin upang sumaya akong muli.

Salamat sa lahat ng alaala
At pasensya na sa mga abala
Mahal ito na ang huli kong regalo
- Hindi ko na ibabalot pa
Pagkat alam kong wala ka rin namang pagpapahalaga
At sa huling pagkakataon,gusto kong malaman mo,
Na may isang AKO na minsang nagmahal sayo.
Ito na ang huling pahina ng ating libro
At sa pagsara ko dito,kasabay ang paglisan ko sa mundong ginagalawan mo.
Jamjam Apr 2018
"Mahal na mahal kita". Ang tangi tanging kataga na pumapasok sa isip ko pag kinakausap kita. Madaling sabihin, dalawang salita, siyam na letra
"Gusto kita" at "mahal kita" salitang kayang gawin ang lahat para sayo, mahirap man o madali dahil mahal kita

Sabi nga nila'y nababaliw na ako. Sa pag ngiti sa sulok tuwing nag iisa't walang kinakausap. tila ba'y nababaliw na. Pero di yan totoo. Di nila ako masisisi, mali bang ngumiti ako pag ikaw ang iniisip ko?

Hindi kita maangkin.
Hindi ko masabing ikaw ay akin.
Sapagkat wala namang atin.
Dahil hindi ka naman akin, OO HINDI.
Hindi ka saakin dahil wala nga namang tayo.
Tila salta't dayo ang turing mo sa akin sa tuwing tayo'y naguusap, pigil sa salita.
Kahit ganon, ako'y nadadala't nagagalak sa tuwing naguusap tayo.

Hindi ko na mapigilan. Gusto na kita. O baka
mas maganda sigurong sabihin na bakit nga ba kita ginusto? Ginusto sa sobrang ikling panahon.
Hindi ko alam kung bakit o kung paano. Basta't pag gising ko alam ko sa sarili kong gusto na kita....

Natatakot ako! OO takot na takot ako.
Takot akong masaksihang may iba ka ng gusto.
At hindi na ako.
Pero mas takot ako,
Mas natatakot akong sabihin mo ang mga katagang.
"WALA NAMANG TAYO, ANONG KARAPATAN MO"

Ano bang dapat kong gawin, para mahalin mo?
Anong dapat gawin, para mag karoon ng ikaw at ako na bubuo sa salitang tayo, sa mundo ko.

Bakit minahal mo ako? Yan ang tanong na alam kong itatanong mo sa akin, at alam kong wala akong maisasagot, dahil wala namang sagot kung bakit mahal kita, basta mahal kita.

Bakit ako? Bakit ganyan ka sa akin?
Ang mga salitang yan ang palaging sumasagi sa isipan mo sa tuwing magkausap tayong dalawa.

Bakit ikaw? Bakit ako ganto sayo?
Mukang alam mo naman siguro ang sagot sa mga tanong mo na yan. Ang kaisa isang salitang minumutawi ng aking mga labi...Mahal kita

Alam mo naman sa sarili mo na gusto kita
Alam mo naman sa sarili mo na wala nang iba
Alam mo naman sa sarili mo na ikaw lang talaga

Ika'y nangangamba na baka may makilala pa akong iba. Natatakot ka sa kadahilanang kilokilometro ang agwat nating dalawa.
MAHAL magbigay ka ng kahit konteng tiwala, pangako't hindi ka magsisisi.

Wag kang mag alala. Ako yung taong maihahalintulad mo sa sinaing sa rice cooker, ok lang kahit hindi mo bantayan..

Minsan hindi mo inaakala na magkakagusto ka sa isang tao ng ganon kadali o sa ganon kaigsing panahon, kaya siguro hindi mo matanggap na nagkagusto ka sa taong hindi mo pa gaanong nakakausap, nakikilala't nakita manlang. Yakapin ang katotohanan at walang hanggang saya ang idudulot sayo nito.

Ang namumuong pagtingin ay sobrang hirap pigilan. Pero sa palagay kuy di mapipigilan ang pilit na sumisigaw at naninibughong nararamdaman na nagtatago sa takot na dumadaloy sa bawat laman at kasukasuan ng iyong katawan.

Sana'y wag mo ng pigilan dahil lalo ka lamang mahihirapan, hayaan at wag pigiling umibig ang pusong nanghihingi ng tamis ng aking pag ibig. Ialis sa isip ang takot, at pabayaang puso ang mag desisyon. Baka sa paraang iyon ay lumaya at maging masaya ka sa araw araw na lilipas.

Hindi ko nga magawang makipagusap sa iba ibang babae o tumingin kase alam kong meron akong ikaw.

Meron nga ba akong ikaw? Ako'y umaasa.
Alam kong maluwag pa ang pagkakatali at hindi pa kita pagmamay ari. Kaya sanay hayaan mo akong mahalin ka, at mahalin ako pabalik.

Kilometro man ang layo natin sa isat isa. Pero hindi nito mapipigilan ang pagmamahal ko sayo. Ang ninanais ko lamang ay tanggapin mo at ilais ang pangambang bumabalot sa iyong isipan.

Masasabi kong sugal nga ang pag ibig. Dahil maaari kang matalo at masaktan. At sa kabilang dulo naman ay mananalo ka at walang hanggang saya.

Minsan sa buhay naten pumapasok ang takot at pumipigil sa mga bagay na maaari tayong mas maging masaya.

Ang takot ay kasinungalingan lamang na lumalason sa ating isipan, kaya siguro hindi natin nagagawa ang mga bagay na maaari tayong sumaya.

Hayaang ating puso ang magpasya. Nang sa gayoy mawala ang tinik sa lalamunan, at hayaang lumigaya at guminhawa ang nararamdaman

Ang takot ay panandalian lamang. Pero habang buhay na bumabasag sa ating kasiyahan. Sanay ialis ang takot, nang sa gayoy hindi ang pagsisisi ang manirahan sa iyong puso.
Sorry di pa po masyado revised
Hanzou May 2018
Bakit? Bakit nga ba laging sa tula?

Bakit sa lahat ng pagkakataon, ito'y ginagawa?

Bakit emosyon at damdami'y,  dito napunta?

Bakit hindi maibigkas, at sayo'y maipakita?

-----------------------------------------------------­------------

Bakit sa bawat pagsulyap, sakit ang nadarama?

Bakit sa tuwing lalapitan, pagka-ilang ay nangunguna?

Bakit 'pag nakakasama, wala manlang saya?

Bakit 'pag nakakausap, may patlang na 'di mapuna?

  ------------------------------------------------------------­-----  

Bakit ganon, hindi saya ang nadarama?

Bakit ganon, walang ngiti na maipakita?

Bakit ganon, bawat kirot lumalala?

Bakit ganon, parang wala lang talaga?

  ------------------------------------------------------------­-----  

Bakit nga ba? Bakit laging ganito?

Bakit laging may hapdi, ang nararamdaman ko?

Bakit? Ako naman ay totoo?

Kaya pala, ako nga pala ay minsan ng naloko, at nabigo.
fallacies Oct 2018
sa araw-araw na di ka nakikita,
na di ka nakakausap,
di ka nakakasama.

sa araw-araw na naglalakad mag-isa,
iniisip-isip ka,
hinahanap hanap ka
ang iyong
presensiya.

sa araw-araw na dumaraan,
sa aking harapan.
panibagong mga araw na siyang,
aking pinipilit na silayan.
hinahanap yung araw
na muli akong sisikatan
ng iyong araw,
ng iyong liwanag,
na siyang magbibigay ng init
sa nanlalamig kong kalamnan.

sa araw-araw na ginugulo ako
ng aking isipan, kung ano
na nga ba ang lagay mo;

ayos ka lang ba?

sana naman oo.

kumain ka na ba?

sabihin mo na oo.

masaya ka ba?

oo? o baka hindi rin siguro.

pero tandaan mo,
nandito lang ako.
nandito lang ako sa mga panahon,
na sa tingin mo wala nang tutulong sayo.

nandito ako sa mga oras na kailangan mo,
ng isang tao na handang makinig sayo.

nandito ako, handa nang makinig sayo,
sa lahat ng iyong mga kwento,
sa lahat ng iyong mga pagod at problema.

sige, sabihin mo sakin at makikinig ako.

dahil nandito na ako,
handa nang makinig sayo,

nandito na ako,
patuloy na maghihintay sayo;

at nandito na ako,
patuloy na magmamahal sayo.
JulYa04 Aug 2018
Kaya ko na ba?
Kaya ko nabang  isipin na hindi kita nakilala at hindi mo pinasaya ng sandali ang buhay ko?
Kaya ko na ba?
Kaya ko na bang gumising araw araw na hindi titignan ang mga litrato mo nun masaya pa tau
Kaya ko na ba?
Kaya ko na bang sagutin ng walang pg aalinlangan ang tanong mo kung kumusta ako na hindi mg iisip na namimiss mo din ako
Kaya ko na ba?
Kaya ko na bang sabihin sa sarili ko sa harap ng salamin na sa bawat araw na hindi kita nakikita at nakakausap alam kong masaya ka na sa piling nya
Kaya ko na ba?
Kaya ko na bang banggitin ang pangalan mo na hindi iisipin na dati ay merong tau at ngaun kaylangan isipin ko na wala ng magiging tayo

Kaya ko na ba?
Kaya ko na bang hindi umiyak pag naiisip kita at ang mga nakaraan na kung paano mo ko minahal at sinabi sken na wag kitang iwan pero sa huli ako lng din ang iyong binitiwan

Kaya ko na ba?
Kaya ko na bang mglakad s harap mo na tulad ng dati di kita nakikita at hindi ka ng eexist s mundo ko at hindi ko na mararamdaman ang sakit ng gnawa mo.

Sana kaya ko na... sana
#deep #kyapb?
Taltoy Dec 2017
Bilang lang ang mga araw na nakakausap kita,
Bilang lang ang mga oras na tayo'y nagkakasalamuha,
Kadalasan nga wala pa,
Ngusit sige lang, ganyan talaga.

Hindi ka man makareply,
Alam ko namang may dahilan,
Iniisip na, "ahhh sa susunod nalang",
Kaya nanabik tuwing magtatapos na ang linggong nagdaan.

Isang gintong pagkakataon ang muli kang makausap,
Sapagkat tayong dalawa, sa isa't-isa'y mailap,
Kaya ginagawa ang lahat ng makakaya,
Upang di masayang ang pagkakataong ito, kahit di ka kasama.

Noon, ayos lang kahit di kita itext o tawagan,
Sapagkat, nakakapag-usap naman tayo habang nasa daan,
Ngunit may mga bagay talagang di mapipigilan,
Kahit na ikinakalungkot, di naman mangingialam.

Sa humigit kumulang limang buwan,
Sa apat na libo at higit pang mga mensaheng pinagsaluhan,
Nangyari lamang sa mga Biyernes, Sabado at Linggong ng mga buwan,
Tatlong araw, tatlong araw ay sapat na aking kaibigan.
Nakaka-usap lang kita kung malapit na magtapos ang linggo(weekends). Ehehe. di nga lang personal tulad ng dati though. Ahahaha  napagtanto ko ito habang binabasa ang mga dati nating pag-uusap.
Princesa Ligera Nov 2019
Pwede ba kitang yakapin?
Sa araw na ito ating ayusin,
Pero baka ito na ang huling pagkakataon.
Mga ala-ala'y wag mo munang ibaon,
Alalahanin ang masasaya nating araw at taon.
Galit ko'y lilipas din,
Kailangan lang nating hintayin.
Asahan natin ang pagbabago,
Tayo sa isa't isa ay maging totoo.
Pero sana ang pinagsamahan natin ay maibalik,
Sana ang pagkakaibigan ay muling maging matalik.
Pag-aaway na to ating bigyang wakas.
Dahil ayoko ng lumipas,
Ang mga araw ng di ka nakakausap.
Lagi ng matamlay,
Buhay nawawalan na ng kulay.
Kailangan kita sa aking buhay,
Mahal na mahal kita hanggang sa wakas ng aking buhay.
Prince Allival Mar 2021
( MAHAL PARA SAYO TO )
UNTITLED 🥴

Sa araw-araw na di ka nakikita,
na di ka nakakausap, di ka nakakasama.
sa araw-araw na naglalakad mag-isa,
iniisip-isip ka,hinahanap hanap ka lalo
ang iyong presensiya.

Sa araw-araw na dumaraan sa aking harapan.panibagong mga araw na siyang aking pinipilit na silayan.hinahanap yung araw na muli akong sisikatan ng iyong araw, ng iyong liwanag,na siyang magbibigay ng init sa nanlalamig kong kalamnan.

Sa araw-araw na ginugulo ako ng aking isipan, kung ano na nga ba ang lagay mo;
ayos ka lang ba?sana naman oo.
kumain ka na ba?sabihin mo na oo.
masaya ka ba? oo? o baka hindi rin siguro.

Pero tandaan mo,nandito lang ako.
nandito lang ako sa mga panahon,
na sa tingin mo wala nang tutulong sayo.
nandito ako sa mga oras na kailangan mo,
ng isang tao na handang makinig sayo.
nandito ako, handa nang makinig sayo,
sa lahat ng iyong mga kwento,
sa lahat ng iyong mga pagod at problema.

Sige, sabihin mo sakin at makikinig ako.
dahil nandito na ako, handa nang makinig sayo,
Nandito na ako,patuloy na maghihintay sayo
at nandito na ako,patuloy na magmamahal sayo.

— The End —