Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakakapaso" poems
(1:30 AM/ Brownout) Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan. Ako’y nakakapaso Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan, Sa apat na sulok ng silid-aralan, Sa lipunang may mabigat na ginagampanan Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao. Nilisan ko ang liwanag Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan. Ako’y Iyong tinubos Sa mapanghusgang lipunan May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo Nang ako’y pagharian Mo. Gamitin Mo ako, Pagkat ang liwanag, ang katuturan Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita Nang sinuman.. Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro At kung ang lakas ay hindi mula Sayo. Sukat ang buhay ko Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito Minsan pala’y nakapapaso rin ito Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao. Sayang.. Kung ang ilaw ay nakakahon Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin Kung ang sarili’y hindi kikitilin Nang magkaroon ng pangalawang buhay. May ilang gagambala Mga insektong hindi alam kung saan nagmula Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag At kung di lalakas ang alab, Ako pala’y matutupok. At sa hanging iihip, Kung wala ang mainit na mga kamay Na siyang yayakap at hahagkan sa akin Ako’y maagang mahihimlay, Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin. Ngunit ang alab na ito’y Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon Sisindihang muli, Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon. Binibilang na ang oras Bawat minuto’t segundo Maaring mapagal at maagang tamlayin, Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay. Ngunit bago maupos, Ako’y may aabutin Bawat sulok ay dadampian ng buhay At magmamarka sa bawat haligi Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa. (5/13/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:02 AM UTC
Ang Paghihimagsik ng Paupos nang Kandila

Continue reading...
58
#040816 Tulang nakatulala, Tulang lutang sa mga salita. Tulang may pag-aalinlangan, Tulang tumatawid sa kawalan. Sinubukan kong maghimay ng mga letra, Pero lahat sila'y mawawalan ng saysay. Hinabi ko ang bawat parirala, Pero may mga saknong na puno ng mga tanong. Umaatras abante ang mga kuwit at tuldok, Mga damdaming may padamdam, Mga nagugulat na pananda, Tila nakasalamin buhat sa panahon ng pagkatanda. Iluluto ko ang mga salitang walang tugma, Sa kalan at kawali nang walang sandok ng damdamin. Titikman ko ang sabaw na pag-ibig Na siya palang papaso sa dilang malambing. Poot kanyang madarama Sa mapait na tadhanang may konting kaanghangan. Isasantabi ko ang hinain, Saka na lang, pag malamig na ito Saka ko na lamang titikman. Nakakapaso kasi, hindi ko malasahan. Tulang kulang sa rekado, Tulang mangmang at kabado. Tulang maraming halo, Tulang sana'y hindi talo.
0
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 10:16 AM UTC
Tumula Nga Tayo
Puno ng init ang unang higop ng kape Nakakapaso ngunit ramdam mo ring gumuguhit ito sa iyong mga ugat Hanggang sa umabot na ito sa iyong pusong bumibilis na ang pagtibok Sa iyong mga kamay na walang tigil ang panginginig Sa iyong mga matang mulat na mulat sa hating-gabi At sa iyong mga bibig na nananatiling bukas at handang sabihin ang lahat ng ninanais Ngunit sino ba ang iyong kape? Ang nagbibigay sa’yo ng panandaliang lakas? Sino ba siyang nagiging rason para manatili kang gising sa gabi kahit gustong-gusto mo nang matulog? Sino ba siyang nagdudulot ng matinding panginginig sa iyong mga kamay at tuhod sa tuwing nakikita mo siya? Sino ba siyang nagpapabilis ng pagtibok ng iyong pusong naghahanap lamang ng panibagong taong mamahalin habang inaantay **** mawala ang paso sa iyong dila na nadulot ng iyong nakaraang baso ng kape na punong-puno ng pait? Ayan na’t naglalakad na siya papunta sa’yo Inaantok ka pa at walang kamalay-malay na nariyan na pala siya Papalapit nang papalapit hanggang sa nauwi nang magkahawak ang inyong mga kamay at ayan na naman Ang pagbilis ng tibok ng iyong puso Ang walang tigil na panginginig ng iyong mga kamay Ang pananatiling bukas ng iyong mga mata Kahit gusto na nitong pumikit, magpahinga, at mamaalam na sa ginagalawang mundo Ngunit tulad ng epekto ng kapeng iniinom mo araw-araw Papawi rin ang pananabik at pagkamulat ng iyong mga mata Mapapagod din ang iyong pusong nalasing na sa dami ng kapeng iyong nainom na akala mo’y matamis ngunit nag-iiwan din pala ng mapait na bakas sa iyong mga labi Titigil din ang panginginig ng iyong mga kamay Sadyang panandalian lang at hinding-hindi na tatagal Sapagkat siyang kape na nagbibigay sa’yo ng lakas Ay siya ring kape na inubos mo hanggang sa huling patak
0
Jan 2, 2018
Jan 2, 2018 at 11:45 AM UTC
kape

25
Nag-usap tayo tungkol sa pagmamahal At sa mga natagpuang lungsod, Tungkol sa mga kayamanan Na nakabaon sa ilalim ng pusod, Tungkol sa buntong hininga ng ilog, Sa paglaho ng dagat, ika'y nabasa Mga alak na may halong itlog Sa kumukulong tasa ng tsaa. Nag-usap tayo tungkol sa sining Sa naglalagablab na ginintuang apoy, Isang binibining nakapiring Mga nawawalang ala-ala Mga kinalimutang pangalan, Na naglalagapag sa ngala-ngala Mga kagustuhang 'di mapagbigyan, Sa pagkislap ng bituin Isulat ang mga nais na malinawagan Kalooban ma'y kainin, At mga anino'y lumabo Sa gabing nakakapaso Nag-usap tayo tungkol sa mga lobo At marami pang mga bagay, Sa pagtindig ng mga pabo, Tungkol sa mga orasang tumatagay At sa pag-ikot ng mga sirko, Kung paano ang pagtili ng mga kalapati Nagsiliparan sa itaas, Sa ilalim ng bahaghari Ako'y humihiling ng basbas Ngunit higit sa lahat Napag-usapan natin ang ating pagmamahal.
0
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 5:22 AM UTC
Nag-usap tayo
Matalinhaga ang kahapon, ang nagdaang panahon: kapeng mainit na pinalalamig, hinihipan pero di malag-ok, nakakapaso sa lalamunan Tila alon sa dalampasigan itinataboy ng pampang ngunit bumabalik ang mga ala-alang pilit itinatapon, kinakalimutan. Mga tagpong akala’y isang dipa lamang tila ang pagitan ng lupa at kalangitan ngunit nang tatawirin na’y bangin pala ang kailaliman walang tulay na magdugsong sa sanlibong katanungan sa mga gumuhong moog at nadurog na diyos-diyosan. Sa sulok ng balintataw isang paslit ang natanaw tumatakbo’t humahabol, sumisigaw tinatawag niyang “Tatay!” iyong nakalagak, isang bangkay sa kabaong na ipapasok, ihihimlay sa nitsong pintado ng puting lantay - labi ng aking amang hinagilap na suhay Sa lamay ng patay, ang kapeng barako ay buhay bumubukal, walang humpay maalab ang pakikiramay, sawsawan ng tinapay           Sa lamay ng patay           nagsisikip man ang dibdib           magkunwari’y kailangan           nagdurugo man ang puso           lakas-loob ang kaanyuan Habang umaagos ang litanya sa labì ng punong magdarasal pumapatak ang ulan ng luha walang puknat ang “Bakit?”, nag-uusisa Hindi napapahid ng panyong pinipiga ang hapdi ng sugat sa naulilang diwa lalo’t ang bayaning inakala ay pasang-krus pala ng inang dinakila Matalinhaga sadya ang kahapong nagdaan, pelikulang kulay sepya, kumupas na sa kalumaan: Lumamig na ang inuming sa burol ay itinungga Tahimik na silang nagtungayaw ng sumbat at sumpa Sa malayo’y kumakaway ang palaspas ng payapa Nagpahinga na rin ang ilaw na sa aki’y nagkalinga Sumisilip sa alapaap ang impit na sinag Naglalaho na ang mga bituin sa liwanag ng unti-unting pagsabog ng araw na papasikat At sa pagbangon, bagong umaga’y may pahayag Gigisingin akong lubos, tila tunog ng gong ng bagong-luto **** pagsalubong Isang lag-ok muli, aasa, susulong kung saan man hahantong . . .
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 9:43 AM UTC
Kapeng Barako IV

57
Nakakapaso Sementong kalsada Sa tanghaling tapat Bilad sa sikat ng araw Unang buhos ng ulan Pagkatapos ng tag-init Sisingaw ang init Makakahinga ang lupa
0
Oct 9, 2016
Oct 9, 2016 at 1:19 PM UTC
Ang Nagagawa ng Pag-Iyak