Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakakamangha" poems
*Lagi ka na lang nasa isip Sa gabi mangungulit ka sa panaginip Ayaw mo ba ako matulog? Eh halos mahulog Na ang cellphone sa mukha Kakatingin sa picture **** nakakamangha Walanghiya ang iyong mga mata Nakakabighani, parang diwata Nahihibang na ata     Ako pag ang labi mo'y mayroong kalungkutan Nais kitang hagkan ng may katagalan Hanggang sa maramdaman mo ay saya Dahil nandito lang naman ako talaga Kahit ini-SMALL ka nila IniiBIG naman kita*
0
Aug 27, 2015
Aug 27, 2015 at 3:45 AM UTC
Pag ibig nga naman
Titila ang ulan...titila.. Ang maaliwalas **** mukha ang aking napagmamasdan, Hindi ko masisilayan, Isang napakagandang larawan, Ano ang kahulugan? Ng iyong ngiting iniwan. Hindi kita kilala, Ngunit ang ngiti mo'y may ipinapahiwatig sa tuwina, Nakakamangha talaga, Hanggang sa tuluyan kitang makilala. Binuhay mo ang aking pagkatao! Ginuhitan mo ang aking puso! Kinulayan mo ang madilim nitong sulok, Salamat! sa biyayang minsan **** inalok, Sino ka ba talaga? Bakit mo ako tinuruan ng ganoong pagpapahalaga? Titila ang ulan.....oo---ang ulan, Ngunit kasabay nito ang iyong pagkawala, Paglisan na nag-iwan, Isang bakas na may itinatagong kariktan, at sa pagtila ng ulan, Isang malaking pala-isipan, Ang iyong ngiti ay-------- Ngiti ng isang------------ anghel.
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 12:44 AM UTC
Mala-Anghel **** Ngiti
Nang ika'y naging aking kaibigan, Di ko alam kung ano ang kahahantungan, Di naisip ang mga maaaring mangyari, Basta pagkausap kita, alo'y napapangiti. Akala ko, puso ko'y manhid na, Wala nang maramdaman ni isa, Ikae mismo ang nagsabi sa'kin nyan, Di madaling kalimutan ang nakaraan. Heto na't aaminin ko na, Sa'yo ako'y totoong nahalina, Huwag mo sanang masamaing, Sa lahat ng tao, sa'yo ako nahumaling, Sa iyong mga katangian ako'y humanga, Simple **** pagkatao, talagang nakakamangha, Minsan sayo ako'y natutulala, Di na alam paano magsalita. Sa kasalukuyan, ika'y tunay kong hinahangaan, Pagkat ako sayo'y nahulog nang tuluyan, Wag ka sanang lumayo, Buhat ng mga panunukso. Ako parin naman ito, Humahanga lamang sa'yo, Di ko alam anong sasabihin ko, Basta alam kong ikaw ang gusto ko. Kung di ka naniniwala, Abay mas mabuti nga, Isawalangbahala, Itong aking munting paghanga. Ikaw, higit sa lahat, Nagpatibok nitong puso ko, pagkat, Ikaw at ikaw lamang, Ang bubuo sa mundo kong kulang.
0
May 9, 2017
May 9, 2017 at 5:59 PM UTC
Ikaw
Tila pagod maging sa pagtula Ang mga linya'y hindi na nagtutugma Waring nauubusan na ng mga salita At ang isip ay humihinto na lang bigla Wala nang bagay na nakakamangha Wala na rin saysay kung mayaman o dukha At hindi na nga nabibigla Tila ba tuluyan nang nakalimot sa pagluha Hanggang kailan kaya magpapasan At patutunguhan nga ba ay saan Ginagawa na ang lahat ng paraan At pinipilit ituwid lakad sa daan JGA
0
Nov 19, 2021
Nov 19, 2021 at 12:06 PM UTC
Pagod na
Kinamumuhian kita. Hindi dahil nagsisisi ako, dahil sa mga alaalang binuo mo. Kasalanan ko din naman ako yung sumuko. Kinabukasang walang itutungo. Ba’t ba napakaperpekto mo? Sa aking buhay tila ikaw ang bubuo. Pero anong ginawa ko? Sinayang ko. Mga luhang sayang ang pagtulo. Masaya ka naman ba? Meron na bang iba? Ako, ito, naghahanap. Pero sa huli nag-iisa. Mga oras na napupunta sa ‘di ko kilala. Kinaiinisan kita. Mga sekreto **** di ko nasagot, naaalala sa oras na ako’y nababagot. Bakit ba napakadami **** lihim? Mga bagay na iyong kinikimkim. Nakakamangha kasi pinipilit kitang magtiwala. Pero sa tanong ko’y sagot mo’y “Wala”. Mahal mo ko pero ba’t tiwala mo hindi buo? Mga sagot mo tila may lihim, hindi totoo. Nakakabadtrip ka. Gustong gusto ko malaman nasa isip mo. Sana nagtiwala ka ng buo. Ito na sana ang huling liham ko sayo. Lumigaya ka sana at matupad mga pangarap mo. Mga planong napako ‘di na magbabago. Mga buhay nating nagkasalubong pero magkaiba ang dulo. Salamat, patawad. Ngayon malaya ka nang lumipad. Tahanan.
0
Aug 26, 2020
Aug 26, 2020 at 9:33 AM UTC
Kinamumuhian kita
Pinaramdam mo sakin ang mga bagay na kahit kanin'y hindi ko nakuha Nakakabigla, nakakabighani, nakakamangha Mahal, ibang iba ka Pinaramdam mo sakin ang mga bagay na kahit kanino'y hindi ko nakuha Kaya mahal, sobrang iba ka. Ibang iba sa kanila Pinaramadam mo sakin ang mga bagay na kahit kanino'y hindi ko pa nakuha Dahil kahit kailanma'y hindi nila ako binigyan ng mga pasa Ikaw lang Kaya mahal, ibang iba ka
0
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 4:42 AM UTC
Iba Ka