Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakadikit" poems
Mga buto ay nagsilbing haligi sa binubuo niyang panaginip marupok ito at bibigay sa mahinang balakid Tahimik nang naunsyami Labing nakadikit, dila'y nakaipit Bigkasin ang salita sa simula niyang wika Sa letra na  naguguluhan din Papipiliting ibibigkas Takot ay bumubulusok sa inaping pangungusap Parang ilusyon, ang paggawa ay ang pagkaroon ng kahit maliit na kabuuan ng loob na hanap ay tagumpay Pero sa paglubog ng araw nagmistulang delusyon Ang mga paa habang humahakbang Panoorin hanggang sa pumanaw sa liwanag, may anino Tingnan ang lilim, lumalakad nang pa-urong Ganyan ang mundo Ikulong na at igapos Sa likod ng matiwasay na paggalaw ay may lihim na naka-agapay Ang maitim na misteryo na nakangiti Ulap na sumasayaw, bungad at gayak ng unang ngisi ng umaga Isabay ang halimuyak sa monasteryo ng prinsesang nagagalak Ang dalangin na nagawi sa hangin Kumpisal ng pag-ibig Kaluluwa ng kasiyahan ng musmusing pipit
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 9:26 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #2
Hindi man naisin Ikaw ay nasa isip pa rin Sinubukang limutin Damdamin para sayo ay di kayang tiisin Lahat ng lungkot na sa aking puso'y, iyong iniukit Nakasulat sa papel, sa dingding doon nakadikit Mga saloobing puno ng hinanakit Itatago at kikimkimin, isasabay na lamang sa aking pagpikit Sabi mo "hindi mo ako iiwan" Tugon ko "ikaw lang magpakailaman" Subalit ngayon ako'y nangungulila Hindi malaman kung bakit laging nakatulala Sinta, ano ba ang aking nagawa? Hindi ko sukat akalain, na ang pag ibig natin ay biglang mawawala Sa aking pag-iisa, susubukang isagawa Ang paglimot sa ating masasayang ala-ala icm
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 10:14 AM UTC
Malungkot na Pluma
Iyak. Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit. Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi. Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot. Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito. Noon. Hindi na ngayon. Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos. Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma. Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon. Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso. Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan. Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na. Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan. Sayang. Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok. Awat na. Pihit. Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak. Pihit pa. Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…” Isang pihit nalang. Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha. Tama na. Tahan na. /e.m/
0
Jan 29, 2016
Jan 29, 2016 at 4:18 PM UTC
Hilamos ng Alaala

Continue reading...
27
051022 At sumapit na nga araw ng paghuhusga Kung saan hindi na pulso ng taumbayan Ang ating sisiyasatin Kundi ang puso ng bawat Pilipinong Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.” Sabi ng iilan, “Mahirap raw mahalin ang Pilipinas” Iniisip ko nga paminsan, Sapat na nga ba ang pagiging makabayan? Sapat ba? Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat Na ayaw sana nating dungisan Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto Sa paningin nating madayang pagpili Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan. Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal, Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin. At marahil ay sasabihin ko na lamang Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa Na may demokratikong pamamalakad. Ngunit sa kabilang banda’y Binabaling ko na lamang ang paghuhusga Sa tunay ngang nasa tronong Hindi na kailangang luklukin pa. At naniniwala pa rin akong Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya Sa sarili nating mga palad Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t Babalik din lamang sa alikabok. Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban? Sino nga ba ang tunay nating kalaban? At para kanino nga ba tayo naninindigan? Baka sa kasisigaw nati’y Hindi lamang boses ang mawala sa atin, Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras Na sana’y ibinabaling natin Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang Buhay ang ating Panginoong Hesus At ang magandang balita’y Nakadikit sa kanyang Ngalan. Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila. Minsan nga'y nananatili na tayong hangal Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla. Ngunit hanggang kailan ba matatapos Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan? At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na? Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin, Sana mahanap natin ang ating mga sariling Nananatiling may pananampalataya Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan. Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal At sana mahanap natin ang halaga natin Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan. At dito na rin ako pansamantalang magtatapos — Pilipinas, gumising nang may pag-asa Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos! Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa At patuloy kitang ipaglalaban Hindi gamit ang mga armas Na syang panukso't patibong ng mundo, Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino — Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan! Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
0
May 11, 2022
May 11, 2022 at 12:27 AM UTC
Pilipinas, Mahal Pa Rin Kita

68
Ubos na ang mga panahong hindi kailangan magmadali Yung pagising sa umaga na hindi na kailangan ng nagwawalang awtomatikong orasan Sa kakamadali ay nalilimutan nating magsoot ng pambahay na tsinelas pagbangon sa kama, Maging ang pagharap sa salamin at pagbati ng "magandang umaga" ay lipas na Ang mga pandesal at almusal na dati'y pinagsasaluhan sa lamesa, ngayo'y sa umaandar na sasakyan na inuubos okaya naman minsan ay dumadaan sa isang kainan para doon makakain Kung noon ay sinusulit ang bawat hakbang ng mga lakad at napapansin ang mga bulaklak at dahon sa iyong paligid Nalipasan na ng oras ang dati'y hindi ka tumatakbo at nagkukumahog, pinabilis ang pag-asam ng panahon Kung babalik pa sa kahapon, Lumipas na ang kapeng ilang beses **** hinalo't di na alam kung tunaw na ba ang bawat piraso ng oras kaya't di na napansing lumamig na sa paglipas ng oras At sana, sa bawat pagmamadali at takbong gawin para makarating Huwag mo sanang kalimutan Na oras man ang kaaway, Nakadikit ito sa ala-alang bumuo sa pagkatao natin Muli, ipapa-alala ko na huwag mo sanang kalimutang pwede ka magdahan-dahan Ipahinga mo ang iyong mga paa Dahil ubos na ang panahong hindi tayo nagmamadali Kaya sana, hayaan mo munang mag-isa ang mundo at umupo ka muna sandali Gumising kang hindi gula't sa nagwawalang orasan at isoot ang sapin sa paang sabik nang ihatid ka sa hapag-kainan Timplahin mo ang kapeng mainit at hintaying matunaw ang bawat piraso At doon, malalasahan mo, ang tunay ng sarap ng bawat segundong matagal mo nang hindi napapansing pinapalipas mo
0
Dec 2, 2019
Dec 2, 2019 at 10:22 AM UTC
94

20
Sa pag-lubog ng araw, dahan-dahan sabay ko nanaman bibilangin ang mga t'yansang naging panghihinayang-- na sana'y para sa atin. Ang mga pag-kakataon na ngayon ay hanggang sakop na lamang ng aking paningin. Sa pag-usbong buwan ay ang pag-patak ng luha, habang saksi ang napakaraming mga tala. Wala namang pilat o sugat, subalit nakararamdam ako ng bahid ng pait at sakit, na tila ba matagal nang sa akin ay nakadikit. Papalalim pa lamang ang makulay na gabi, subalit naririnig na ang aking mahinang pag-hikbi. Sa maliit at masikip na silid, na kung saan walang ibang nakamamasid. Hahayaang mga mata'y mamaga ng tuluyan, dahil ako naman ang may kasalanan, kung bakit s'ya tuluyang binitawan. Sinisisi parin ang sarili sa naging desisyon kahapon, binabangungot parin ako ng mga opurtunidad na tuluyang nabaon. Paano kaya kung pinili ko noon umamin? Paano kaya kung pinili ko noon sumugal, at hindi natakot sa kanilang mga sasabihin? May pag-asa kaya aking pag-tingin? Ngunit kahit ano man kayraming pag-hikbi aking gawin, pilitin man sarili hapdi tuluyang limutin, ay hindi parin ito sasapat, lalo pa kung ang nawala ay ang pinakamamahal mo na tapat. Na para sa'yo s'ya lamang tanging karapatdapat.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 9:14 AM UTC
"Paano kaya kung hindi ako natakot?"
Ako'y kakatok sa pintuan ng Diyos Dala-dala ang mga kasalanang inipon Sa paglalakad Tangan-tangan ang pagsisisi At labis na pangamba Na baka sa bakod pa lamang ng hardin Ay tanaw ko nang sarado ang Pintuan ng Maykapal Ako'y tatangis na parang paslit Sa mga panahong alam kong gawin ang tama Pero ipinilit na mali Ako'y nagsusumamong pakinggan Ang mga panalangin para sa kamag-anak Gabayan sana ang minamahal na nahihimbing Naghihikahos kong ipinagdarasal Ang aking kaluluwa Kasama ng bawat putik at sangsang na nakadikit Bawat pintas at kahambugan Ako sana'y pagbuksan muli ng pinto O Diyos na makapangyarihan
0
Jun 25, 2020
Jun 25, 2020 at 7:39 AM UTC
Munting Samba
Oh aking sinta Di ko man masabi pero para akong isang linta Na gustong gusto nakadikit sayo At sabik na sabik sa mga yakap mo Pangako aking mahal Ikaw lang ang prinsesa hanggat ako’y nabubuhay Pangako ikaw lang ang aking minamahal At ikaw ang aking pang habang buhay
0
May 3, 2020
May 3, 2020 at 11:10 PM UTC
Ikaw sa habang buhay