Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naitago" poems
Nakikita niyo akung naka ngiti Mga ngiting to kay dami nang ikinubli Mga damdaming di na masabi Siguro habang buhay na ito mananatili Naririnig niyo ang malakas kong tawa Sa likod nito ay may malaking problema Na sa tuwing ako'y mag isa Hindi tawa kundi patak nang mga luha Ngiti, kahit labis nang nasasaktan Ngiti kahit wala nang matatakbuhan Ito lang ang naiisip kong paraan Upang di mapansin ang aking pinagdaraanan Ngiti, kahit luha mo'y pumapatak na Ngiti, kahit di mo na kaya Huwag mo nang ipakita sa kanila Ang iyong pusong sugatan na Ngiti para sa kanya Ngiti upang lahat ay maging masaya Kahit damdamin ay kumikirot na Di bale na, napasaya mo naman siya Ang mga ngiti ay marami nang naitago Isa na ang mga damdaming di na mag lalaho Ang nararamdaman ko sayo'y di pa nagbabago Mahal parin kita nang buong buo
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 12:48 PM UTC
Ngiti
Nakikita niyo akung naka ngiti Mga ngiting to kay dami nang ikinubli Mga damdaming di na masabi Siguro habang buhay na itong mananatili Naririnig niyo ang malakas kong tawa Sa likod nito ay may malaking problema Na sa tuwing ako'y mag isa Hindi tawa kundi patak nang mga luha Ngiti, kahit labis nang nasasaktan Ngiti kahit wala nang matatakbuhan Ito lang ang naiisip kong paraan Upang di mapansin ang aking pinagdaraanan Ngiti, kahit luha mo'y pumapatak na Ngiti, kahit di mo na kaya Huwag mo nang ipakita sa kanila Ang iyong pusong sugatan na Ngiti para sayo aking Sinta Ngiti upang lahat ay maging masaya Kahit damdamin ay kumikirot na Di bale na, napasaya naman kita Ang mga ngiti ay marami nang naitago Isa na ang mga damdaming di na mag lalaho Ang nararamdaman ko sayo'y di pa nagbabago Mahal parin kita nang buong buo Vanessa Alba   Pinilit mang sukuan at kalimutan ka Ngunit di ko magawa-gawa aking sinta Para bang ako'y nakakulong sa silda Sa pag ibig ko sayo'y hindi makawala Hanggang ngayo'y ngiti ang aking Sandata Pilit nilalabanan ang kirot na nadarama Umaasa na ikay muling makasama Ipagpatuloy ang Pangarap na binuo nating dalawa ❤ Ngiti hanggang sa mapawi ang aking Pighati Ikaw lang magpapabalik ng Tamis na Ngiti sa aking mg Labi. #NgitiKahitMayPighati
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:02 PM UTC
Pighati
Isang dosena na pala Noong tayo'y nagsimula Sino bang magaakala Na mapapasakin ka Isang dosenang rosas Na tila susing nagbukas Ng iyong damdamin sinta Kaya di na naitago pa Isang dosenang tula Na sa puso nagmumula Sana'y patuloy mapasaya Gamit tong mga salita Isang dosena na pala Isang dosena pa sana Sana di na magtapos to Pagmamahal sayong totoo
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 10:47 AM UTC
#12