Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nahuhuli" poems
Nagsimulang mangarap ang karamihan Ngunit bigo ang iilan marami ang naghangad ng pagpapala ngunit ang iba ay halos walang napala ang sabi "Ilabas mo ang nararamdaman mo!" pero ang pagkakaintdi nila "Sige lang tago mo!" natakpan ng pagkatakot ang tainga ng bawat Pilipino binulag ng maling galaw ang lahat ng papanaw ng tao. Ika ni Gat Jose Rizal, "mahalin ang sariling wika" ngunit panay ibang lenguwahe ang gusto ng iba. Simpleng paalala, nais ng karamihan ang pagkakaisa pero sa sariling pagtangkilik ng atin, ayaw rin ng iba. "Lipstick na pula", "Damit na may hati sa gitna" "kantang di maintindihan ng bata", at mas masakit sa pandinig ang tanong na ngayon ng mga bata, "Ano po ang ABAKADA?" at ang nakakainis, ang pinagtanungan hilig rin ang wikang banyaga. Pader ng pagiging malaya? Oo, may kalayaan ang bawat isa kung ano ang pipiliin nila, pero tandaan na sa bawat kilos at galaw, mayroon itong kapalit pagdating ng araw. Pader ng pagiging malaya? Oo, may nais ang lahat, may pangarap ang lahat pero isaisip di lamang sariling kagustuhan, Maaaring makuha ang tagumpay pero maaari ring mayroong ibang taong madamay. Pilipino ka, panindigan mo ang nais ng lahat ng kapwa mo. di mo piniling maging Pilipino, pero ito ang biyayang binigay sayo kung ang isda nahuhuli sa bungaga ang bawat tao nahuhuli naman sa bawat salita. Pader ng pagiging malaya, ilista mo rito lahat ng gusto mo, lahat ng ninanais mo, at lahat ng pangarap mo. Pader ng pagiging malaya, di man ito ang huhusga ng kung anong pagkatao mo pero makakatulong to. Pader ng pagiging malaya, sabihin mo lahat ng nilalaman ng puso mo Pader ng pagiging malaya, ilantad mo dito ang ginagawa mo Pangako bilang pilipino mababago dito ang pananaw mo. at Pangako bilang Pilipino, ingatan mo rin lahat ng malalaman mo. Pader ng pagiging malaya. FreedomWall ika-nga. Hayaan **** itong Pader ng pagiging malaya ang maging sandigan mo at gabay patungong pagkakaisa.
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 10:31 AM UTC
Pader ng pagiging malaya

Continue reading...
33
Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinakamagandang yugto ng buhay ko, ang high school. Sa high school kasi, maraming uri ng kalayaan ang pwedeng gawin. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Pwedeng mag-aral tayo nang mabuti, pwedeng hindi. Depende sa estudyante kung paano niya tatpusin ang araw niya a loob ng paaralan. Dito ko natutuhan kung paano makisalamuha at makisama sa iba't ibang tao. Dito mo mararanasang bumarkada, magsinungaling sa magulang, makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girlfriend, gabihing umuwi sa lakwatsa, tapos. Idadahilan sa magulang na gumawa ng project at hihingi ng pera kahit wala namang babayaran sa eskwelahan. O, di ba? Saya! Noong ako ay nasa high school, simula 1st hanggang 3rd year ay pang-umaga ang klase ko. Mahirap man gumising nang maaga, kailangan talaga, ayoko kasi sa lahat yung late. Noong ako ay nag-1st year, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga kaklase ko. Nahihiya pa kasi ako at nandoon pa yung kaba. Isip bata pa ako noon at hindi pa gaano ka-matured ang ugali ko. Ang ginagawa ko lang ay manahimik at mag-aral ng mabuti. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng crush, kinikilig kapg nahuhuli ko siyang lumilingon sa akin. Hahaha! Todo kilig to the max naman ako. Yung akala mo wala nang bukas sa sobrang tuwa! Punta nama tayo sa buhay 2nd year ko. Sobrang saya ng tumuntong ako sa taon na ito. Dito ako nakakilala ng mga tunay na kaibigan. Naging barkada ko hangtag ngayon, kaso bihira na kaming nakakapag-usap at nagkikita kasi iba't ibang section na rin kami napunta. Dito ko unang naranasang maglakwatsa kasama ang mga kaibigan ko. Ngayon naman ako ay nakatuntong na ng 3rd year. Dito ay unti-unti nang nag-matured ang aking ugali. Medyo hindi ako masaya kasi bago na naman lahat ng kaklase ko pero kilala ko silang lahat. Haap ng bagong kaibigan na naman sa klase pero mas naging close ko kung mga lalaki. Ewan ko kung bakit. Hahaha! Ayoko sa mga kaklase kong babae noon, ang aarte. Pero may ilan sa kanilang naging kaibigan ko rin. Excited na ako sa pagtuntong ng 4th year. Mukhang masaya Pero ito na ang huling yugto sa high school life. Siguro lahat iiyak, maghihiwa-hiwalay na kasi. Pero mayroon pa namang reunion, at ito ang buhay high school.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:43 AM UTC
High School Life ...

11
Mayroon akong gustong ibahagi sainyo Isinulat ko lamang ito para sa mga interesado Meron na kasi akong napupusuang isang tao Pero teka lang, atin-atin lamang to Di ko alam kung paano sisimulan Pero alam kong gustong-gusto nyo ng malaman Kung sino nga ba ang aking naiibigan Kaya't heto na, inyo ng matutuklasan Sya'y isang mananayaw Napaka astig ng kanyang mga galaw At talagang siya'y mahusay Habang pinapanood ang kanyang pagganap, ako'y napapa WAW! Ako'y lalo pang humanga Nung nalaman kong sya'y manlalaro din pala Pero hindi ng feelings ah! Yung larong ang gamit ay shuttlecock at raketa Marami-rami na din akong alam tungkol sa kanya Syempre! Lagi akong updated sa kwento ng buhay nya Ayokong nahuhuli sa balita, hindi naman sa pagiging chismosa Kase baka mamaya di natin alam may jowa na pala, edi nganga! Natutuwa lang ako dahil close na kami ngayon Di ko akalain na magkakaganon Kasi dati pinapangarap ko lang yon Masaya na din, pero di na ako naghahangad ng higit pa roon Marami na pala syang naka fling Kaya ako naman noon, umaasa at nag fi-feeling Nagbabaka sakaling mapapansin nya rin Ang ganda kong walang kadating-dating Lungkot lang dahil di nya pansin Na ako sa kanya'y may pagtingin Hindi ko alam kung kailangan pa bang aminin O kaya'y akin na lamang ililihim Pagkat tungkol dyan ay di ko kayang tapatin Martir na kung martir, tatahimik na lamang at titiisin Pero maiba tayo Sa mga oras na to, Di ko alam kung lalabas pa ba ako ng kwarto O magkukulong na lang dito At saka bubuksan ang pinto pag wala ng tao Malamang nabasa na to ng mga magulang ko Kaya't ihahanda ko na ang sarili ko Pagkat mamaya pag nakita nila ako, Sasalo ako ng gabot, hampas, palo Hanggang dito na lang, Damay-damay na to!
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:23 PM UTC
NADALE AKO

45
Dalawang bata Isang matanda Babae't lalaki Kasama ang ama Naglalaro sila Doon sa may kalsada Napadaan lang ako Ngunit tila paa'y napako Habang sila'y tinititigan ---Isip ko'y bumalik sa nakaraan Naalala ko nang kami ni ama'y Naglalaro ng tagu-taguan Sa tuwing ako'y nahuhuli Ako'y kanyang kinikiliti Oo, ako'y naging masaya Sa limang taong pinagsamahan ---Bumalik ako sa kasalukuyan Ang mag-ama'y tuwang-tuwa sa aking kanan Hinihiling ko lamang sa Panginoon Sila sana'y bigyan pa ng mahabang panahon
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 9:20 AM UTC
Penpen de Sarapen
Kaya pala... Kaya pala hindi nagkakatotoo ang mga hiling ko sa tuwing sasapit ang 11:11, hindi pala tama ang oras nitong orasan ko Nahuhuli pala ito ng ilang minuto. Ganon naman tayo diba? Lagi nalang wala sa timing. Badtrip.
0
Oct 14, 2017
Oct 14, 2017 at 11:57 AM UTC
23:11 pm
Matang may takip Ang kabayong may suot na tapaojo Makitid na daan ang tinatahak Sa likod at gilid ay walang makita Bulag sa maraming bagay Magwalang-bahala sa buong tanawin Bingi sa pagbabago Nahuhuli sa ritmo Basag na antipara Ulong walang ulo Nilalang na lusaw ang puso Sambahin ang iyong katotohanan At manatili sa ginhawa ng iyong kabulagan
0
Aug 6, 2022
Aug 6, 2022 at 8:53 PM UTC
Kabayo