"nahinto" poems
Nandito tayo sa unang parte na di ko alam kung paano naiwasto
Hinihintay ang inaasam na pagbalik mo
Tulad ng aso na nag-aabang sa paguwi ng kanyang amo
Ikaw ang kalakasan at siya ding kahinaan ko
Daig ko pa ang isang tanga sa pagiging uto-uto
Nandito tayo sa iisang bangka ng ating paglalakbay
Ako yung nagsasagwan ngunit ikaw yung unang nangalay
Kaya pala nanlalamig na parang isang bangkay
Ang mundong nilisan ay hindi na maipapantay
Bulaklak na sabay itinanim ay simula ng mamatay
Nandito na ako at hawak ang libro, ililipat na sa huling pahina
Ang mga sigaw na naging mga bulong na sa hina
Hirap na tiniis at pighating matagal ng gustong kumawala
Nagwawala, nawawala, na parang ibong na sa hawla
Dalawang pusong pagod, na kailangan ng mag-pahinga at huminga
Dec 10, 2016
Dec 10, 2016 at 11:57 PM UTC
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya,
Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo.
Kasama kita sa maikling panahon,
Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala.
Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok,
Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos.
Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok…
Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos
Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok.
Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,,
Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa.
Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok.
Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa
Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana,
Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko.
Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 12:58 PM UTC
Noon halos magtiklop-tuhod ako sa paghanga
At inaasam na ang pag-ibig mo'y makuha
Tila ang isang tulad mo'y napakailap
Ang ibigin mo'y isang pangarap
Hanggang sa ikaw'y dumating
At ako'y iyong natutunang mahalin
Ngunit sa paglipas ng panahon
Puro bangayan at galit ang sa aki'y itinuon
Ikaw'y nilapitan at tinanong kung bakit
Ngunit pagkibit ng balikat ang aking nakamit
Walang gatol na ikaw'y sumagot
Sinabing ako'y iyo nang nalimot
Biglang nahinto at di alam ang gagawin
Ito'y napakasakit sa damdamin
Mga mata'y nagtatanong at masinsinang nag-uusap
Bakit ganon, mawawala ang lahat sa isang iglap?
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:05 AM UTC
alam mo bang hindi ko inasahan ang naibigay **** saya?
hindi ko natanaw noong umpisa na tayo ay magiging panandalian lamang pala.
tulad noong araw na tayo'y nagkakilala, ang pagwawakas natin
ay naging kasing bilis rin lamang ng isang kisapmata.
napakasariwa pa ng mga alaala nating dalawa.
sabay pa tayong nanonood kay haring araw kapag siya'y bababa.
sa umaga'y yakap mo pa ako sa ating pagising
at kamay ko pa ang iyong hawak sa tuwing ika'y nananalangin.
ngunit lahat ng pagsasamang ito ay nahinto, dulot ng isang tuldok.
ang natatanging bantas na nagsasaad ng pagtatapos.
Oo, masakit na di na kailanman malalagyan pa ng dalawang tuldok. . .
na magpapahiwatig na ang ating kwento ay mayroon pang karugtong.
ang mga oras at panahon ay tila naging saglit,
ang kwento natin ay puno lamang ng kuwit
na nagsasabing "di pa tapos, sandali lang, maaabot natin ang tuktok"
pero si Bathala na nag nagdesiyon na lagyan ito ng tuldok
marahil nga hanggang doon na lang ang istorya nating dalawa,
alam ko rin naman na hindi napipilit si tadhana.
inihipan na rin nina amihan at habagat ang ating mitsa
--at ang bisa ng pana ni kupido ay tuluyan nang nawala.
kaya pasensya ka na mahal kung hindi maganda ang kwentong naibahagi ko.
'di bale, ito na lang rin naman ang huli kong mensahe para sayo.
hayaan **** ako rin ay maglagay na ng tuldok sa dulo
at sabihin sayong maaari ka na rin magsimula ng panibago **** kwento.
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 9:38 AM UTC