Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nahagip" poems
Sinikap mag-aral, nilakad ang paaralan Upang may grado na ipapakita sa ama na siyang ipagmamayabang Nagtapos sa elementarya na  kabilang sa mataas na seksyon -Hinay -hinay inakyat ang tagdan ng dunong Sa paaralang sekondarya ay namayagpag Sa pangkat ng namumukadkad na bulaklak - Waling-waling na mahalimuyak Nakinig sa ikalawang magulang at nadagdagan ang kapurit na  katalinuhan Sa taong dalawang libo't walo ay masyadong seryoso Puno ng mga tala ang mga kwaderno Di man pala - kaibigan, Kaklase sa nakaraan ay natatandaan Sa ikalawang taon sa sekondarya na edukasyon Agila naman ang kinabibilangan Mandaragit at salinlahi ng pambansang ibon Malapad na balawis, sa pagkumpay sa dagat ay dumadaluyong Walang kamuwang-muwang nang nahagip ng pag-ibig sa isang tingin Kung kailan nag-umpisa sa paggawa ng tula Dahil ba kay Dessa o di kaya talento na Kanyang biniyaya
0
Jan 6, 2019
Jan 6, 2019 at 5:14 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #43
Wala akong alam sa pag-ibig Ngunit nang ikaw ay nahagip Alam kong ikaw na 'king iniibig Binigyan **** katuparan ang panaginip Na dati'y tinatamasa lamang sa pag-idlip Wala 'kong alam sa pag-ibig Bawat hinagpis kong pinunasan ng 'yong palad Ang mga labi **** nagsilbing liwanag na hubad At kulay sa buhay kong mapanglaw Kaya nga sabi sa sarili, ikaw na nga, ikaw Wala 'kong alam sa pag-ibig Kaya hinayaan kong mabulag mga mata kong singkit Na ikaw lang ang tinatanaw, walang pakialam sa sakit Kahit pa nung araw na hindi ka na lumapit Mga taghoy ko'y pilit kong iniimpit Wala 'kong alam sa pag-ibig Kahit malabo na ang pag-iisip Pinilit kong takbuhin ang distansya natin Kahit alam kong walang makukuha ni silip Sa paghabol sa taong ayaw na sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Musmos pa nang ika'y humangos sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Dinamdam ko ang pagtulak mo sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinanggap ko lang mga salita **** hagupit Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinalo ng luha ko ang ulan ng bagyong mabagsik Wala 'kong alam sa pag-ibig Noon ay akala ko ikaw na ang nangyari sa'king pinakamasakit Wala 'kong alam sa pag-ibig Pinanood lang kita sa pagtakbo mo Nabingi lang ako sa mga pangako mo Marami ring oras ang inaksaya ko sa'yo At mahaba-haba rin ang nasulat kong 'to Ngayong natuto na akong tumayo sa mga paa ko, Ang punto ko lang ay napakawalang hiya mo!
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:39 AM UTC
Wala Akong Alam sa Pag-ibig
032417 Pinagmasdan ko ang paglipad mo Napakaganda mo Hanggang ang langit Ay naging "sa piling ko." Sa pagpupumilit **** lumipad, Doon ka nahagip ng nagsisigawang mga hangin, Doon ka naputulan ng isang pakpak, At doon, sa wakas: Nagpasalo at nagpakanlong ka sa'king pag-ibig. Wala kang kamalay-malay Na ako ang siyang umakay sayo. Sa una pa lang, alam ko namang Pag nahilom ka na'y Kusa ka na ring aalis. Alam ko namang ang bisig ko'y Siyang tambayan lang ng pag-ibig. Minsan, pinangarap ko ring makalipad Gaya mo, baka sakaling magtagpo tayo sa ere Baka sakaling masabayan kita Sa mga gusto mo pang liparin. Pero magkaiba kasi tayo Wala akong sinasabing hindi patas ang tadhana Pero tama nga si Bathala, Wala naman tayong magagawa Kaya mabuting ngayon pa lang, Pakawalan na kita. Mahal, lipad na Kaya ko nang mag-isa. Mahal, paalam na Kahit ang totoo'y: Di ko pa kaya ang wala ka.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 9:48 AM UTC
Lipad
010121 Magsusulat na naman ako Gaya ng dati -- Nagsusulat na naman ako Para sayo -- Nagbabakasakali. Ilang beses kong nilimot Na ikaw ang aking unang panalangin, Na sa tuwing pinagmamasdan kita'y Nalililimot ko ang 'yong pangalan At wala akong ibang hangad Kundi purihin Siya. Na sa tuwing tayo'y ipinagtatagpo, Ay naroon tayo sa presensya Nya. Tila ba kahit naisin kong lumapit sayo'y Tayo'y pinagigitnaan Nya At wala tayong ibang dahilang pumarito Kundi magpasakop sa Kanya. Parang tayong mga ekstranghero Sa mundo ng isa't isa. Lilihis at lalayo, Yan ang kusa kong pagsinta. Siguro nga, Hindi ako nakapaghintay Pinangunahan kita.. At nakaraang taon di'y Naging masaya ka na rin sa iba. Nagsusulat ako -- Bilang aking pagtugon Sa panalangin ko noong Ikaw lang ang hihintayin, Ang mamahalin. At sabi ko pa nga sa'king sarili'y, "Kung ikaw talaga, Handa akong iwan lahat.." Tila ba kaybigat ng aking panalangin Ngunit kaygaan din kung para naman sa Kanya. Sana malaman **** -- Minsan kang naging paksa sa'king mga tula, Ako'y naghintay nang ilang taon Ngunit siguro nga, Nauna akong sumuko -- Pagkat hindi ka naman tumugon. Hindi ako nakaramdam Ng anumang galit o tampo Nang minsan mo akong iwan sa ere, Matapos **** magtapat ng pag-ibig. Nautal din ako noong mga panahong iyon, At tanging dasal ko'y, "Kung hindi pa natin panaho'y, Tanggalin na lang muna tayo sa isa't isa.." Ni hindi ko alam kung saan nanggaling Ang lalim ng ganoong panalangin, Ang lakas ng loob kong humiling At tinugon naman iyon agad ng Langit. Ngayon lang kita ulit napagmasdan, Nahagip ang puso ko gaya ng dati.. Alam ko, wala ka naman sa lugar Para muling magtanong sa'kin Pagkat iba na ang himig Ng sarili kong damdamin. At kung sakali mang ikaw pa rin sa huli, Hayaan **** ako'y maging tapat na sayo -- Pagkat sa bawat oras Na ika'y sumasagi sa'king isipa'y, Ramdam ko pa rin ang pagsambit mo Nang "Ikaw na," Hanggang sa muli nating pagsinta.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 10:31 AM UTC
Landas

Continue reading...
68
BY; ELVIN ADO SIMULA PAGKAMUS-MOS PAGKAKAALAM KO AY SA LANGIT LANG MAKIKITA, PERO SA LUPA’Y PWEDE RIN PALANG MAKITA, KAYA HALINAT BASAHIN ANG AKING TULA, TUNGKOL SA ISANG ANGEL NA PINADALA NI BATHALA SA LUPA. DAPIT HAPON, NAGLALAKAD MAG-ISA SA LUGAR KUNG SAAN PURO KAHOY ANG MAKIKITA, TAHIMIK , LUNTIANG PALIGID ,MGA IBONG NAGSASAYAWAN SA SANGA NA NAKAKABIGHANI SA MGA BILOGAN KONG MATA, MGA HUNI NG IBON NAGPAPAIGTING NG TAINGA, PERPEKTONG LUGAR PARA ILABAS ANG MGA PROBLEMA. TINGIN SA KANAN ,TINGIN SA KALIWA, HANGGANG SA NAHAGIP ANG HINDI PAMILYAR NA MUKHA, NAPAKA-AMONG MUKHA NA TILA BA ISANG DIWATA, NAPAKO ANG MGA MATA MULA ULO HANGGANG PAA, KARIKTAN NA SA BUONG BUHAY NGAYON LANG NAKITA, MAGULONG ISIP AY NAPALITAN NANG KUNG ANONG SAYA, PAA’Y DI MAPIGILAN LUMAKAD MAGISA, PATUNGO SA ISANG PRINSESA NA NGAYO’Y NASA HARAP KO NA, SARILI’Y DI MAPALAGAY KUNG BAKIT IBA ANG NADARAMA, KABOG SA DIBDIB AY IBANG-IBA. NGAYON AY KAYLAPIT NA NAMING DALAWA, BIBIG AY BIGLANG NAGSALITA , AT LUMABAS ANG KATAGANG ANGHEL KABA? SIYA’Y NAPATINGIN AT NAKITA KO ANG MAPUPUNGAY NIYANG MATA. MALA ANGHEL NA TINIG NA LALONG  NAGPAANTIG NG KABA, ANO BA TONG NADARAMA PAGIBIG NABA, TILA BA SILI NA KAY BILIS MADAMA, MGA LUNGKOT AY NAPALITAN NANG  SAYA. SA UNANG PAGKAKATAON UMIBIG ANG MAKATA, PERO ISANG SAGLIT DUMILAT ANG MATA, NAPAGTANTONG LAHAT AY PANAGINIP LANG PALA, AKALA’Y  LAHAT AY TOTOO NA SA ISANG IGLAP AY NATAPOS NA.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 6:16 AM UTC
" ANGHEL"
Magsusulat na naman ako Gaya ng dati -- Nagsusulat na naman ako Para sayo -- Nagbabakasakali. Ilang beses kong nilimot Na ikaw ang aking unang panalangin, Na sa tuwing pinagmamasdan kita'y Nalililimot ko ang 'yong pangalan At wala akong ibang hangad Kundi purihin Siya. Na sa tuwing tayo'y ipinagtatagpo, Ay naroon tayo sa presensya Nya. Tila ba kahit naisin kong lumapit sayo'y Tayo'y pinagigitnaan Nya At wala tayong ibang dahilang pumarito Kundi magpasakop sa Kanya. Parang tayong mga ekstranghero Sa mundo ng isa't isa. Lilihis at lalayo, Yan ang kusa kong pagsinta. Siguro nga, Hindi ako nakapaghintay Pinangunahan kita.. At nakaraang taon di'y Naging masaya ka na rin sa iba. Nagsusulat ako -- Bilang aking pagtugon Sa panalangin ko noong Ikaw lang ang hihintayin, Ang mamahalin. At sabi ko pa nga sa'king sarili'y, "Kung ikaw talaga, Handa akong iwan lahat.." Tila ba kaybigat ng aking panalangin Ngunit kaygaan din kung para naman sa Kanya. Sana malaman **** -- Minsan kang naging paksa sa'king mga tula, Ako'y naghintay nang ilang taon Ngunit siguro nga, Nauna akong sumuko -- Pagkat hindi ka naman tumugon. Hindi ako nakaramdam Ng anumang galit o tampo Nang minsan mo akong iwan sa ere, Matapos **** magtapat ng pag-ibig. Nautal din ako noong mga panahong iyon, At tanging dasal ko'y, "Kung hindi pa natin panaho'y, Tanggalin na lang muna tayo sa isa't isa.." Ni hindi ko alam kung saan nanggaling Ang lalim ng ganoong panalangin, Ang lakas ng loob kong humiling At tinugon naman iyon agad ng Langit. Ngayon lang kita ulit napagmasdan, Nahagip ang puso ko gaya ng dati.. Alam ko, wala ka naman sa lugar Para muling magtanong sa'kin Pagkat iba na ang himig Ng sarili kong damdamin. At kung sakali mang ikaw pa rin sa huli, Hayaan **** ako'y maging tapat na sayo -- Pagkat sa bawat oras Na ika'y sumasagi sa'king isipa'y, Ramdam ko pa rin ang pagsambit mo Nang "Ikaw na," Hanggang sa muli nating pagsinta.
0
Apr 26, 2021
Apr 26, 2021 at 11:22 PM UTC
Walang Tugon

67
minsan may nag-aabang, nahagip ng alimpuyo sa parang, nadatnan sa puyo'y isang puwang, o, pagkakataon! dumating ay ang kulang.
0
Mar 7, 2018
Mar 7, 2018 at 10:05 AM UTC
ikot