"nagpapalitan" poems
Mga balang nagliliparan
Sa lahat ng panig nagpapalitan
Sa mga sandaling hindi mapigilan
Buhay ang binabayaran
Sigaw ng isa ay kalayaan
At ang kabila ay kayamanan
Sana'y mayroong hangganan
Hiling ng mga nasusugatan
Isusugal ang lahat upang makamit
Ang bagay na iginigiit
Nang puso na lahat ay ipagpapalit
Upang masumpungan ang mas lalo pang higit
Sa kalayaan ay walang pag-big
Dugo ang kanilang tubig
Armas ang kanilang bibig
Dahas ang nakasulat sa mga bisig
Ang pag kitil nga ba ang sagot
Sa lahat ng ating mga sigalot?
Tila ba lubusan nang nakalimot
At sa sanlibutan ay nagmistulang mga salot
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 1:57 PM UTC
Andito na naman ako sa pagitan
Sa pagitan ng ating pinagsamahan
Ayoko na ba? O itutuloy ko pa?
Susuko na ba? O magpapahinga?
Hindi ko alam ang nararapat
Pero alam ko ako'y tapat
Sa pag ibig na sayo ilalapat
At ako'y magiging tapat
Mahirap pigilan
Pero sinusubukan ko naman
Dahil walang patutunguhan
Hindi pang sawalang hanggan
Pero alam mo nakakapanghinayang
Yung samahan natin baka masayang
Yung samahan na pagkakaibigan
Na hindi magiging pang kaibigan
Andito naman ako sa pagitan
Ang isip ko ay nagpapalitan
Puro salitang nagtatalastasan
Mamahalin pa o bibitawan?
Apr 6, 2017
Apr 6, 2017 at 6:38 AM UTC
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa
parang natutulog na magkasintahang nagpapalitan ng hininga
kaya nung maghiwalay tayo
ay mas nawalan ako ng tulog sa pagbabakasakaling babalik ka pa
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:33 AM UTC
Ang alam ko lang ay yung gaano ako kabuo kapag katabi kita.O kapag kahit ilang kilometro ang layo natin sa isat isa pero nagpapalitan tayo ng mga salita. Binibigyan mo ako ng dahilan, hindi laging masaya pero nandiyan ka. Buti na lang nandiyan ka. At madalang lang sa tagal ng paghinga makaramdam ng ganito, medyo naiilang pa at pinipilit pang talikuran. Pero ngayon pa lang alam ko na, hanggang dito lang ako. Pero ngayon pa lang pinoproseso na ang pagtanggap dahil matagal tagal na rin naman akong naglalakad dito, tingin ko'y kaya pa naman. Hindi pa naman ngalay ang tuhod at paa. Kaya ko pa.
Sep 19, 2017
Sep 19, 2017 at 6:18 AM UTC
Nagmahal ako ng higit pa sa inaakala nyo.
Lahat ginawa ko para sa taong nagpapatibok sa puso ko.
Ibinigay ko lahat ng maibibigay ko bilang ako.
Buo ang puso ko na ipinagkatiwala sayo.
Masaya naman tayong nagpapalitan ng matatamis na salita.
Ngunit bakit tila may nagbago?
Madalas ang panlalamig mo.
Madalas na may hindi pagkakaintindihan na pinagmumulan ng away.
Nasasaktan ako sa mga pagbabagong nakikita't nararamdaman ko.
Pareho naman ang itinitibok ng ating puso.
Ngunit
Pareho nga ba?
O imahinasyon ko lang?
Isa lang bang panaginip ang lahat ng ito?
Kasi kung Oo
Ayoko nang magising.
Ayoko nang magising sa katotohanan,
Na una palang
Alam kong talo na'ko.
Oo nga pla.
May nakalimutan ako.
Oo nga pala hindi nga pala tayo.
Hanggang dito nalang ba?
Hindi na ba aangat yung pagsasamahan natin?
Kasi masakit na.
Yung puso ko parang pinaghihiwalay at nahahati sa dalawa.
Nasasaktan ako kapag may kasama kang iba.
Nasasaktan ako kapag nakikita kitang masaya sa iba.
Kaso wala naman akong magagawa.
Wala naman akong karapatan.
Wala namang ako at ikaw,
Kasi nga hindi naman tayo.
Ang tanging magagawa ko lang ay ang umiyak.
Iiyak ako hanggang mapawi ang sakit at kirot sa puso ko.
Para naman kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
Feb 4, 2020
Feb 4, 2020 at 1:55 AM UTC