Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagkakaganito" poems
Alam mo ba ang salitang pag-ibig? Natagpuan mo na ang iyong mangingibig? Handa ka na bang maging kaibig-ibig, Sa isang taong tinatangi mo't iniibig? Nang tamaan ako ng pana ni Kupido, Nabighani ako sa isang katulad mo. Bumilis ang tibok nitong abang puso ko, Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sa tuwing ika'y pinagmamasdan, Lagi akong tulala at hindi maintindihan. Natataranta sa tuwing ika'y mapapadaan, Sa aking harapan at ako'y iyong ngingitian. Pag-ibig na nga itong aking nararamdaman. Naging magulo ang sistema sa aking katawan. Parang piyesta sa bayan kung ika'y pagkaguluhan, At nag-uumapaw na kaligayan kapag ako'y iyong kinindatan. Ang iyong mga mata'y ay parang bituin sa kalangitan. Na nagniningning at punong-puno ng kaligayahan. Ang hugis ng iyong mukha ay parang engkantada sa kagubatan. Napakaamo at mala-anghel kung ika'y aking tititigan. Nang ako'y magtapat ng aking tunay na hangarin, Naisiwalat ko ang sinisigaw nitong aking damdamin, Hindi ka nagdalawang-isip na ako'y agad na sagutin, At pinanindigan **** ako ay mahal mo rin. Mahigit dalawampu't limang taon na ang ating pagsasama. Biniyayaan tayo ng anim na anak at masusunuring mga bata. Inaruga at minamahal natin bilang mapagmahal na ama at ina, Na siyang dahilan na matagal nating buhay mag-asawa.
0
Jan 9, 2016
Jan 9, 2016 at 11:57 AM UTC
O, Pag-ibig
Sadyang matalinhaga, Di ko maipaliwanag kung bakit, Ako'y humahanga, Dahila'y di masambit. Ang isa sa mga rason, Kung ba't nagkakaganito, Sa mga nagdaang panahon, Ako'y naantig sa'yo. Pag-iisip ay naiiba, Sa labas, di mo aakalain, Ang abot ng makakaya, Kanyang damdamin at pagsasalamin. Sadyang mas magaling, Kagalingang di ko maabot, Sa sarili'y naging hiling, Di alam kung saan mapupulot. Naisip na yan ay talento mo, Di nga pala tayo magkapareho, Ngunit atensyon ko'y nakuha mo, Di ko maitatangging ika'y inspirasyon ko.
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 12:59 PM UTC
Isang Inspirasyon
Alam ko naman anong kahihinatnan. Alam ko, alam na alam. ngunit bakit nagkakaganito? Nasaan na yung tapang ko? ano nga ba ang kinakatakutan ko? ang di mo magutuhan? o ang mawala ka bilang aking kaibigan. O Diyos ko wag naman sana. Mas mabuti pang mawalan ng pag-asa wag lang mawalan kaibigang makakasama.
0
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 12:03 AM UTC
Kaibigan, kayamanan
032017 Isa, Dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, Pito? Tama ba? Pasensya kana, Hindi ko na kasi mabilang ang ating mga away at tampuhan. Nahihiya na nga ako sayo eh, Kasi hindi dapat ito yung iyong nararanasan. Alam ko sobra-sobra na yung mga sakit na naidulot ko sayo Wala na yung mga pangako na sinabing tutuparin ko Yung mga ***** tayo jan, ***** tayo dito" Yung "Susulitin natin ang oras pag balik mo sa piling ko" Dapat pala sinulit ko na ang oras habang nandito kapa sa piling ko. Naalala ko pa yung araw na paalis kana para tuparin yung pangarap mo Kahit masakit sakin na lumisan ka ikaw ay aking suportado Kahit na alam kong matagal yun pilit nating sinasabi na saglit ka lang, Na kayang kaya natin Hanggang sa dumating na tayo sa hindi natin kaya. Ang "sakit" Salitang nanggaling na parehas sa ating dalawa Yung tipong mahal na mahal pa natin yung isat isa pero parang hindi na Yung kahit hindi ikaw yung problema sayo na napupunta Hindi ko alam kung dapat bang wakasan na Pero nagdesisyon tayo na kayanin pa. Lumipas ang ilang araw bumabalik na tayo sa dati Nag-iintindihan na ulit minsan pa nga nag bobolahan Sabi ko pa sa sarili ko nun… YES!!! Wala na tong katapusan Ngunit NAUDLOT ang ating walang katapusan. Bumabalik na naman si justine sa kanyang dating ugali Magdodota tapos hating gabi na naman uuwi Tatawag ka sa aking telepono pero hindi ko nasasagot Hanggang sa tumagal tagal na, Hindi ko na sinasagot. Ang hirap lang kasi maging masaya nang wala ka pisikal Ang hirap magtiis na yung yakap ay babasahin ko na lang at hindi na literal Kaya nililibang ang sarili kahit na mali na ang paraan Kahit na alam kong mali yun na dahilan Hindi ko pa rin tinigilan. Sabi ko sa sarili ko maayos din lahat ng ito pag nakauwi kana Nagkakaganito lang tayo dahil hindi tayo magkasama Nag-aalala pagkat hindi sigurado sa ginagawa ng isa Kahit iilang araw nalang tiisin pa natin, pakiusap ko sayo Maliliwanagan din naman kapag nagtagpo na and dalawang puso. May isa lang akong hiling na sana ay tuparin mo Sa laban na ito, Wag ka sanang matuto na sumuko.
0
Mar 19, 2017
Mar 19, 2017 at 11:41 PM UTC
Wag Ka Sanang Matuto

Continue reading...
53
Ano ba ang mayroon sa iyo? At bakit ako nagkakaganito? Sa tuwing ikaw ay may kailangan Agad kitang pinagbibigyan. Lahat na lang ng iyong ipakiusap Aking ginawa ng buong sikap Kahit na alam kong sa iyo'y wala lamang Ginawa ko ito nang walang pagkukulang Ngunit ngayon ay akin nang natutuhan Hindi sa lahat ng panahon, ika'y aking pagbibigyan, Nang sa aking sarili ay makapaglaan rin Ng pag-ibig na hindi kayang maibalik sa akin.
0
Mar 3, 2015
Mar 3, 2015 at 9:39 AM UTC
walang pamagat
Ang kalatas kong ito, Ay talagang para sa'yo, Wag nang isipin kung sino, Dahil alam kong alam mo. Gusto ko lang na malaman mo, Kahit alam kong tunog gago, Na ako'y may katanungan para sa'yo, Kung mamarapatin mo. Ginulo nito ang aking isipan, Di ko nga rin alam, ewan, Ngunit sagot mo'y hanap ko, Kung sino ba ang kasalukuyang minamahal mo. Alam kong walang kwenta, Aaminin kong ako'y umaasa, Inaasam ang yong pagsinta, Sa isang tulad ko, isang dukha. Dinadaan ko nalang sa pagiging negatibo, Ngunit kalahati lang dun ang totoo, Dahil ako'y tao rin naman, Naghahangad, may mga kagustuhan. Sinasabi kong "ganyan ang mundo", Sinasabing iyan ang prinsipyo, Ngunit yan ay di ko gustong paniwalaan, Dahil dito sa nararamdaman. Iniisip kung paano kaya, Paano kung iyon nga? Paano kung di lang ako? Di lang ako ang nagkakaganito. Ako sayo'y lubos na nagpapasalamat, Kahit na ito'y alam kong di pa nga talaga sapat, Ngunit ang kalatas na ito it'oy hindi ko lalagyan ng bantas, Dahil ang mga panahong ito'y, di ko pa gustong magwakas
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 8:10 PM UTC
Isang Kalatas
Pagod na ako sa mga gawain na paulit-ulit lamang Pagod na ako sa mga bagay na kailangan intindihin at tanggapin ko lang Pagod na ako sa paggawa ng mga bagay na wala namang saysay Pagod na ako sa araw-araw na pag-alalang kakayanin ko ang lahat ng bagay Kaya ko... Kaya ko... Kaya ko pang gawan ng paraan Kaya ko pang remedyohan Kaya ko pang isalba ang lahat Hindi na dapat ako nag-papakulong sa gantong emosyon Hindi na dapat ako nag-iilusyon Hindi na dapat ako nagkakaganito Hindi na dapat ako nagiisip ng ganito Sa layo na ng narating ko dapat kaya ko na ito Sa dami na ng pinagdaanan ko dapat sisiw nalang sakin ito Sa dami ng hirap na naranasan ko sanay na dapat ako sa mga ganito Ngunit higit sa lahat, sa dami na ng naipundar kong oras at pagod, alam ko sa sarili kong kayang-kaya ko 'to
0
Apr 4, 2016
Apr 4, 2016 at 9:07 AM UTC
Untitled
Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong taong walang pagbabago Tatlong taon ng pagpapakagg Kelan ako titigil? Hindi ko alam Siguro kapag masyado na akong manhid sa sakit Kapag masyado nang tanggap ng sistema ko ang lahat ng pait Siguro Kapag natuto na akong paglabanan ang inggit. Ang gusto ko lang naman maramdaman ang saya Kahit na ba Oo! Magmukha akong tanga Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba Basta ang Alam ko lang gusto kita. At Oo! Alam kong magkaiba tayo ng nadarama Pero ayos lang! Basta't nandyan ka. Lolokohin ko na lang ang sarili sa mga pantasya't pangarap Sa mga pagkukunwaring ako din ang lagi **** hinahanap Bubuhayin ko sa kasinungalingan ang pusong sugatan Pasisiyahin ng konti ang mga mata Kong luhaan Huwag lang mag alala pagkat ginusto ko 'to Wala kang kasalanan kung nagkakaganito man ako Basta't huwag ka lang lalayo At siguradong magiging ayos lang ako.
0
Oct 8, 2017
Oct 8, 2017 at 6:55 AM UTC
"Para sa'yo"
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito Ang alam ko lang ay nagseselos ako. Nagagalit ako pag nakikita ko magkasama kayo. Nagseselos ako dahil sa pagmamahalan niya. Hindi ko maalala kung kalian pa kita minahal. Pero tuwing nakikita kita, ang takbo ang oras ay kay bagal. At tuwing nakikita kitang may kasamang iba, ako’y nasasakal. Tuloy, galit sa aki’y umiiral. Bakit ba ako sa iyo’y patay na patay? Kapag ako’y nagseselos para akong lantang gulay. Sa iyong ganda, ako nabubuhay. Sa pagkaselos sa inyo, ako’y namamatay.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:21 AM UTC
Selos
Kulang ang mga bituin sa kalangitan Na kahit minsan ay kay sarap pagmasdan Kung mawawala ka man ay kulang rin ako, Ikaw ang nagsisilbing aking katahimikan Sa aking maingay at magulong mundo, Para kang isang tanawin Na kay sarap titigan Sana nga ay makuha ka sa tingin, Tayo ay may walong planeta Ngunit sa iyo lamang umiikot ang mundo ko Ikaw ang aking paboritong pantasya Na ayaw kong kalimutan Ikaw ang paborito kong panaginip Na kahit minsan sana ay hindi na ako magising Makasama ka lamang kahit ako’y naka idlip Pero ayaw kong mabuking Na ang talino ko sa klase Pero pagdating sa’yo nabo-bobo at nata-tanga ako Alam kong wala kang pake Dahil bihira naman na ako ay magugustuhan mo Ang isang tulad ko Nakakasagot naman ako sa oral namin Pero pagdating sa’yo nata-tameme ako at ‘di maka-amin Dahil suntok sa buwan lamang ako pagdating sa’yo Ka-babae kong tao Pero kapag ikaw nababakla ako Hindi ko alam bakit nagkakaganito ako Pagdating sa iyo nagiging abnormal ako Ikaw ang ilaw Sa madilim na landas na aking tinatahak; Ikaw at ang pangalan mo ay sa aking puso't isipan nakatatak Wala kang ibang kaagaw
0
Aug 28, 2023
Aug 28, 2023 at 10:09 PM UTC
Mananatiling Sa’yo (04-11-21)