"naghahanda" poems
“The purpose of life is to live it, to taste experience to the utmost, to reach out eagerly and without fear for newer and richer experience.”
― Eleanor Roosevelt
May mga gabi na puno ng lumbay kung saan mapapait at puno ng lungkot ang mga ala-alang hatid nito. Madalas na hindi ka nito pinapatulog. May mga umaga naman na nagpapagunita sa mga dalita at mabibigat na salita. Minsan kahit sa init ng katanghalian ay nararamdaman mo ang matinding lamig – ang panlalamig na dulot ng takot, takot na harapin ang kawalang katiyakan ng bukas na darating.
Malaya kaba’ng talaga o baka naman nakatago lang ang iyong mga tanikala? Bumabangon sa umaga’t naghahanda para pumasok sa opisina na isa ring selda. Kumakain pero walang nalalasahan, tumatawa nga pero ang totoo ay nalulungkot, nabubuhay pero talo pa ang isang bangkay pagkat walang kabuhay-buhay. Nakikipagtalik ang katawan na hindi marunong tumangkilik.
Paano nga ba ang mabuhay nang wasto at hustong-husto? Yung puno ng pag-ibig at walang ligalig na sadyang matatag katulad sa isang kamalig. Nadidinig mo pa ba ang huni ng kuliglig sa ‘twing sasapit ang hapon? Ang buhay ng tao ay sadyang maligalig. Ang panaghoy ng mga walang kayang lumaban sa dagok ng malupit na kapalaran ay laging naririnig sa ‘twing kumakagat ang dilim.
Hindi lang minamasdan ang mga bulaklak, kailangan mo rin itong samyuin para mo mapahalagahan. Paano mo malalaman ang lalim ng dagat kung hindi mo ito sisisirin at ano’ng saysay ng taas ng bundok kung hindi mo ito aakyatin? Hindi sapat na sabihin na s’ya ay iyong iniibig, kailangan mo rin s’yang yakapin at halikan. Ganito mo dapat na ipagdiwang ang buhay.
Pero hindi ito magawa ng isang tulad mo na alipin ng takot at sama ng loob. Kailangan kumawala ka sa anino ng nakaraan at ‘wag mabuhay sa hinaharap. ‘Hwag kang makipagtalik sa multo ng nakaraan dahil hindi ka lalabasan, puro luha lang ang tiyak na papatak sa iyong mga mata. Maging makasaysayan at makabuluhan ito ang dapat na maging layunin. Kalimutan ang kabiguan at maging masigasig, yakapin sa’yong bisig ang ngayon. Hawiin ang lambong ng gabing tumatakip sa paningin sapagkat ito’y nakakabulag.
Nov 12, 2017
Nov 12, 2017 at 9:54 PM UTC
Ito na ang aking huling awitin,
Awiting sa iyo'y kakantahin,
Sa tono ng mga alaalang kinalimutan,
Kandirit ng mga luhang pinakawalan,
Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa,
Sa araw araw na ako'y naghahanda,
Sa bawat gabing aking inaalay,
Sa bawat umagang ika'y hinihintay,
Pasan ko sa bawat yapak,
Ilang galon ng alak na nilaklak,
Upang limutin ang ligaya't galak,
Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak,
Na kahit saan pumunta'y di na mahanap,
Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap,
Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap,
Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap...
Sa ganda ba naman ng ating simula,
Sino ba naman ang mag aakala?
Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita,
Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula?
Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala:
Saya,
Lungkot,
Ligaya...
Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot,
Pagdududa,
T4ng*, di na dapat pa akong sumagot!
Nag-kaaway--
Upang magkabati lahat inialay,
Ngunit muli nanamang nagpasaway,
Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay...
...
Kamusta ka na?
Pasensya kung nasaktan kita,
Patawad sa mga galos at pasa,
Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka,
Sana marinig mo huli kong mga nota,
Kahit sintonado kong kinakanta--
Kung maglaho na ako, babalik ka ba?
Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita?
Di ko naman sinasadya...
Na ika'y bigla na lang mawala.
Tulad mo rin ba akong nababalisa?
Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 6:50 AM UTC
Nitong nakaraan, naging nostalgic ako sa mga new year na nagdaan, mga new year nung bata kami, and sa new year na dadating pa.
Oo sobrang saya ngayon, hindi rin naman mapapantayan ang saya! Pero alam ko na iba na siya. Ibang-iba na siya―kasi noon, kumpleto pa kami at wala pang nawawala samin. Kumpleto pa ang mga lolo at lola namin. May mga fireworks display, sinturon ni hudas mula sa kanto hanggang kabilang kanto. Isinasampay pa ung sinturon ni hudas sa katawan namin tapos magppicture kami, may trumpilyo, luces tapos isusulat ang pangalan sa daan, maging yung ray-gun na paputok meron din. May mga pagkain pang nakalagay sa la mesa dahil naghahanda ang mga lola. May ham, tinapay, hot choco, at kung ano-ano pa na pati mga kapitbahay namin doon din kumakain salo-salo ang lahat! Meron din sayawan sa kalsada mga 90's na tugtugan "don't cry" sa gitna ng kalsada.
Habang sinasalubong ang taon, we played this game na "thankful for 2022, and looking forward in 2023" with cousins and titos and titas while drinking wine and alcohol til we drop. Ang saya mapakinggan yung mga bagay na pinagpapasalamat nila at mga bagay na nilo-look forward nila lalo yung mga things they share about our family. It means so much na pare-parehas kami na support sa isa't-isa at ramdam yung pagmamahal sa bawat isa.
Sabi ng isa kong tita, darating daw yung time na baka maiba na dahil siyempre magkakapamilya, career, ibang paths to take, na baka yung iba di na mag new year sa Clemente. Pero sabi niya sila ay nandiyan pa din dahil yun ang gusto nila. Oo alam ko pwedeng mangyari dahil na-experience ko na sa mga kaibigan ko. Dati palagi kaming magkakasama tuwing new year at pasko. Mahal namin ang isa't-isa na kung pwede nga lang palagi kaming magkakasama. Pero siyempre iba-iba kami ng mundong ginagalawan at tinatahak, may lumipat ng bahay, may mga pamilya na din kaya bihira na lang din kami magkasama sama. Nakakamiss!
Hindi ko alam ang future, pero sana lahat kami nandito pa din magkakasama, isang buong pamilya na magkakasamang haharap sa panibagong taon habang nabubuhay kaming lahat!
Masaya ako na na-experience ko ang pasko at new year sa Tondo! Marami akong ipinagpapasalamat hindi lang sa 2022, kundi magmula 1992! Alam ng puso ko kung ano yung mga bagay na yun hindi ko maisa-isa, basta alam ko masaya lahat at grateful ako sa family na ibinigay sa akin ni Lord. Hindi man kami mayaman, madami man kaming pagkakaiba-iba, pero solid mahal namin ang isa't-isa. Looking forward to 2023 and more! **
Jan 3, 2023
Jan 3, 2023 at 2:05 AM UTC
041921
Gusto ko nang gumaling —
Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko
Paulit-ulit kong panalangin.
Pero naisip ko rin,
Kaya ko bang gumaling nang walang gamot?
Sa paghihintay kong hindi nakapila,
Sa paghihintay ko sa oras kong itinakda —
Sa oras ko nang pagsalang..
Gusto ko naman sanang
“Magaling na ako
Bago ako mag-undergo ng test.”
Naisip ko, sa ganitong estado pala’y
Gaya pala ito ng paghihintay
Sa pagbabalik ni Hesus..
Na ang nais ko lamang
Ay matagpuan Nya akong “magaling na”
Sa anumang sakit at sumpang dumapo sa akin.
Sa bawat pagsikat ng araw
At sa bawat pagsipat ko sa bagong buhay,
Ang tanging lunas pa rin
Ay ang presensya Nya..
Walang ibang kasagutan
Sa paghilom ng aking pagkatao
Kundi Sya’t Sya pa rin naman talaga.
Hindi ko naman pwedeng madalian
Ang oras ko tapos hindi pala ako handa
Hindi pala ako naghahanda
Sa pagbabalik Nya.
Yung wala pala akong ginagawa
Habang naghihintay ako sa pagdating Nya.
Isinasariwa ko kung ano ba dapat
Ang laman ng puso ko.
Dapat kasi hindi ako maligaw ng landas
Lahat kasi ng “dapat” maggawa ko..
Pero hindi eh..
Gusto lang ng Panginoon
Na maging totoo ako sa sarili ko,
Maging totoo ako sa Kanya..
Hindi ko kailangang itago
Yung mga kamalian ko sa buhay,
Walang pagpapanggap.
Apr 30, 2021
Apr 30, 2021 at 9:55 PM UTC