Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagbabanta" poems
bibilis at babagal ang oras at ang tempo ang paghinga at ang paggalaw ang tibok ng aking puso bibilis at babagal maging ang mga salita maging ang mga hakbang papalapit ng papalapit ang ating mga tadhana ang ating mga landas dalawang bagyong magtatagpo upang bumuo ng isang kalmadong relasyon mapanuya na hindi kailanman nila makuha sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng busina ng sasakyan ilang metro ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng nagkukwentuhang lasing ilang hakbang lang ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng sipol ng hangin nagbabanta ng paparating na ulan sasayaw sa kabila ng mapanirang tadhana na posibleng isa sa ating ang mapilay o mapahiya dahil hindi na makasabay sa ritmo at giling sa musikang dala ng tadhana patayin ang musika kagaya ng pagpatay sa nararamdaman hindi na ulit ako sasayaw kung hindi ikaw ang kasama
0
Mar 18, 2021
Mar 18, 2021 at 8:36 AM UTC
sayaw
Tantanan mo ko Hindi ako nagbabanta upang takutin ka Hindi nga ako nagbabanta e Tigilan mo ko Kasi sa bawat tawag mo Nanlulumo ako Sa bawat hiling mo Sa mga bagay na wala naman ako Mas nararamdaman ko Na may kulang Na may mga bagay na wala talaga sa akin kahit anong hanap ko Alam kong trabaho mo yan Pero please Matuto ka namang makinig Kasi sinubukan naman kitang pakinggan Wala lang talaga akong maisagot
0
Oct 16, 2016
Oct 16, 2016 at 1:58 AM UTC
Dear Caller