Ako'y minsan ng naligaw,
Sa ilalim ng kalangitang bughaw.
Isang napakalawak na hardin,
Na agad pumukaw ng aking paningin.
O, Mirasol!
Namumukod tangi ang tanglaw.
Sinubukan ko itong pitasin,
Itinuring na sariling akin.
Sa lakas ng ihip ng hangin,
Di ko namalayan na ito'y tatangayin.
Sinubukan ko itong sagipin,
Ngunit sa huli, ako pa rin ang salarin.
Minsan, di natin naiisip na sa isang iglap o isang pagkakamali ay maaaring mawala satin yung bagay na pinakaiingatan natin. Kung kelang huli na ang lahat tsaka natin mapagtatanto na kahit na napakaraming bulaklak sa hardin, hindi na natin mapapalitan yung nag iisang bulaklak na napili natin kapag ito'y nalagas na.