Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matatawag" poems
Hindi na ako iibig sa isang bagay na mamamatay rin lang Hindi ko na ibibigay ang oras sa mga 'yong mapanlinlang! Tigilin mo na ang paglublob saakin sa mga panaginip ng magpakailanman Hindi totoo ang pag-ibig sa mamamatay rin lang At iiwan ang imortal kong pag-ibig na tiwangwang sa gilid ng daan Wala nang malay na siya ay tinalikuran ng isang bagay namamamatay rin lang At di kayang punan ang puso kong kulang kulang Nais kong umibig sa kalayaan Isang bagay na di ko mahahagkan ni mahahawakan Gusto kitang ibigin, o kalayaang mailap Sa buhay kong kay tagal di hinagap Isisigaw ang ngalan mo sa mga nais umapi sa 'yo At agawin ka man ng kahit kanino Hayaan mo't nandito akong mamamatay para sayo Dahil ikaw ng pinili kong ibigin Sa sibat o bala handa kang sagipin Ialay ang boses na para sayo lamang At walang ibang magkakamkam Ikaw lamang ang hindi mamamatay Na maski pagkaraan ng daan taong namatay Ay muli ring mabubuhay Kung mawala ka man saakin o aking giliw Di kailanman nila'y maitatago di ako bibitiw Ang pagkulong sayo sa mga kadena o sa likod ng rehas Ay kahangalan ng isang batang mapangahas O matatawag ko siya, mahal, na isang ungas Dahil nagsusumigaw ka kailan pa man Hindi ka nila maaagaw o kalayaan Sapat na ang nagdugong puso ko noon kay hustisyang binalatan ng buhay sa aking harapan Ubos ang laman, ginahasa't binayaran Ang nais ko lang naman ay 'wag siyang mamimili ng pagnanasaan Lumapit ako sa kanya ngunit anong maiaalay ng aking karukhaan? Di pa sapat ang aking kamalasan Binaligtad aking katotohanan Maging ang pagkapantay pantay Na siya rin mismo ang pumatay
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:22 AM UTC
Akala, Hayaan

Continue reading...
36
Isang taon ang muling lumipas, Di ko na namamalayan ang pagtakbo ng oras, Mahal,bagong taon na! Nais ko lamang itanong—may pag-asa na kaya? Ilang taon na rin akong nag-aantay ng sagot Yung puso mo,ilang taon ko nang inaabot— Ngunit hanggang ngayon,nanatiling mailap Kelan ba babalik sa dati ang lahat? Isa lang naman ang hiling ng pusong nalulumbay Makasama kita habang buhay! Tanda ko pa kung gaano tayo noon kalapit sa isa't-isa Pero nagbago ang lahat ng mahulog ako sayo sinta, Hindi ko sinasadyang mahalin ka— Yan ang tangi kong nasambit Ngunit di mo pinakinggan kahit na aking ipinilit, Lumayo ka't iniwan akong nag-iisa Sa gitna ng kawalan,iniwan **** nagdurusa Kelan ka babalik?Hindi ko na kaya! Pagkat sa bawat araw na magdaraan Lumalalim ang pag-ibig na nararamdaman Kahit na aking pigilan— Mahal,Hindi ko matiis na wala ka! Kahit na ba nasanay na sa pag-iisa Ikaw pa rin ang hanap sa tuwina.. Isang taon akong nagtago ng nararamdaman Ngunit tila habang buhay ang epekto ng iyong nalaman! Ang nais ko lang naman,makapiling ka Kahit na alam kong may mahal kang iba— Oo,ako na yung Tng! Masisisi mo ba ako? Masama bang mahalin ang isang tulad mo? Siguro nga tayo yung matatawag na "pinagtagpo ngunit di itinadhana" Kaya siguro din,dapat na akong magpalaya, Alam kong sa iba ka nakatadahana Nagkamali lang si kupido sa pag-asinta ng kanyang pana Kaya mahal, ang tanging hiling ko bago tuluyang umalis, Maari bang ibalik yung "dating tayo"? Bilang " magkaibigan!"— ano ano na namang iniisip mo! Susubukan kong pigilan ang pusong makulit At patawad mahal,sana'y di ka na galit... :)
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:14 PM UTC
"Mag(-)ka(-)ibigan (TAYO)"

40
May mga klase ng pagmamahalan Pagmamahalan na sinimulan ngunit hindi hanggang huli Pagmamahalan na sinimulan at hanggang huli May pagmamahalan din naman ng katulad ng atin Hindi naman sinimulan ngunit, subalit, datapwat, kailangan tapusin Dahil kahit paulit ulit kong isugal ang puso ko Alam ko sa huli talo pa din ako dahil hindi lang naman oras at panahon ang kalaban ko Pati na din ikaw at siya na mahal mo Gusto ko man ipagsigawan na mahal kita Mahal kita kahit nakaakibat dito na ayoko na Mahal kita kahit alam kong siya pa din ang pipiliin mo sa aming dalawa Mahal kita Mahal kita Mahal kita --- kahit walang tayo Ay mali, ikaw lang pala at ako Kasi sa simula palang wala naman akong matatawag na tayo Walang tayo na pinaglalaban ko Walang tayo na dapat tapusin ko
0
Jul 21, 2017
Jul 21, 2017 at 6:59 AM UTC
Klase ng Pagmamahalan
At sumibol ang mga mapagbunying isipan sa makapal na balat ng lupa. ang pinagtatakhan ko lang ay bakit tila tinatangay tayo ng malakas na daluyong ng karunungan patungo sa dagat ng kalituhan? ito ba'y matatawag na kamangmangan sa sarili o sakit na nagdudulot ng panghihinang tumayo sa paa, na taas ang noo, at may pagkukusa? ano nga kaya ang nagtatago sa likod nitong makulay na isipan? nanatili ang karamihan na pikit-mata sa pagtanggap ng mga kaisipan ng kapwa habang ang iilan ay abala sa paghubog ng mga bagong panaginip na syang lililok o lilipol sa buong sanlibutan. hindi man sinasadya, o inaasahan, nagsilbing mantsa sa puso't puson ang mga panaginip na ito. kahit na sa mga pagkakataong sarado tayo. walang malay nating sinasagap ang mga pakalat-kalat na talino na para bang pagkain kung ito'y manukso sa nagugutom na kalamnan. kahit pa ito'y ikamatay, mapagbigyan lamang ang uhaw na nararamdaman. hanggang sa tuluyan na itong umalipin sa sinumang magtangka na kumawala. o sumpa ng galit na apoy ng nagbabagang impyerno? tayo lang ang inaasahang sumaksi, maging alin mang panig ay tama o mali. malaya tayong mag-isip at mawalan ng saysay na parang alikabok sa higanteng pusod ng mabangis na lipunan. o kaya naman, palihim na sumibol sa gitna ng disyerto kahit na nag-iisa.
0
Aug 18, 2020
Aug 18, 2020 at 9:48 AM UTC
Henyo
Sino dito ang naniniwala sa pag-ibig? Sino dito ang hindi na naniniwala sa pag-ibig? Sino naman dito ang hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng pag-ibig? Sino naman dito ang may alam ngunit hindi pa handa para sa pag-ibig?; alamin na natin Hindi ito matatawag na pag-ibig kung ika'y inilalagay, Sa pagsuway. Hindi ito ang tamang pagmamahalan 'Pagkat ito ay makasariling desisyon at makasalanan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sa umpisa matamis Ang tunay na pag-ibig ay nakapagtitiis Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo Ang tunay na pag-ibig ay tumutupad ng pangako. Ngayon kaibigan Maaari mo na bang sagutan Ang aking katanungan Ang talata sa unahan
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:07 AM UTC
II. Tunay Na Pag-ibig
Isang araw na napakaganda, Malamig na klima pagmulat ng mga mata, Pagpatak ng ulan na tila musika, Mistulang himig na kay tamis sa tenga. Ano pa ba ang kukumpleto? Sa umagang matatawag kong "perpekto", Ano pa ba ang pupuna? Kung wala namang pagkukulang na nakita. Isang dilag na may kasuotang itim, Ang nasagi sa aking paningin, Kagandahang hindi ko mawari, Ang sa utak ko nanatili. Hindi maalis sa aking isipan, Ang katauhan sa likod ng kasuotan, Kulay na itim at iyong kagandahan, Timplang sakto, tapos ang usapan. Ako'y nagulantang nang nakasalubong ka, Nabigla sa aking nakita, Nakalimutan paano magsalita, Pag-iisip ay di na maitama, Ang talang matagal ko nang tinitingala, Ngayon ay kumikinang, di ko na makita, Talang nais kong maabot, Pina-igting na damdamin ang naging dulot.
0
Jan 4, 2018
Jan 4, 2018 at 6:52 PM UTC
Itim
Di ko aakalain na sa iyo ako mahahanga Sa dinami-raming mya babae na aking nakikita, Ang iba'y kasing talino ni Einstein o kasing ganda ni Catriona Ikaw na nga babang binigay sakin ni Tadhana? Ako'y paunting-unting nahuhulog sa bawat oras tayo'y magkasama, Di ko kayang malimot kahit aking sinubok. Pero bakit ako natatakot? Gusto ko rin magkaroon ng tayo pero ba't di ko magawa? Ang puso ko'y namumuhay parin sa nakaraan. Patuloy parin tumitibok sa taong aking pinangakuang Hihintayin ang araw na muli ko siyang matatawag "aking mahal". Huhintayin ko pa ba ang araw na iyon dumating? Kung pwede lamang ligawan kayong pareho'y gagawen ko Kahit isa lamang ang pwedeng manatili sa king puso. Sabihin niyo na tanga ako magmahal ay la kong pake, dahil ito'y aking alam. Sino ba ang pipiliin ko? Ang nakaraan o ang ngayon?
0
Jan 21, 2020
Jan 21, 2020 at 6:14 AM UTC
Nakaraan o Ngayon?
Siya ay walang pakialam Kung ano man ang sabihin ng iba Basta ang importante Buong paligid ay masaya Ngayong gabi, umupo ka na Sa kanyang tabi, tinitigan pa Ang kanyang mata na para bang May gustong ipahiwatig At unti-unting  lumalapit Ang labi natin na nasasabik Na matikman niya ang iyong halik Ngunit 'di mo 'to matatawag na... Isang pag-ibig
0
Feb 14, 2018
Feb 14, 2018 at 1:09 AM UTC
Isang pag-ibig.
Matatawag bang kausap? Taong nasa iyong harap Kapag isip ay sa ulap Kahit na ano pang sikap Bagamat sadyang mahirap Kung salita'y hinahanap Bibig man ay bumubuka Pero agad nawawala Sa mga tingin ng mata Na nais lang na makita Sasabihin na'y nakuha Dahil sa kariktang dala Pagka't hindi naman sanay Sa pagbibigay ng kulay Ng aking mumunting buhay Ngunit laging nasisilay Ang ngiting nananalaytay Sa maliliit na bagay
0
Oct 9, 2019
Oct 9, 2019 at 4:55 AM UTC
Tingin ang Magsasabi