Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marge Redelicia Jun 2015
ang pangalan niya ay jesus.
oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus.
seryoso ako.

si jesus
ay siyang dalaga,
morena, kulot ang buhok.
ang lalim ng mga dimples at
may mga pisngi na kay sarap kurotin.

parang musika ang himig ng kanyang tawa
at hindi kumpleto ang kanyang mga bati
kung walang kasamang yakap na kay higpit.
hindi ko gets kung bakit
hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal.
at nakakatawa lang kung paano
lagi siyang may baon na sachet ng bear brand
na pinapapak niya kapag siya ay naiinip.

si jesus
ay isang iskolar,
magna *** laude standing,
bise presidente ng kanilang organisasyon.
balak mag law school pero may tumanggap na
nakumpanya sa kanya sa bgc.
meron din siyang mayamang boyfriend na
hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi.

huwebes ng nakaraang linggo,
bandang alas dyis:
si jesus
ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay
walang malay
nakahandusay sa kalye.
sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri.
ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus?
heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning?
kulang lang ba sa tulog o pagkain?
walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus.
normal lang daw ang kanyang kalagayan
maliban lang sa paghinga niya na
tila humihikbi pero walang luha.
ilang oras din ang nagdaan bago si jesus
ay tuluyang nagising.
ang sabi ng doktor tungkol sa kanya:
depresyon, malubhang pagkalungkot
ang tunay at nag-iisang sanhi.

dahil kay jesus,
napagtanto ko na
hindi porket nakangiti,
masaya.
hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi,
wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata.
hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka,
hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama.
hindi porket parang musika ang kanyang tawa,
hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka.
kasi
hindi porket masigla,
hindi na napapagod.
hindi porket matapang at palaban,
hindi na nasasaktan.
hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay,
wala nang mga sariling pangangailangan.
hindi porket matalino,
ay may alam.

dahil kay Jesus,
ako'y namulat
na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko
na nagsusuot ng mga maskarang pantago
sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit.
sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at
kung ano-ano pa mang sukatan ng galing
kung saan kinukumpara natin ng ating sarili
may isa palang
nabubulok, naagnas
na kaluluwa.

dahil kay jesus,
ako'y nalulungkot.
mata ko ay naluluha,
puso ko ay kumikirot
na may mga tao palang katulad niyang
naglalakbay nang di alam kung saan pupunta.
nangangarap na huwag na lang magising sa umaga.
nakuntento na lang sa wala.

dahil kay jesus,
ako'y naiilang
na ang nagaganap sa aking harapan
sa loob ng paaralan, bahay, o opisina
ay hindi tama.
maling-mali na
ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong
sa selda ng anino at lamig.
hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana.
hindi ka ba naiinis?

dahil kay jesus,
may apoy na nagpapaalab sa aking galit
nagtutulak sa akin na tumakbo
hangga't hindi natatama ang mali.

at lahat 'yan ay
sapagkat alam ko sa aking isip at puso na
dahil kay Hesus
lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli.
ilalapag na lang sa harap Niya
ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman.
wala nang pagpapanggap.
buong tapang na ipagmamalaki na
ito ay ako.
kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging
ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay
ay tanging
sa Kanya nakasalalay.

dahil kay Hesus
may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip.
banayad ang layag
anumang dumaan na bagyo.
matatag nakakatindig
kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo.
dito sa dagat na kay lawak at lalim
hindi lalangoy,
kundi maglalakad, tatakbo,
lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon.

kay Hesus
may liwanag na pinapanatiling dilat
ang aking mga mata.
ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan,
hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa.
hindi makukuntento at matatahimik.
hindi tatablan ng antok.
araw-gabi,
ako ay gising.

dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid
na kailanman hindi mo masisikmura at matatanggap
ang kanilang sakit.
tulad ng dalagang si jesus
gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi.
pero ang mayroon tayo
ay ang lunas, ang gamot,
ang sagot mismo.
tagos sa balat, sa puso diretso.
ang gamot ay ang dugo
na dumaloy sa mga palad Niya.
ang pangalan Niya ay Hesus.
*Hesu Kristo.
a spoken word.
Ano ba? Nakakatawa!
Ano ba? Nakakainis na!
Ano nga ba tayong dalawa?
Nalilito na ako sa kung ano nga ba
Ano nga bang ang kaibigan?
Hay nako, aakbay-akbay na...
Ano ba ang iyong mga ginagawa?
Ano nga ba ang aking ginagawa?
Ano nga ba ang mga kalokohan nating dalawa?
Mas maganda na hindi na lang tayo nag-usap.
Mas ginusto kong nakikita na lang kita palagi,
Gusto kong masaya ako na walang masama sa huli
Mas ginusto kong makita ka na lang sa maskara mo,
Sa maskarang **** bawal tanggalin.
Kaibigan mo nga ba talaga ako...?
O laro at loko-lokohan lamang?
Oo, itinuring kitang kaibigan dati,
Oo, kaibigan nga ang ngalan ko sa’yo.
Hindi ko napapansin ang puso kong
Nahuhulog na lang bigla sa ating mga ginagawa.
May mga kaibigan kang babae?
Akala ko ba ako lang. Hahaha.
O ano? Nagseselos ka na?
Gusto kong kasama ka,
Mag-isa lang tayong dalawa.
Tahimik pero maraming kalokohan.
Ano ba tayo? Laging yun ang tanong.
Isang tagahanga lang ba ako sa aking idolo?
Isa ba akong kaibigan na kinaiinisan mo.
Minsan mas magandang mag-isa sa malayo.
Yung hindi ka nakikita pero naaalala...
Oo, malungkot. Wala namang taong naging permanente.
Pero ang mga bakas nila sa aking puso,
Nakabakat parin, dinadaluyan ng aking mga luha.

Baka bukas, hindi na ito maging normal.
Kasi baka sa susunod na mga araw,
Iba na ang depinisyon ng masaya.
Masaya akong nakasama rin kita, aking mahal na kaibigan.
Napapaibig ako pero ang mata ko’y nakamulat pa.
Kasi alam kong hindi ngayon.
Anim na taon na ika’y mas nakatatanda.
Pero kalokohan nating dalawa ay pambata.
Minsa’y hindi mo na maiintindihan pa.
Oo, sumosobra na rin ako, noon pa.
Ano ba ako sa’yo? Kasi kaibigan ka sakin.
Ano ba ako sa’yo? Iyong tagahanga lamang ba?
Oo, mas ginusto ko pang hindi lang kaibigan,
Pero mas ginusto mo ata akong kausap mo lang.
Gulong-gulo na ang isipan ko.
Sino nga ba ako sa'yo?
Nakakainis na lang minsang hindi ko mapigilan,
Ikaw. Ikaw. Ikaw. Puro ikaw.
Mga litrato mo, nasa phone ko. Puro ikaw.
Pero nakakapagod na magmahal...
Ng mga taong hindi mapapasa'yo.

Ano ba! Ano ba!? Ano ba!?
This is what you get after talking to your idol. </3
070616 #12:27PM #ElNido

MAKATA ang lenggwahe ng pusong umiibig,
MAKATA ang katauhang ikinubli ang malasakit,
MAKATA ang kasarinlang may dalisay na panalangin.

Patungo sa may lalang na may misteryong grasya,
Kanyang isasakatuparan ang mistulang imposibleng eskima --
MAKA-DIYOS ang MAKATA.

Para sa pahalang na pakikitungo
Sa madlang baluti'y maskarang may bahid na kayumanggi --
MAKATAO, siyang daing ng MAKATA.

Sa Perlas ng Silanganang winawagayway ang bandila,
At sa udyok ng romantikong lupaing sinilangan --
MAKABAYAN ang pagpili ng MAKATA.

Heto ako't kumakatok sayong pintuang walang susi,
Pagkat kandado mo'y makasarili sa'king galak na pagbati.
Ikaw ang simbolo ng kabuuan ng pag-ibig na hinaharana,
Habang ako ang pariwarang napuno ng "baka sakali," o Sinta --
MAKA-TAYO ang MAKATAng may puso.
A Feb 2016
Ikubli mo ang kasinungalingan
Sa ilalim ng mga basang unan
Dinusta ka na ng ilan
Ano ba ang katotohanan?

Nakangiti ka sa umaga
Ngunit pakiramdam mo'y gabi pa
Tila inaantok pang kaluluwa
Katawan ay naka kadena sa kama

Hindi sapat ang init ng kape
Maski awit ng paghele
Sa silid na madilim
At mga bulong na nakaririmarim

Nakakalulang bangin
Nagpatihulog sa hangin
Pakpak ang maskarang nakatapal
Alay sa mga palalong pabanal

— The End —