"masasagot" poems
Hindi ikaw ang aking mundo.
Ikaw ay parte lamang ng aking kwento.
Hindi ikaw ang kalawakan.
Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan.
Hindi ikaw ang buwan
Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan
Hindi ako isang puno
Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo.
Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala
Ay hindi maghihilom basta- basta
...
Kaya ako na ang hihinto, lalayo,
Ang magsasara ng pinto.
Ako na ang susunog ng tulay,
Ang puputol ng nag-uugnay.
Ako na ang bibitaw
Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw,
Ng bugso ng damdamin,
Ng tukso at mga tinagong saloobin.
Hindi naman maayos
Ang hindi sinusubukang i-ayos.
Kaya tama na nga siguro
Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko.
Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot,
Sa puso kong puno ng takot
Sa paglisan at pagbitaw
Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw.
Paalam na sa mga pangakong napako,
Sa mga katagang "walang magbabago",
Sa mga salitang binitawan
Ngunit hindi mo napanindigan.
Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan."
Paalam na sa lumabong pagkakaibigan,
Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan.
Paalam na sa sakit at pait
Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit.
Paalam na sa labing-apat na taon.
Masasakit na alaala'y aking ibabaon.
Iiwan ka na sa nakaraan.
Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan.
Sa pagiging estranghero nagsimula,
Estranghero rin akong lilisan.
Ito na ang huli kong paalam.
-41-
Jan 17, 2017
Jan 17, 2017 at 2:59 AM UTC
Kamusta kana?
Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala.
Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata
Nuong ako'y iniwan **** nag-iisa.
Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama.
Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina.
Akala ko dati ay di ko makakaya,
ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka.
Mahirap sa umipsa,
Pero nakaya
Mahirap sa umpisa, oo
Parang nilibing at hinampas ng troso.
Ako'y litong lito
hindi alam kung bakit ganito
Kung bat nilisan mo...
"Sana pala pinigilan kita
para ngayon para ika'y kasama parin
at nasa tabi ko padin."
Yan ang aking hiling sa unang linggong
ika'y hindi kapiling.
Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin
Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin.
Mahal wag mag-alala
kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka.
Mas malakas na ako
kaysa sa dating nakilala mo.
Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa
Mas kaya ko na.
Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko
"paano kaya ikaw parin ay nandito?"
"Magiging kompleto kaya ang araw ko?"
Pero ang sagot ng isip at puso
"Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan.
Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan.
Naging makata ka paminsan minsan."
Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan
Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman.
Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan,
"Huwag **** pabayaan ang iyong kalusugan"
Aking huling habilin bago ka lumisan.
Tinanong ko parin ang aking sarili minsan,
"Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?"
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan.
Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking na lamang dinagdag sa tulaan.
Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito.
Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo
Ang pagdurusang pinagdaanan ko
nang mawala ka sa piling ko.
Ang mga pangakong binitawan mo
para bang naglaho
Pero kahit masakit ang ginawa mo
Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko
Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo.
Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal
Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal.
Sadyang ikaw lamang ay minahal
kahit na isang malaking sampal
na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan
na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal
kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan.
At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan.
Sana'y iyong malaman,
na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan.
Sana rin iyong malaman,
ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:31 PM UTC
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi,
Malakas man, mahina o pag-pipigil
Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang
Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan
Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog
Sabay tayong lumuha
Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan
Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban
Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan
Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo
Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan
Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig
Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos,
Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit
Narinig ang bawat kilos at galaw
Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri
Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto
Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw
Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
Apr 8, 2019
Apr 8, 2019 at 8:41 AM UTC
013017
Hindi ako humihingi ng bago sayo
Pero inabutan mo ako ng blangkong papel
Siguro nga, siguro nga wala kang sinabing magsulat ako
Pero heto ako't isinasatitik pa rin ang bawat tulang naging misteryo sa puso ko.
Hindi ako humingi ng espayo sayo
Pero binigyan mo ako ng patlang --
Mga patlang na hanggang ngayo'y walang sagot
Mga patlang na hindi ko alam kung laan ba sakin
O sinadyang ipadaan lamang sa mga kamay ko
Para lang may maisulat ako ngayon.
Hindi nawalan ng tinta ang panulat ko
Pero tila naubusan ito ng dahilan para magsulat sa mas marami pag mga pahina --
Mga pahinang hindi ko alam kung pinunit mo na rin ba
Hindi ko alam kung ginusot mo na ba
O baka naman ipinadaan mo na sa apoy
At oo, natupok na ang lahat
Pero sariwa pa rin sa akin ang bawat linya ng talata
Siguro nga, siguro nga hindi ko kabisado
Sa kung papaano ako nagsimula
O paano ako nagtapos sa piyesang iyon
Pero ang alam ko -- ayoko na.
Ayoko na -- ayoko nang bumalik sa umpisa
At halukayin na naman ang nakaraan
Yung katulad ng dating magmumukmok ako sa sulok
Sasabay ang luha sa pagpatak ng ulan
Sasabay ang takot sa kulog
Sasabay ang galit sa kidlat
At wala -- wala na naman ako.
Ngayon, naisip kong sa dulo magsimula --
Sa dulo kung saan ay bago na ang lahat
Oo, hindi naman nabubura ang sakit
Pero kaya itong lagpasan
Malalagpasan kasi pinalipas na ang panahon
At hinilom na ang lahat --
Oo, napatawad na kita.
Sabi nila, nasaktan na raw ako ng sobra
Wag ko na raw balikan kasi nga baka di ko na kayanin
Tama na raw, kasi nakakaawa na raw ako
Ano raw bang meron sayo na minahal kita
May mas magmamahal pa raw sa akin
Mapapagod lang daw ako
Sasaktan mo lang daw ako.
Pero alam mo, iba ang sabi Niya --
Na patawarin kita
Na binura Niya na ang lahat ng sakit sa puso ko
Na wag akong magtanim ng sama ng loob
Na pinalaya Niya na ako
Na higit na magtiwala ako sa Kanya
Na muli akong magtiwala sayo
Na wag akong matakot magmahal muli
Na wag akong matakot masaktan
Na lagi kitang ipanalangin.
Sa totoo lang, hindi ko alam
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng dahilan
Kasi pag tinanong mo ako kung ba't kitang mahal,
Wala akong masasagot sayo --
Basta, basta mahal kita
At mas mahal ko Siya --
Doon Niya tayo ipinagbuklod ng pag-ibig Niya.
Jan 30, 2017
Jan 30, 2017 at 9:10 AM UTC
Isa. Dalawa. Tatlo.
Itigil nalang natin ito.
Mag isa akong naglakad palayo,
nilisan ko ang ating nakasanayang tagpuan
kung saan naiwan kang mag isang nakaupo at luhaan.
Pasensya ka na, kailangan kong gawin ito.
Kahit anong kausap mo pa sa mga tala't buwan
wala nang babalik sayong mga yakap, wala ka nang mahahagkan.
tama na, aking sinta. alam kong nasasaktan ka na,
tahan na, tigil na.
Mahal kita. Yan lang ang kaya kong isagot sa bawat tanong
Mga tanong na hindi ko na masasagot,
mga tanong na ibabaon mo nalang sa limot
malapit na, maiintindihan mo na.
Ayoko na. Ayoko nang makita ang yong mga mata
matang umiiyak sa tuwing ipapakilala mo ulit ang sarili mo saakin.
Ayoko na. Ayoko nang maramdaman ang iyong yakap sa tuwing hindi ko maalalang ikaw ang aking sinisinta.
Ayoko na. Ayoko nang mahirapan ka, gusto na kitang maging malaya.
Ipangako mo saaking mag hahanap ka ng iba.
Ipangako mo saakin na sasabayan mo kong kalimutan ang ating mga ala-ala.
Ipangako mo saakin na tatanggapin **** mawawala na ko sayo
at ipangako mo sakin na kakalimutan mo ako.
Pasensya ka na, hindi na kaya ng utak kong alalahanin ka,
Pasensya ka na, pero pinapalaya na kita.
Nagmamahal, Tres.
Apr 3, 2018
Apr 3, 2018 at 12:24 PM UTC
Pilit inuunawa takbo ng tadhana
At mga pangyayari na pilit winawari
Sa aking mundong ginagalawan
Tadhana'y pilit kinakalaban
Upang mga pangako'y manatiling buo
At hindi kailan man mapapako
Ikaw ay aking nakapiling
Sa ilang araw na nagdating
Saksi ang buwan at bituin sa aking hiling
Na sanay hindi dumating
Ang araw na ika'y mawala sa aking piling
Iyong pangako ay aking panghahawakan
Kahit minsan ako'y nasasaktan
Sa mga araw na iyong kinukubli
Iyong kataohan sa akin
Teka teka sino nga ba ako?
Ano nga ba ako sayo?
Mga nangyayari'y napakagulo
Pilit kong inaayos ang lahat
At iniiwasan kung sino ang dapat
Ngunit bakit parang hindi sapat?
Kailan kaya masasagot aking mga katanungan?
Na kadahilanan ng aking minsang paglaho
Kailan ko kaya makikilala ang iyong buong katauhan?
Na kadahilanan ng aking pagiging toliro
Jun 2, 2020
Jun 2, 2020 at 12:09 PM UTC