Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"marahan" poems
Ikalawang Kurap Tinatahak ko ng marahan ang isang makinang na landas sa gitna ng mga taong alam kong nananalig din. Hinihila ko ng pilit ang dalawang talampakang hindi dumarampi sa sahig na katulad ko’y nakatingala din sa langit. Ang aking mga palad ay magkaniig at ang mga daliri’y kayakap ang isa’t isa. Naiibsan ang sakit ng aking mga sugat ng nalalanghap kong halimuyak mula sa mga puting bulaklak sa paligid. Tila piraso ng langit ang dambanang ito na kung saan sinasabing tutuparin ang lahat ng mga kahilingan mo at papawiin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas ng kahit na sino. Sa lugar na ito nakalilimutan ko ang lahat ng hapdi at pagod na nararanasan ko araw-araw para bang unti-unti niyang hinuhugasan ang buo kong katawan at binibigyan ako ng bagong lakas at pag-asang harapin ang isang bagong bukang liwayway. Habang nananalangin ay napansin ko ang mga matang natuon sa’kin nagmamasid - tila kunot noong nagtatanong kung bakit ang basahang tulad ko na tinalikuran ng lipunan at inaring kanlungan ang lansangan ay naririto’t naninikluhod sa harap ng dalanginan. Alam kong ako’y kanilang napupuna ngunit sila’y bulag. Niyayanig ng aking mga dasal ang buong simbahan ngunit sila’y bingi. May kung sinong hindi ko naaninag ang umakay sa’kin patungo’t papalapit sa dambanang ginigiliw. sa bawat hakbang ay bigla kong naalala ang lahat ng pagdurusa at nasambit ang "salamat sa lahat ng pag-asa." Nilingon ko ang larawan ng madlang dukha’t kaawa ngumiti at binitiwan ang aking huling hininga.
0
Jun 18, 2015
Jun 18, 2015 at 11:44 PM UTC
"PIKIT-MATANG LIPUNAN"

Continue reading...
19
Kasabay ng patak ng ulan Ang luha kong umaagos nang marahan Damdamin ay nasasaktan Panibugho kong di tumahan Bakit ako'y pinagpalit Palagi naman sa iyo ay mabait Minahal kita nang higit pa sa iyong nalalaman Pagmamahal na iyong pinabayaan Ikaw ang aking pinipintuho Kahit sasalungatin ng bagyo Di ako mapapadaig Delubyo man ang maging dulot nito Ang putik sa mga paa kong dumidikit Ay parang pumipigil sa paghakbang Kahit mabubuwal sa daan Patuloy pa rin sa paglakad Sa tuwing iniisip ka Nalulungkot ako't humihikbi Ang pait ng dagat At ang alon ay sampal sa pisngi sapagkat iba na sa iyo ang nagmamay-ari Matalim ang bawat pagaspas ng mga dahon Ang mabanayad na awit ay nagdadagdag ng sakit Habang sa silong nag-iisa Nalulumbay ako nang inaalala ka Ipikit ko man ang mga mata Ay hindi tinakpan na bituin sa gabing maulan Sapagkat maaliwalas gaya ng batis Ang kagandahan mo na nagniningas Kaya pagkatapos ng ulan Sa silong ako'y pabayaan Iniwan mo sa akin ang awitin ng damdamin kong umiibig
0
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 9:46 PM UTC
Kasabay ng Patak ng Ulan
Maria, ang Ibarra na 'yong inirog At pag-ibig na nalimot Ay muling umahon sa ilalim ng ilog At ako'y ginising sa aking pagtulog Ang iyong kwento'y tila nauulit Ikaw Maria Clara, siyang naging kapalit At ako si Ibarrang nasasaktan nang labis Dahil kay Linares na di maalis Ikaw ang Modernong Maria Clara Masiyahin, mabuti at mganda At ako si Crisostomong Ibarra Walang pinagkaiba Hanggang sa kasalukuya'y di ka makuha Ikinasal sa bayan at mga pangarap Patawad ngayo'y di kita maharap Ika'y isang malayong pangarap Na sa mga kurso'y di ko mahagilap Anupa't ika'y nakangiti ngayon Ngunit huwag gayahin ginawa ni Clarang noon Maging masaya ka sa sa piling ni Linares na iyong **** Habang ako'y magdurusa sa loob ng marami pang taon Saglit at sa loob'y nagkakasiyahan Tugon nila'y marahan sa aking nararamdaman Musikang ngayo'y kakampi Dusa sa di makuhang pulang mga labi Kung darating man ang panahong "Ikaw" Hiling ko'y maging masaya at di mapanglaw Mukha mo sa puso ko'y di manakit at manghataw Sa di pagtingin sa king mata Wari ko'y alam mo na Ang aking tunay na nadarama Mahal kita Maria Clara, Paalam na
0
Jul 15, 2016
Jul 15, 2016 at 2:22 AM UTC
MARIA CLARA
Sa taong ito, hindi naging madali ang lahat Maraming suliranin, magulong mundo, makalat. Milyun milyon ang mga nasawing buhay Nawalan ng trabaho't ikinabubuhay. Bilyon bilyong mga tao ang nagluksa Sa mga buhay na biglaang kinuha Mga taong namatay dahil sa pandemya May mga nasawi rin dahil sa kalamidad at trahedya. Hustisya! Iyan ang sigaw nila Kay hirap abutin ang hustisya lalo na kung ika'y isa lamang maralita Na walang kakapitan Kaya't walang kalaban laban. Lahat ay humagulgol, nasaktan, nasugatan, Ngunit nakayanan pa rin nating ngumiti habang ang kahirapan ay pasan. Nakaramdam tayo ng paghihinagpis at pangamba Na para bang hindi na matapos tapos itong nararanasan nating sakuna. Nais mo ng sumuko, Ngunit habang pinagmamasdan mo ang mga bagong bayani ng mundo, Lumalaban sila para sa ating kaayusan at kalusugan, Sa kabila ng pagod at hirap na kanilang pinapasan. Kaya't dali dali **** pinunasan ang iyong luha Nanalangin at nagtiwala ka sa Ama Sapagkat Siya lamang ang makakapaghilom sa lahat Magtiis lamang at sa Kaniya'y magtapat Marahan mo nang isara ang huling pahina ng libro Sa isang kwento sa taong ito Ipangako **** sa susunod na taon, Lalo ka pang magpapakatatag sa lahat ng darating sa buhay na mga hamon. Gayunpaman, taglayin mo pa rin ang pusong mapagpakumbaba Habaan pa ang pasensiya Magpasalamat sa Ama sapagkat hindi ka niya hinayaang mag-isa Palakpakan mo rin ang sarili mo sapagkat hindi ka sumuko.
0
Dec 31, 2020
Dec 31, 2020 at 7:45 AM UTC
2020
Gumising ng maaga para sa pagsusulit sinumpa ang pagpupuyat at hindi na uulit sa tabi ng kalye ako'y nagaabang ng jeep na masasakyan isang istudyante lang po, bicutan bababa kaya sais lang yan sa pagbagtas ng hari ng kalsada sa daan papalapit sa simbahan at huminto ng marahan isang babaeng grasa  sa jeep ay sumampa sa sobrang payat daig pa ang isang batang lampa mata'y nanlilisik at nagsusumiksik sa gilid sa utak ay may pitik ng takot at kwentong nakakaantig dumi sa katawan hindi mawari kung sinong nagpahid o babaeng grasa sa akin ngayon siya'y nakatitig hindi natuwa ang piloto ng sasakyan minura ang babae sabay dampot ng kawayan sa tanranta ng babae, di alam ang kalalagyan isang mabilis na habulan!, isang matinding awayan! sinambit ng maruming labi ang bawal na salita mapanghamon ang babaeng grasa, tila nagbanta walang laban sa piloto parang gulay na lanta may pagmura sa pagbaba, sabay banat ng isang kanta ang istorya sa jeep para sa akin ay tapos na kalbaryo ng babaeng grasa patuloy na naguumpisa wala sa katinuan, di nawawalan ng gana pagtahak sa magulong buhay siya ay nagiisa babaeng grasa
0
Oct 2, 2010
Oct 2, 2010 at 8:35 AM UTC
Babaeng Grasa
Unti-unting naghahari ang dilim Sa sulok ng lumang kamalig Isang papel at lapis na hinahawakan nang mahigpit At ang buwan ay sumisilong Sa anino ng mundo Batbat ng bituin ang langit Sa bulag na panganoorin May galak na maiguguhit Sa kapintasan ng tinta Ang saysay ng buhay malilirip Sa kumukutitap na lampara Lahat ay nakapiring Habang sa luklukan ang gabi Nalilingid ang katotohanan Ngunit maaaring isulat ng pipi Luluha ang birhen Sa awit ng mga pipit Ang pagsasalaysay sa buhay Ay kapana kapanabik Kung may hirap at pasakit Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis sa lumulubog na kapalaran Umaaninag sa pawid at Sa mukhang nagugululumihanan Lumilipas ang sandali nang marahan Mahirap suyuin ang hangin Hindi madali ang mabuhay Magpatangay sana upang makalaya gaya ng lumulutang na saranggola sa habag ng gabi't tala
0
Oct 26, 2019
Oct 26, 2019 at 6:10 AM UTC
Saranggola sa Hating gabi
Ikaw ang alon at ako ang karagatan Sa bawat paghalakhak mo nagkakaroon ako ng kahulugan At sa pagkalma mo, mas lumalalim ang pagtingin ko sa mundo Sa marahan **** pagrolyo Gumagaan ako Huwag ka ng lumisan Dito ka na lang sa tabi ko Ang Bathala, ika'y kinalulugdan Sa mahinhin **** paghampas sa dalampasigan Kasabay ng ngiti **** pinatitingkad ng sinag ng buwan Sa marahan **** pagrolyo Gumagaan ako Huwag ka ng lumisan Dito ka na lang sa tabi ko Ngunit sa t'wing ika'y darating aasa akong muli Na 'wag ng lilisan bagkus ay manatili Hindi ka na papakawalan Dahil ikaw ang alon at ako ang karagatan
0
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 9:58 AM UTC
Alon
Sa bawat sandaling  pumapatak Isa lamang ang tiyak Mundo ay aking hawak Bulong ng isipang may pakpak Heto nanaman, heto nanaman Baliktad na yata ang aking orasan Puso't isip ay nagugulumihan Sa ilalim ng matirik na buwan Mga pangungusap ay di maawat Parang pangarap na pilit inaakyat Tumigil kana at ako'y napupuyat Isip ko na sa gabi laging nakamulat Ang nais niya ako ay diktahan Lasunin ang isip ng kasinungalingan Iwanang hubad at sugatan Patayin ng unti-unti at marahan Siya'y pilit na nakikipag-talo Ngunit hinding-hindi ako magpapatalo Sumikat na ang umaga't walang nanalo Ngunit tila mata ko yata ang talo JGA
0
Feb 15, 2019
Feb 15, 2019 at 12:53 PM UTC
Isang Gabi ng Pagtatalo
Lapis at papel aking pinangsibat Pinangsibat sa mga taong ayaw mamulat Mamulat sa mga bagay na sa mali nasadlak Nasadlak ma'y pakay ng tinta kong mahatak Mahatak sa tama't puso'y bumusilak Bumusilak di ang anyong mapanindak Mapanindak kasamaa'y kinakalat Kinakalat sa buhay ng iba'y nangwawasak Nangwawasak ma'y handa ang aking sibat Sibat na letra'y sa pusong bato'y tatarak Tatarak ng marahan makikiusap Makikiusap sanang papel ko'y nayurak Nayurak binalewala't mga letra'y nakalat Nakalat sandatang higit pa sana sa sibat Sibat na tinta'y nagdulot nga ng napakalaking sugat Sugat sa puso ng may akda nitong sulat... Written: June 27, 2014 Mysterious Aries
0
Sep 16, 2015
Sep 16, 2015 at 3:54 AM UTC
Kabiguan Nang Manunulat
marahan **** binitawan— kamay ko'y tuluyan mo nang pinakawalan ako'y hinayaang mag-isa sa kalawakan; magpalutang-lutang sa dalampasigan iniwan na lang kahit wala pa sa dulo ng hangganan binalewala lahat ng pinagsamahan o, aking sinta bakit ba'y hinayaan **** mapunta sa piling ng iba ang 'yong pangarap—yung taong pinangakuan **** ibibigay mo ang lahat ngayo'y naglaho na lang na parang bula ikaw at mga pangako **** nauwi lang sa wala ano man ang nangyari, ikaw pa rin ang aking tinatangi patuloy pa ring nagbabaka sakali na baka sa panaginip, landas nati'y magtagpong muli
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:48 AM UTC
tinatang(g)i
081721 Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag Na dumarampi sa aking mga pilik-mata Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit At pag-agos nang marahan Ng pawis na pilit kong ikinukubli Sa bawat pagtiklop ng hapon. Walang oras o segundong hayag Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli. Ni hindi ko magawang lumapit Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin Na para bang nais Nitong hingahang muli Ang buo kong pagkatao. Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang Minsang kumatok at pinagbuksan. Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang Walang ibang hiling Kundi sumapit ang takdang araw Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan Ng mga bulalakaw sa langit At may iba’t ibang kapaliwanagan. Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian At sa pastulang aking minsang sinuklian Ng Kanyang mga balak At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon At akin nang inaani nang may galak. Dumudungaw sa lente ng aking mga mata Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag. At tunay ngang ang mga luha'y papawiin At wala nang ibang maibibigkas pa kundi Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman. "Bubuksan Ko ang kalangitan, Maging ang buong kalawakan, Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo. Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo. Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik. Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin. Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag Sa pagsapit ng itinakdang oras.. At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad Sa landas kong laan para sa'yo. Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian Ay bukas para sa lahat, At ang dugong dumanak Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban. Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong Syang gagabay sa'yong mga pasya't Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay Na tanging pang-langit lamang. Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo, Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob.. At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko Ang lahat ng aking mga anak Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos. Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
0
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 5:47 AM UTC
The Space Between Us

67
Sa aking pagiisa alaala mo'y aking kaulayaw Ang dilim na bumabalot ay ang bisig mo Ang dampi ng hangin ay ang marubdob **** halik Hinahanap-hanap ko ang amoy mo Ang marinig muli ang iyong halakhak Maramdaman ang marahan **** paghinga At ang init nitong kumikiliti sa aking leeg Ang pakinggan ang musikang likha ng iyong dibdib Sa marahan at maharot nitong pagkabog Nilalangoy sa bawat tingin Manaka-nakang mapapapikit At ikaw nama'y patuloy sa pananaliksik Lulunurin kita sa aking panunukso Ikaw nama'y patuloy sa pagsuyo sa aking mga labi Nilalaro ang guhit sa iyong palad Inuukit ang ngalan at ang gabing iyon Nakasanayan na ang paghagod sa iyong buhok Linya ng pagngiti ay kabisado na Hinaharana ako sa gitna ng dilim Kay higpit ng iyong yakap At ako'y napapasinghap Bawat bahagi mo ay naging parte ko At bawat parte ko ay naging bahagi mo Tayo ay naging sanlaksa Nanganak ng mga “ako” Bumuo sa “tayo” ng uniberso … Maayos na ang kobrekama Malamig ang titig nito Punyal na tumatarak sa dibdib Dugo ang bawat paghinga Bakas ay nilamon na.. Tanging sa isip na lamang kita makakasama sa tuwina Nagngingitngit ang aking mga kamay Mata ay pilit sinasara Ang katotohana'y ikaw ay malayo na Pinalaya. Ikaw sana'y lumago Ang dilim ang magkukubli sa pagluha Ang hangin ang bibingi sa sakit Humayon ka ng mag-isa.
0
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 6:49 AM UTC
Vertigo
Noong bata pa ako Nalaman ko na Kung gaano katapat, Gaano katiyaga Ang puso kong marahan. Silang mga duwag, Sa'king mga katagang, sadya. Agad natinag, wika pa lamang. Siguro nga ito'y pamana Walang bahid malas Na ang buhay ay di para Sa isang tao lamang. Sa lahat ng aking napusuan Tama na ang pangalan Masaya siya, sapat na. Pero ba't sa t'wing natatanto Kanilang pagkakakilanlan Ako'y umaatras, Nawawalan ng gana. Isa, dalawang taon? Isang pitik, tumatalsik! Kaya minsa'y nagtanong sa itaas:                       *"Asan na siya?                     Asan na ang taong              Pagmumulan ng mga "sana"..."* Yung,                "Sana mas nakilala pa kita." Eto yung "talaga". Wala. WALA, PA.
0
Aug 18, 2015
Aug 18, 2015 at 3:22 AM UTC
Yung Talaga?
Marahan niyang pinitas ang Huling gumamela sa hardin. Kasama ang liham at lihim Ng puso, inialay sa paralumang Matagal-tagal ding itinangi, Itinangis sa tadhana, ng walang Hanggang paghilom at pag-asa. Anuman ang mangyari, patuloy na Idadako ang paningin sa pagtingin, Hindi sa hapóng damdamin, hindi Sa mga lamat ng puso, bagkus Sa alamat ng bagong pagsuyo, Paulit-ulit mang danasin ang guho.
0
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:21 AM UTC
Nang Magkamali si Kupido
maitim ang gabi patagong hikbi'y nagmumulto sa tabi nagpaparamdam, pasintabi kwentong nakaukit sa dilim binabalik-balikan, palihim umaasa nang mataimtim nawa'y bumalik sa takipsilim hangal mang maituturing alaalang matagal nang nakalibing ay muling bubuhayin, sinungaling eksena, alaala, nakakahumaling natapos na ang ulan maaari na bang tumahan magpahinga't lumaya nang marahan upang mabitawan, panandalian
0
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 2:06 PM UTC
Untitled
070221 Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran Ay gayundin nya inalis sa atin ang ating mga kasalanan. Para sa mga taong akala nilang mag isa silang lumalaban Sa mga taong tumatakbo’t napapatid ng kadiliman Sa mga taong naghahagilap ng katotohan. Sino nga ang ba ang tunay na saksi ng ating mga kamalian? Tayo ba’y tinutulak ng mundo papalayo sa liwanag? O tayo yung nananatiling tapat sa kabila ng mga kaguluhan? Marahan ang pag ihip ng hangin kung saan tayo’y patungo sa mga bituin Ngunit ang araw ay sasapit na ang Liwanag ay bubulag Sa harapan at walang pasabi na Sya ay darating. At kahit pa anong gawin natin sa mundong patikim lamang, Sana alam natin kung saan nga ba tayo nakatingin Pagkat tumatakbo tayo papalayo, naghihilaan pababa at pataas. Kailan ba tayo mananahimik at kusang magpaubaya ng lakas? Nang ang lahat ng ating alinlangan, sana’y makaya nating mawaksian Pagkat sa nalalabing mga oras, tayo ri’y mahuhusgahan.
0
Oct 12, 2021
Oct 12, 2021 at 11:51 PM UTC
Husgado
Kabado; Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan. Ang malumanay na ihip ng hangin ang naging pampakalma. Bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa ay seryoso. Walang pagkukubli ang puso Ang hindi mapirming mga yapak ay katumbas ng pagkasabik sa’yong yakap. Gabi, muli akong tumingala Walang palya ang ihambing ka sa mga tala. Kinukwento sa’kin ng mga kuliglig kung paano tatahakin ang ‘yong pag-ibig. Hindi ko kabisado; ‘Di alam kung pa’no babagtasin ang dagat na ito. Wari nila’y diyan matatagpuan ang pagmamahal mo ngunit, paano? Sinasamahan akong maglakbay ng inggit at takot Hindi madaling pamamangka ang sa aki’y bumabalot. Ang bigat ng pag-aalala ang maaaring magpalubog at malunod sa luha at panaghoy. Paano mapapanatili ang ningas ng apoy? Ano’ng solusyon sa pagkabahala upang magpatuloy? Hanggang sa itulak ako ng sapat na panahon. Muling humakbang ang hindi mapirming mga paa Humina panandalian ang ihip ng hangin Marahan ang pagkulbit ng mga buhangin. Matapang kong nilisan ang pampang Lakas ng loob, isang bangka’t panagwan Sabay naming idinawdaw ang aming mga sarili sa karagatan. Hayagang ibinubulalas ng langit na ako’y maging handa Malayo na ako sa pampang ngunit tanaw ko pa rin ang kaba. Ang pagkulog ay nagsimula na. Biglang pumatak ang ulan ng pagbabanta Dinig ko ang bulungan ng mga isda. Sambit nila’y masasayang ang pagbabakasakali Hantungan ng pakikipagsapalara’y wala. Galit na sumasayaw ang alon Ang kidlat ng kawalan ng pag-asa’y sa aki’y humahabol Pataas nang pataas ang sumasalubong na alon. Ang ‘di mawalang pagdududa ay nakikipag-unahan Umaakyat ang mga tanong sa’king isipan Kailan ko ba matatagpuan? Sabik na akong salubungin ang pag-ibig mo… … ang pag-ibig **** nasaan? Subalit, naghintay ako; Walang humpay ang paghampas ng mga alon Hindi natatapos ang pagtaas. Bawat pulgadang nadadagdag ay ang mga sagot sa’king katanungan At bigla ang pagtaob; Tama ang bilin ng mga kuliglig Ito nga ang natatangi **** pag-ibig Mapanghamon; ngunit presko sa pakiramdam. Ang sarap palang makamit ang matagal mo nang inaasam Pipiliin ko ritong manatili hanggang ako ri’y iyong matagpuan papagingdapatin **** ako rito’y manahan ‘pagkat kahit sa daluyong, kalmado akong magsasagwan. Kabado; Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan. Ang malumanay na ihip ng hangin ay naging pampakalma. Seryoso ang bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa. Walang pagkukubli ang aking puso ‘pagkat dito pa lang sinta, mahal na kita.
0
May 3, 2020
May 3, 2020 at 1:03 AM UTC
Daluyong

65
madilim ang kapaligiran dama ang katahimikan napatingin sa kalangitan abot tanaw ang kalawakan kay gandang pagmasdan mga tala at buwan tila nakahiga sa duyan hinehele ng marahan mata'y napapikit diwa'y kumalma ng saglit nanumbalik mga alaalang di mawaglit ninanamnam bawat kapit biglang napagtanto marami nang nagbago maraming dinanas na pagkabigo kaya bang buksan muli ang puso? mumulat at muling sisilay sa mga bituing nakalaylay Hihiling na sana'y pawiin ang lumbay at mundo'y muling bigyan ng kulay. sana'y hindi magsasawa sa paghiling at pagtingala hanggang sa dumating ang himala at matanggap ang pagpapala.
0
Mar 6, 2019
Mar 6, 2019 at 4:58 AM UTC
muni-muni
Sa pagitan ng mga panahong hawak mo ang aking kamay at inialay mo ang iyong bisig upang maging tahanan ko, minahal kita. Nang ilapat mo ang pangalan ko sa lirico ng isang awitin at ginawa itong atin, minahal kita. Noong tinupad mo ang pangakong samahan akong panoorin ang paborito kong palabas sa sine, minahal kita. Noong binago mo ang kulay ng pag-ibig at gawin itong bughaw, minahal kita. Nang maging laman ako ng mga isinulat **** awitin, minahal kita. At maging hanggang sa mga oras na tapos ka nang umibig, minahal pa rin kita. - Sa pagitan ng awang ng aking mga daliri, ramdam ko pa rin ang init ng kamay mo. Tumitigil pa rin ako sa tuwing sumusulpot sa radyo ang awiting minarkahan na ng pagmamahal mo. Nasa dulong bulsa ng pitaka ko ang tiketa ng bawat palabas na pinanood natin nang magkasama At kahit pagkatapos ng lahat ng tula at kantang naging supling ng parehong pagmamahal at pighating dulot mo, bughaw pa rin ang kulay na idinikit ko sa pag-ibig. Marahil hindi tagumpay ang sumalubong sa atin nang lumubog ang araw at mag-isa kong hinarap ang umaga, sapat na siguro ang mga naisulat na tula’t awitin upang maging pananda ng hindi natin pagsuko At nais kong paniwalaan na sa pagitan ng mga linya at lirikong ito, minsang nanahan ang pag-ibig. Buong pagkatao kong tinatanggap na ang pagmamahal ko na minsang naging rason mo ng pananatili ang mismong nagtulak sa’yong bumitaw. Marahan mo sanang isara ang pinto sa’yong paglisan. sa tangis at ligaya, -P
0
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 12:54 PM UTC
para sa minsang naging tahanan ko
Isang lubid na kung saan nagsimula ang lahat Naroon ang mga kamay nating nakahawak Kasabay nito ang marahan **** paghatak. Ramdam ko ang mariin nating pagkapit Mula nung unti-unti tayong sa isa't-isa'y nagkalapit Ngunit masyadong magaspang ang lubid Nanaisin kong bumitaw na lang sa ngawit at manhid. Nagkamali ata tayo nang kinuha Tingin ko nakalaan ang lubid na ito para sa iba Sapat na yung nakilala natin ang bawat isa Bitawan na natin ang katagang "akala natin tayo na para sa isa't-isa" Mas mabuti nang ganito Mas mainam kung bibitaw na tayong pareho Pasasaan pa't doon din naman tayo tutungo Kung saan ang ikaw at ako ay nasa magkabilang dulo. Bumitaw na tayo...
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 8:58 PM UTC
"Lubid"
Kahoy na inaanay Barko na butas Lumulubog ng marahan Kinakain ng dagat Sugat na nagnanaknak Balat na inaagnas Nauubos na dugo Sinisipsip ng linta Prutas na nabubulok Nabubulok ang lamang loob Malansang amoy na umaalingasaw Uod na lumalamon sa laman Tahimik na pumapatay Ngumunguya ng palihim Sinisira ang malusog na anyo Ang anyo ng huwad na katotohanan Nakasusuklam, nakasusuya Nakasusuka, mapait na lasa sa labi Ngunit walang luhang itatangis Hindi maghihinagpis Hahayaang mabulok Hahayaang mamatay
0
Aug 6, 2022
Aug 6, 2022 at 3:26 AM UTC
Pagkabulok
Itinudla sa puso ang palaso kung tumatagos at nagdurugo maaaring ito'y kapalaran na umaabay sa delubyo Tunay na paggiliw ang siyang magdudulot, magpuspos sa talaarawan ng saya't sigla sa likod ng kapighatian Sa silakbo ng pag-ibig ang nararamdamang umiinit Hindi marahan Masyadong mabagsik Kung gayon iba na ang ipinapahiwatig Tawag ng laman ay ang kalibugan at ito'y di kailanman maihahambing sa puso ng Pebrero na walang iba na mag-aangkin Mayroon na ang sinta ay itinatangi halos ang larawan sambahin sa araw at gabi nangabusog na sa dasalin Mas mabuti pa ang ganda na pangkaraniwan ang uri May kapintasan man ginusto pa rin at inibig Ang nabigo't nasadlak sa lumo Nang muli kumabig ay mas lalong naging matamis ang mga pagngiti
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 8:22 AM UTC
Puso ng Pebrero III
—at sa iyong hindi inaasahang pagdating, at sa pagkislap muli ng mga mata tulad ng bitwin— ay marahan mo akong hinagkan ang mga mahigpit **** bisig ang nagsasabi ng iyong pag-ibig— na hindi mabigkas ng iyong bibig. sapat na ang katahimikan na bumabalot sa ating dalawa— para marinig ko ang bulong ng pusong nagmamakaawa. sapat, at sobra sobra ang liwanag ng mga—bitwin at buwan para sa atin. ang musika na nililikha ng iyong paghinga— ay napapaindak ang puso kong pagod na. sa dagat ng mapaglinlang na mga ngiti— ay natagpuan mo ang nangungulila kong labi. at sa bawat pag dampi nito sa'yong noo'y— kusang namumula. tulad nang minsanang pagtatagpo araw— at buwan. wala, wala, at walang makakapigil nang pag-agos ko sayo, at hindi na hahayan na ang mga paru-paro— ay muli pang humayo.
0
Jan 13, 2021
Jan 13, 2021 at 12:32 PM UTC
hindi inaasahang pagdating
Sa panibagong yugto may giyera ng dugo Mga sigaw sa kaparangan ikinubli sa kalasag ng karahasan Kung ang tanglaw ng sulo'y ninanais ang digmaan sigalot sa diwa'y hinahabing marahan Titiisin ng talampakan ang init ng apoy babatakin ng putik, lulubog sa kumunoy Hanggang kailan titiisin ang hilahil ng tadhana? pagal na ang mga paa't tuyo na ang mga luha Kung ang dahas ng dapit-hapo'y patuloy na nasasaksihan liwayway ng bukas, kailan kaya masisilayan?
0
Sep 11, 2023
Sep 11, 2023 at 7:46 AM UTC
Panaghoy Sa Kaparangan
Sa isang maliit na pasilyo, ikaw ay dumaan. Napansin ang isang animo ay silid-aklatan. Dala ng iyong pagka-mausisa ay tinungo mo ang silid ng walang pag-aalinlangan. Marahan **** binuksan ang pinto. Dinig na dinig mo ang tila langitngit nito hanggang sa makapasok ka. Sa loob ay tumambad sa iyo ang nanari-saring mga imaheng minsan mo lamang nakita. Iginagala mo ang iyong paningin nang mga oras na iyon nang biglang umandap-andap ang liwanag sa dilaw na bombilyang naroon. Nakaramdam ka ng panlalamig. Nagsitayuan ang mga balahibo mo sa batok, kamay at paa. Takot at kaba ay pumailanlang at agad **** tinungo ang pintuan ngunit, hindi mo na iyon mabuksan. Ilang sandali pa ay napatitig ka sa isang aparador  na kasing tangkad mo lamang. Naririnig ng iyong mga tainga ang tunog na may kumaluskos sa loob. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kusang naglakad ang iyong mga paa sa kinaroroonan niyon. Kusang hinawakan ng iyong dalawang kamay ang hugis putol na sanga ng kahoy na hawakan ng aparador. Nang iyong mabuksan ay bigla ka na lamang nilamon papasok sa loob hanggang sa sumara ito at hindi ka na nakalabas.
0
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 1:54 PM UTC
Aparador