"mapungaw" poems
Hinawan niya ang sarili
Buhat sa duguang mga kamay.
Ang amang pinipitaga’y
N-a-p-a-t-i-r-a-p-a!
Humahalik sa balkonaheng may agiw.
Siya’y nangingilak ng barya sa lansangan
May retasong kasuotan
At latang kumakalansing pagka nagkalaman.
Siya’y may mapungaw na mata,
Musmos na kaawa-awa.
Ang relikyang isinusumpong sa salamin,
Panghilamos niya sa umaga’t
Pampunas sa sugat
Na hindi mahilum-hilom sa selda.
Kinitil niya ang pagtutungyayaw
At ang laso’y sinipat sa pagkatao.
May ilaw na nakabubulag –
Yapak ay sa entablado,
Naroon ang susunod na paghuhukom.
Dec 18, 2015
Dec 18, 2015 at 3:19 AM UTC