Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapatahan" poems
Kapatid mo ba si Nathaniel? Para ka kasing isang Anghel Pag kasama kita parang wala na ang Hell Kaya lang naglaho kang bigla parang bula ng Ariel Ako'y isang pakete ng sigarilyo Full of HOPEs na magkikita pa ulit tayo Kakausapin ko si mam Charo Santos mamaya Maitanong kung maalala mo kaya? Para akong isang sanggol na basa ang baru baruan Hindi mapatahan simula ng iyong iniwan Kasalanan ko ba na ako'y umiiyak Kasi naman yung sibuyas ko ay walang awa **** biniyak
0
Sep 9, 2015
Sep 9, 2015 at 12:43 PM UTC
Bula ng Ariel
#112715 #10AM Baka nalason na siya sa usok Na binubuga ng mga nakababahing na mekanismo. Siya'y nalulumbay kaya't ako'y nabihag niya, Nabihag -- nabighani Sa kanyang kumikinang na pustura, Siyang bughaw na bistida at magbabagong-bihis pa. Umiiyak siya, kaya't hindi ko na ininda, Nagbakasakaling mapatahan siya -- Nang di bumugso ang galit Patungo sa konkreto't pinira-pirasong bakal Pagkat mga abang, ni hindi ninais na maugatan. Bulong ko ang lihim na pagtingin, "Anuman ang iyong kulay Ang dilag mo'y kabigha-bighani Kaya lubos kitang iniibig, Aking panghabangbuhay na kaibigan, O Langit na Irog."
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 7:22 PM UTC
Site Stalker
Umuulan na naman, Natutuwa ba o nalulungkot ang langit? Walang nakakaalam, Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit. Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha, Pilit nanunumbalik masasayang alaala. Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo, Sa ulan din pala magkakalayo. Lakad at takbo sa gitna ng ulan, Mabasa o magkaputik ay hindi alintana. Bugso ng ulan ay biglang dumahan, Payong ang nakita pagkatingala. Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata, Iyan ang naaalala sa unang pagkikita. Tila bang tayo ay nasa koreanobela, Damang-dama ang pagiging bida. Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan, Kwento nating dalawa ay may hangganan. Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan, Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan. Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka. Basang-basa at putikan, hindi alintana. Mga hikbi ko ay hindi mapatahan, Kasabay nang pagbuhos ng ulan. Payong mo'y hindi na matanaw, Wala na, tuluyan ka nang bumitaw. Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita, Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
0
Oct 6, 2020
Oct 6, 2020 at 8:25 AM UTC
Lihim