Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapapaso" poems
Sa bawat paggalaw ng iyong kamay Sa bawat paghampas ng kulay mula sa iyong kaluluwa Tila nilalason ang isipan ko Sinasabing kay ganda ng lahat ng mayroon sa’yo Hindi maikukubli sa aking mga salita Ang paghanga sa lahat ng kung sino ka Nangingislap ito mula sa ilaw Na nanggagaling mula sa pagkatao na pagmamay-ari mo Umaalab ka ngunit hindi mo pansin Mapapaso ang sinomang lalapit sa’yo Ngunit pipilitin nilang mahagkan ka Sapagkat ikaw ang katuparan ng pangarap nila Pinutol mo ang sarili **** mga pakpak Kaya naman hindi mo naaatim Ang yaring tayog na iyong taglay Kung makakalipad ka lamang sana Likas sa’yo ang nais mo Kumakatok ako’t nakikiusap Gumising ka, marikit na binibini At kamtan mo ang matagal nang nasa iyo
0
Sep 8, 2015
Sep 8, 2015 at 10:40 AM UTC
Ikaw Din Ang Siyang Nais Mo
Huwag ka mag-alala. Sa darating natin annibersaryo Ipagsisindi kita ng kandila. Para sa mga damdamin namatay At emosyon naibaon ko na sa lupa. Ipagsisindi kita ng kandila Para makita mo ang liwanag Sa mundong panadilim mo. Ipagsisindi kita ng kandila, Para maramdaman mo ang init na hindi mo na mararamdaman. Ipagsisindi kita ng kandila, Pero huwag mo ito hawakan. Mapapaso ka lamang at sa huli Ay papatayin mo lang ito para mapasaiyo.
0
Sep 17, 2018
Sep 17, 2018 at 2:01 AM UTC
Kandila
Ilang dekada na Lumaban ka raw para sa amin Hindi ko man lamang naabutan Patungo raw iyon sa demokrasya. Tingnan mo kami ngayon Ang daang matuwid ay putikan Ganito pala ang lasa ng imoralidad Na kayo-kayo rin ang nagtimpla. Marami nang nakatikim Ng pait at kakunatan ng inyong hain Ilan pa ba ang papalasapin? Kaawa-awang mga dila Mapapaso't kikirot Dulot ng sarili ninyong mantika. Katulad ng ibang baboy, Ilalabas ka sa hawla Nakalilihi ba doon? Kaya nanlumo kayo sa taba Tabang walang kainaman Hindi magamit panggisa ng kamalian. Sandamakmak pala kayo Nagsanib-puwersa sa looban Pinakakain nang tama, pinagsisilbihan Bagkus tambay sa kurapsyon Sa kulungang may posisyon. Bakal ang tali nyo Kaya't sumuko na't wag pumiglas Pagkat sa putikan ang  ruta Yang putikang kayo rin ang may gawa.
0
Jul 12, 2014
Jul 12, 2014 at 5:56 AM UTC
#PorkyProblems