Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
astrid Feb 2018
ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin.
minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin.
ilang buwan naghangad na ika'y makapiling;
kailan ka kaya mapapasaakin?

ang nais ko lang naman ay magkakilanlan -
magkita, magka-usap, maging magkaibigan.
limutin mo na ang iyong nakaraan,
gawing ako ang iyong kanlungan.

sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan,
pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan;
sakit at pagod ay maiibsan
kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan.

pagmamasdan ang mga matang hapo,
ang mga gitarang sira ang capo,
ang amoy ng kape mula sa hininga mo,
pati ang paghilik **** nasa tono.

ang iyong damit na babad sa pawis,
at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis;
kung sa umaga'y bubungad ang ngiti **** kay tamis
ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis.

at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista,
habang ang lapis sa papel ay nabubura na;
sisimulan ko sa pangalan **** may pitong letra
hanggang sa kung paano ka tumatawa.

isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri,
habang ang buhok mo'y hindi na mahawi.
sa bawat galaw **** aking tinatangi,
at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili

pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi.
kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili,
maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili,
ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali.

ang pagmamahal kong lubus-lubusan,
tila apoy na sinilaban;
sa'yo inialay ang bawat laban,
ngunit umuuwi akong laging luhaan.

kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito,
mayroong ibang nagsusulat para sa'yo.
kahit ipilit ko pang gandahan ito -
hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo.

at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan,
na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan;
dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan
ng puso **** kay sarap sanang gawing tahanan.

oo, alam ko. hindi ako nagkamali.
dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali;
patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi
na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi.

aking sinta, ikaw ang aking mundo,
mabura man ng hangin itong monologo,
mabaliktad man ito ay hindi magbabago,
at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
desolate Mar 2015
Nang una kitang makita at makilala
‘Di ko mailahad ang aking nadarama
Pinagdarasal na lagi kitang kausap
Palaging sinisilayan  at hinahanap

Madalas tinitignan ang iyong larawan
Ika’y ‘di rin nawala sa aking isipan
Sa munting panahon ng ating pagsasama
‘Di ko naiwasang mahulog at umasa

Ika’y hinintay ko, hindi ako napagod
Aking nadarama’y hindi bastang naglaho
Kahit masakit, matagal ako nagtiis
‘Di mo hiningi ngunit ginusto kong gawin

Nagkunwaring manhid ngunit ako ay hindi
Paghihirap ay ‘di ko na lamang pinansin
Pagkat alam ko na sa dulo, ito’y sulit
Inisip ko na ika’y mapapasaakin

Ito ang aking lubhang pinaniwalaan
Hanggang umabot sa puntong ako’y nabulag
‘Di namalayang habang ika’y iniibig
Unti-unting nawala ang aking sarili
desolate Mar 2015
Ngunit ako'y natataranta
At ako'y nagtataka
Kung bakit kinailangan
Mo pang mawala

Hindi na nagpahanap
At 'di na bumalik
Kaya habang ika'y wala sa 'king piling
Ako'y magtitiis

'Di maiwasang isipin
At magtanong sa sarili
Kung ano ang nagawang mali
Ano ba ang nangyari

At habang lumilipas ang panahon
Alam ko'y hindi na mababalik ang kahapon
Ito na lama'y tatanggapin
Kaysa maghanap pa ng bagay na hindi na muli
Mapapasaakin
Not sure if telling you that was a mistake or not
But I hope you understood and got my point
patrick Mar 2018
Para kang bituwin na mahirap abutin
na sa tingin ko na kahit kailan hindi ka mapapasaakin
ikaw kasi yung tipo na babae na dapat minimithi
nung una kitang makita para akong nasa fairytale
huminto yung oras at sayo lang nakatingin
at yung puso ko tumibok ng napakabilis
wala ng preno preno at yung araw na yun alam kong mahal na kita
Ashari Ty Jul 2018
Masakit ba?
Hindi naman

Hindi naman pwede.
Hindi naman mangyayari.
Hindi naman sasagutin.
Hindi naman mapapasaakin.

Masakit ba?
Hindi naman.









hindi nga naging tayo.
sasakit pa kaya?

atik ra oy
walang personal basis ang tula pang drama lang hahaha
Ubeee May 2020
Naka-upo't nakatitig
sa langit,
walang ibang iniisip-
ikaw.

Para kang isang buwan,
malayo ma't 'di ko maabot
ngunit ang mga mata ko'y
tila baga uma-apoy
sabay sa puso kong kay
bilis pumintig

Para kang isang buwan,
malayo ma't wala sa'king tabi
ngunit kung ika'y na-iisip
tila ba'y napawi mo itong
pighati

At muli-
para kang isang buwan,
malayo ma't kahit kailan
'di ka mapapasaakin
ngunit ikaw itong
nagbibigay buhay
sa mundo kong
madilim.

— The End —