Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapapala" poems
Ang patatas Ay walang kakupas-kupas Masasabi ko 'to ng walang kahiya-hiya Dahil maaari rin itong panggalingan ng enerhiya Kinakain ng walang-wala At itinuring na walang mapapala Sa buhay na punong-puno ng oportunidad Pero ito'y ginalaw ng abusador at ito'y binaliktad Ang patatas ay kayang gawing baterya Ayon sa agham at katotohanan At kapag pinagmasdan ay kaaya-aya At maaaring gawing simbolo ng kahirapan Ngunit hindi ko naman minamaliit ang mahihirap Dahil ayon nga sa agham ay ito'y isang enerhiya Di lamang para makapag-pagana ng teknolohiya Ngunit para harapin ang hinaharap
0
Dec 4, 2014
Dec 4, 2014 at 8:25 AM UTC
Ang Patatas
Hindi ko alam kung mababasa mo ito. Pero kailangan kong sabihin ang tibok ng puso ko. Wala rin namang mapapala dahil wala na ring pag-asa Kaya kung sasabihin ko ito, sa akin ba'y may mawawala pa? Kagagaling ko lang sa isang bagyo Pero nakagugulat na hindi ako sinipon, kahit basang-basa ako. Nagsumikap magbihis, para makapasyal uli nang makita ko ang matamis **** mga ngiti. Hindi na ako nagpigil, wala nang mawawala sa akin Kailangan kitang makilala, kailangan kong magpapansin. Pangalan mo lang ang mayroon ako, pero nahanap agad kita Akalain **** nasa iisang gusali lang pala tayong dalawa? Hindi ako gwapo at hindi rin malakas ang loob ko Nakakaawang kombinasyon sa mga panahong ito Mas gugustuhin ko pang magpasensya at maghintay Pero paano lalapit sa pagkapangit na manok ang pagkagandang palay? Inalis ko na sa utak ko ang pag-aalinlangan Alam mo na ito, dahil may bulaklak ka na kinaumagahan. Ayoko nang secret admirer, dahil hindi na tayo bata. Pinaalam ko kung sino ako, para makipagkilala. Sinulatan kita, makailang ulit Para alam mo na ako yung nangungulit. Kaso hindi ko alam kung bakit Ni isang sagot, wala kang binalik. Hindi ko na kaya maghintay pa ng matagal Kailangan ko itanong, kailangan ko malaman. Hindi ako magwawala kung hindi ka interesado pero sana sumagot ka, para hindi na ako manggulo. Ilang sandali pa, tumunog na ang telepono ko Lumukso ang aking puso ng makita ko ang pangalan mo! "Salamat sa bulaklak, pero mali ang pagkakaintindi mo "hindi ako naghahanap ng lalaking iibigin ko "Pagkat may iniibig na itong aking puso "Pasensya ka na, patawarin mo na ako". Matagal akong natulala sa aking nabasa Biglang lumiit ang mundo ko, hindi na ako makahinga. Naglakas loob akong sumagot at sinabing "naiintindihan ko "salamat sa pagsagot, at magandang gabi sa iyo". Gusto ko lang sabihin, sa mga makakabasa nito, walang ginawang mali ang dalaga sa kwento ko. Hindi ko man siya nakilala ng lubos ay nakatitiyak ako Nang inihulog siya ng langit, sobrang swerte nang nakasalo. Hindi ko gugustuhing agawin ka. Kasi kung maaagaw man kita, maaagaw ka rin ng iba. Kung mabasa mo man ito, okay lang bang hilingin ko kapag niloko ka nya, pwede bang sabihan mo agad ako?
0
Jan 27, 2016
Jan 27, 2016 at 1:58 AM UTC
Pag-amin ng isang Stalker

Continue reading...
46
Ang buhay nga naman, Puno ng lungkot at kaligayahan, Subalit wala tayong magagawa, Tiisin nalang kung ano ang mapapala. Diyos ko, ako'y tulungan nyo, Sa aking landas na tinutungo, Landas na puno ng sagabal, Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal. Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi, Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti, Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan, Dahil sa damdamin kong nanlalaban. Minsan di ko maiwasan, Na masabi ang tunay na nilalaman, Ng puso at di ng isipan, Kaya minsan, ginagawang katatwanan. Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito, Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro, Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan, Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan. Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan, Ang minsang inisip matapos magtawanan, Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga, Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga. Ang binansagan nating pinakamagandang biro, Ang sa mga luha ko'y nagpatulo, Tumulo dahil sa kakatawa, Tawang may kasunod na pagdurusa. Pagdrusa dahil masakit, Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit? Ngunit masasabi ito'y panandalian, Dahil pagkatapos nitoy masasaktan, Para bang ang gusto ko'y ibinigay, Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay, Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad, Ako na mismo ang unang naglahad. Subalit nakakatawa naman talaga, Sabihan ba naman kita ng "mahal kita", Tono palang kalokohan na, Masasai **** baligho ang ideya. Aminado akong iyo'y kabilaghuan, Ngunit wala na akong magagawa dyan, Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan, Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
0
Jun 9, 2017
Jun 9, 2017 at 3:13 PM UTC
Baligho

44
Parang papatak na, Mula sa aking mga mata, Matang kay lungkot, May pinipilit ilimot. Silakbo nitong puso, Pusong nagdurugo, Alam ko naman ang dahilan, Ngunit hindi alam ba't nasasaktan. Pinukaw ng sakit, Kalungkuta'y iginiit, Alam ko naman kung bakit, Kaya ganito pala ka pait. Ang katotohanan, Sa ating pagmamahalan Ang tanging nagdulot, Ng poot na sa puso ko'y nanuot. Paano ko ba papakawalan? Kapag wala nang maramdaman, Huli na ba ang lahat? Ito ba ay nararapat? Ito ba ang mapapala ko? May nadadama pa ba ako? Ang sagot ay isang "Oo", Patunay ang mga luha kong dumaloy dahil sa'yo
0
Aug 26, 2017
Aug 26, 2017 at 11:38 AM UTC
Isang "Oo"
ayaw niya saiyo kaya tama na hindi pa ba sapat na ipinagtulakan ka niya? kahit anong pilit mo hindi ka mapapasakanya maawa ka naman sa puso **** wasak na wasak na tigilan mo na ang kahibangan mo pangarap moy hindi matutupad dahil siyay di para sayo madudurog at madudurog lamang ang puso mo sinasabi ko, siya ay para sa iba at hindi sayo tama na, maawa ka naman sa sarili mo uulitin ko wala kang mapapala dahil siya ay isang gago darating din ang tamang lalaki para sayo malay mo makasungkit ka ng sobrang gwapo
0
Apr 20, 2018
Apr 20, 2018 at 3:38 AM UTC
Tama na!
Tila papatak na, Mula sa'king mga mata, Matang kay lungkot, May pinipilit ilimot. Silakbo nitong puso, Pusong nagdurugo, Di alam ang dahilan, Di alam ba't nasasaktan. Pinukaw ng sakit, Kalungkuta'y iginiit, Di alam kung bakit, Ganito pala ka pait. Ang katotohanan, Ang sagot sa katanungan, Ang tanging nagdulot, Ng poot na sa puso ko'y nanuot. Paano ko ba papakawalan? Kapag wala nang maramdaman, Huli na ba ang lahat? Ito ba ay nararapat? Ito ba ang mapapala ko? May nadadama pa ba ako? Ang sagot ay isang "Oo", Patunay ang mga luha kong dumaloy muli dahil sa'yo.
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 1:05 PM UTC
Luha
sinusunog na mga bahay, sinasamsam ang mga ari-arian, sinasaktan pati ang mga bata, ginagahasa ang mga babae, at pinapatay ang mga lalake. ganito araw-araw ang kanilang sinasapit, hindi sa kamay ng mga tulisan o rebelde, hindi sila ang salarin sa pang-aapi, kundi ang estado at militar ang pasimuno. sila ang pasistang halimaw na naninibasib, pagkat gusto nilang maubos ang mga Rohingya. hindi daw sila taga Burma, latak daw sila ng mga Arabong dayo, kaya kailangan na sila'y malipol. walang magawa si Aung San Suu Kyi, pati s'ya hawak sa leeg ng militar. walang ginagawa ang Amerika at UN, palibhasa wala silang mapapala sa mahirap na bansa. isa na naman ba itong Rwanda, o katulad sa Gaza? walang gustong tumulong sa kanilang walang pakinabang. maramot ang saklolo sa mga madaling maloko, hindi kinakalinga ng langit ang mga tunay na api at kapos palad, sapagkat ang mata ng kasaysayan ay nakatuon lagi sa Europa at sa mga bansang masagana.
0
Dec 11, 2017
Dec 11, 2017 at 4:04 AM UTC
ROHINGYA AT ANG ETHNIC CLEANSING SA MYANMAR
Maraming chismosa kahit saan ka magpunta. Ito ay intriga ng mga ingitera. Buhay nila ay hindi masaya. Kaya buhay ng iba ay sinisita. Totoo man o hindi ang mga istorya, wala na sila kung ano pa. Ano paba ang mapapala sa chismis ng iba? Edi wala! Kaya lumakad ng tuwid, itahimik ang bibig, at takpan ang mga tenga. At isipin nalang ang solusyon ng sarili nyong problema. -MPS12
0
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 7:19 PM UTC
Chismosa
Isa. Dalawa. Tatlo. Magkasama lagi tayong tatlo. Tayo lang, oo. Hindi siya. Hindi sila. Tayo lang sabi niyo. Pero, bakit nadagdagan? Gumawa naman ako ng paraan Pero kayo naman ang lumilihis sa ating daan. Ay, mali. Sa inyo lang pala. At sakin lang pala. Teka, sige, ayus lang pala madagdagan Pero habang tumatagal ako na ata yung nakakaligtaan Bakit? Bakit naman ganon? Sa hinaba haba ng panahon Eto pala ang ating mapapala Mawawala at maghihiwalay Pupunta sa kani kaniyang landas at saka sabi ng ba bye Sa tingin ko masaya na kayo Sana masaya na rin ako Kahit nasira yung pangako Nabuksan naman ang pintuan ng kasalukuyan at naisara ang kahapon Pero paniwalaan niyo ako, lungkot pa rin ang aking baon Lumilipas ang araw na walang nakakaalala Dumaraan ang mga gabing nakaharap sa mga tala At naiisip na, bakit ako iniwan? Nakikita ko kayo at binabati niyo ko Pero paano niyo nagagawang ngumiti na parang walang nagbago? Sa harap ko pa talaga sinasabi niyo mga sarili niyong plano Habang heto ako, sinusubukang hindi maapektuhan pero paano? Sa ilang taon na pinagsamahan, nasayang na nang tuluyan Sabihin niyo. Pano mapapawi ang lungkot dahil sa mga kaibigang minahal **** totoo. At sigurado akong totoo kasi nasasaktan pa rin ako nang ganito. Ang dating masasayang alaala nating lahat. Nagtapos na lamang sa pasasalamat
0
May 10, 2018
May 10, 2018 at 11:30 AM UTC
friENDs
Gaano kana kalakas Sa dami ba ng mga bakas Na iyong mga dinanas Sa mundo na marahas Gaano kana katatag Hindi na ba binabagabag Pader ba'y di na matibag Mahusay na mapagpanggap Lakas na saan kinukuha Limot maging pagluha Sa sakit o kirot natutuwa At di na namamangha Sa napaka tagal na mag-isa Di na kailangan ng iba Umaasa sa iba O inaasahan ng iba? Ang mamon ay bato na Ito'y matagal na Lumalakad mag isa Nang walang pangamba! Walang mapapala Kahit ipilit ang salita Ang lahat waring abala Sa taong nasanay mag-isa -JGA
0
Dec 21, 2021
Dec 21, 2021 at 6:50 PM UTC
Mag-Isa
Sa bawat patak ng oras, ako'y nauubos. Hindi mawaring isipin kung kumusta ka. Iniisip mo ba ako? O ako lang ba ang nahulog? Pilit kong itinatanim sa aking isipan na huwag magmadali. Hayaan ang tadhanang gumawa ng paraan. Bigyang respeto ang tamang pagkakataon. Huwag nating pilitin. Ngunit kasabay ng pagkumbinsi sa sariling huwag mangialam, nahahati ang aking isipan upang gumawa ng unang hakbang. Ano nga bang mapapala ko kung hindi ako kikilos? Subalit sasagi sa isip ang posibilidad na mawala ka dahil sa mapupusok kong gawi. Isang malaking palaisipan ang pag-ibig. Hindi ito para sa mga mahihina ang puso. Hindi ito para sa mga taong mabilis mahulog at madaling masaktan. Minsan napapaisip ako kung bakit pa ba natin ito ginagawa? Sa dinami-dami ng hirap, sakripisyo, at sakit nitong dulot, talaga bang may patutunguhan? Sa tagal ng panahong ginugol kong mag-isa, naliwanagan ako sa aking halaga. Karapat-dapat ako sa pagmamahal na buong-buo at mapagpalaya. Ngunit, tangina naman. Bakit ganito kahirap mahanap? Akala ko madali. Iwinaksi ko lahat ng hadlang na maaari kong malampasan. Ginawan ng paraan at isinaayos ang sarili. Pagkalingon ko'y ako bigla ang nahuli. Halos lahat ng aking mga kasabayan nagkaroon na kani-kanilang katambalan. Ang malas ko naman. Bakit ako na lang ang hindi nabigyan? Hanggang sa dulo ba ay ganito pa rin? Parusa ba ito sa salang hindi ko namalayang gawin? Diyos ko, ano bang magagawa ko? Anong ginawa ko upang maranasan ito? Hindi naman sa pagdadrama. Ang nais ko lamang ay isang makakasama. Iyong makakausap sa araw-araw nang walang sawa. Iyong magbibigay sa akin ng atensyon at alaga. Ngunit kasabay nito, ako'y handa rin Na isauli ang pagmamahal na aking nagkakandarapang kunin. Isang pagkakataon lang po upang magsimula muli ang puso Makadama ng pagmamahal na tapat at totoo Makakaasa kayong hindi ko ito isusuko Anoman ang pagsubok na aming matamo
0
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 7:23 AM UTC
Isang Pagkakataon

32
(DEPRESYON) Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako, Wala akong pinipili na kahit na sino, Basta sa oras na ako ay makilala mo, Sa oras na pinapasok mo 'ko, Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan, Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran. Ako, ang sisira sa buhay mo, Gagawin kong miserable ang utak mo, Kapag nakilala mo ako, Kahit saan ka pa magtago Wala! Walang tutulong sayo!Tandaan mo! Lahat sila aayawan mo! Guguluhin ko ang iyong mundo, Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo, Kahit ipagpilitan isarado ang bintana, Papasok, papasukin kita,Wala ka nang magagawa! Sumuko ka na! Kaibigan hinihintay na kitang sumama, Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,Kahit ilang beses hanapin Susi para makalabas sa suliranin, Ikaw ay pilit kong aangkinin. Pilit kitang aagawin,Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin, Makinig ka! Halika na at sa akin ay sumama, Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,Patuloy ka lang kukutyain, At patuloy ka lang paiiyakin, Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa, Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata, At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,Nabubuhay ako at mas lumalakas ako, Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo. Huwag kang magtangka,Pagtakas ay wala kang mapapala,Dahil kapag dinapuan na kita, Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa, Gilitan ng leeg, wala pa ring talab, Susundan kita hanggang kabilang buhay Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.Ako, ang iyong kalaban, Patago kitang sasaktan, At unti-unti kitang pahihirapan, Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan, Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,Mistulang buhay mo ay sisirain ko, Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili, At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili. Tandaan mo, at laging isaisip mo, Kakatok ulit ako sa pintuan mo, Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo, Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba, At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema. Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,Na hindi mo ako basta malulupig, Hangga't dala-dala mo ang aking mundo, Hindi ako titigil sa'yo. May panahon ka pa,Makakatakas ka pa, At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka, Hindi ako kasinungalingan, Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako. Kung sinasabi nila peke ako,Na dulot ko lang ay pagpapapansin,Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing, Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,At hindi ako nakikipaglaro. Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte. Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo, o maging ang mga kaibigan mo, Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo, Pakiusap ko!Kung sakaling ako ay makilala mo, Layuan mo ako,Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap. Makakatakas ka pa,Makakatas ka. Nabubuhay ako sa mundong ito,Ngunit kaya niyo ako.Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:25 PM UTC
DEPRESSED

60
Ano ang dahilan at tila Sumusulat ka ng tula Upang aliwin ba ang madla O sambahin ang mga dakila? Sapat nga ba ang aanihin Sa ihahasik na pagkain Ito nga ba ay diringgin Ng pusong malayo ang tingin? Kung tapos na ang simula Ano pa ang mapapala At kung wala nang manunula At patay na ang tula? Sino ang makikinig Kung higit na nananaig Sa kumpas ng aking bibig Ang maingay na sahig? Walang may nais umunawa Sila'y pagod na't nagsawa Nais ay mabilis na ginhawa Sa isip na nakakaawa JGA
0
May 10, 2019
May 10, 2019 at 3:44 PM UTC
Patay na ang Tula!