Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapapa" poems
Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang pangako na minsang sinundan Ng sakit at tampo ng nakaraan Pero hindi ito susundan ng sakit at kahihinatnan. Minsan aking pinangako na magiging okay lang ako Na lahat ng ito ay malalagpasan at makakalimutan rin Pero lahat pala ito’y napako, At napadaan lang sa daan na bako-bako. Daan na bako-bako, parang tayo. Di malaman kung san liliko, palagi nalang nakakalimutan at nahihilo, Kung ang damdamin ay pareho. Umasa ang isa at nagpaka-tanga, Sa pangako at pag-ibig kung san lahat ay nalito. Pangako. Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang sakit na dinulot mo sa akin Mas masakit pa kesa sa paluhudin sa bilao ng asin At kalian man umasa na ikaw ay mapapa sakin. Pangako, salitang palaging napapako. Katulad ng tulang ito, parang pangako. Paulit-ulit sinasabi, ngunit nalilito at napupunta sa daan na bako bako Pero aking tutuparin, ang pangako na ito hangga’t sa kakayanin. Pero hindi kita tutularin, na ginawa ang pangako na parang bang kasing nipis ng asin.
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 5:44 AM UTC
Pangako
Sa mga nakaraan akoy madalas nasasaktan at madalas maiwan. Pilit hinahanap kung ang Mali ko ay nasaan! Kasi sa aking Pag kakaalam ginawa ko naman ang lahat para sila sa ako ay wag ng iwan. Ngunit Tadhana ay mapag-linlang,sa una ka lang Pasisiyahin at sa dulo ikaw naman ay sasaktan. Ngunit Pananaw ko'y nagbago ng makilala ko ang isang Tulad mo,na sa simula palang bumihag na sa Puso ko. Ang saya lang ng minsang mapansin Mo, Hangang sa hindi nakatiis nagparamdam na ang Torpeng Tulad ko. Anong Tuwa at tawa nating Dalawa na sa pag amin ko Sayo,Tinawanan mo lang ako, Na sa pag aakalang Pinag titripan lang Kita. Sino ba naman kasi ang maniniwala kung sa paraan ng Panliligaw ko gamitin ko pa ang Paperang Camera para mapansin mo. Napa OO kita kinilig na sana ako, kaso laro lang Pala.sayang talaga! Tumagal pa ang usapan hangang sa tayo'y nagkakapalagayan na. Naku kunting Bola na lang mapapa OO na talaga kita,Seryoso na. Sobrang sana'y ko na ata sa presensya mo na di mabubuo ang araw ko kung wala ang mensahe mo sa Inbox ko. Kulitan,tawanan at sabay magpapalitan ng kalokohan. Nasa Punto na rin ako,na hinihintay ang pag dating mo. Para tuparin yung mga plinanong bagay na tayo lang ang may alam. Puntahan ang simbahan na kung saan pinangarap kong marating muli kasama ang isang Ikaw. Akyatin ang mga bundok na ang kasabay sa paglalakbay ay Ikaw. Pagmasdan ang papalubog na araw ,sa gilid ng karagatan na ang katabi sa buhanginan ay Ikaw. O kaya mahiga sa buhanginan at sabay pagmasdan ang bilog at liwanag ng buwan. Lahat na yata ng Pinaplano ko ay Ikaw ang kasama ko pati sa pagtahak sa kinabukasan Ikaw ang nakikitang kasabay ko. Siguro hindi pa man sa ngayon pero darating din tayo sa Dulo na merong Ikaw at Ako.
0
Jun 16, 2020
Jun 16, 2020 at 8:50 AM UTC
Ikaw at Ako

Continue reading...
23
Ba't ang sarap masaktan? 'Yung tipong, alam **** masakit pero binabalik-balikan. 'Yung hindi naman dapat, Pero nakailan na akong apat. Tuwing siya'y pumapasok sa isip ko, Gusto kong puntahan ang profile niya; oo Gaga ako dahil sinasaktan ko ang sarili ko Kahit alam kong mapapa-aray ako sa kirot Paano eh, Siya ang nagpasaya sayo noon eh. Ayon, gusto ko bigla siyang makilala. Anong klaseng babae ba siya? Paano ka ba niya napamahal sa kanya? Mga tanong ganon ay nais kong sagutin Kahit ng mga kaibigan mo, pwede na rin. Mga litrato nang inyong mga alaala, Sayo ay wala na. Pero sa kanya, wala na rin ba? O mahal ka pa niya? Napapasobra na ata ako Dahil kahit mga pag-uusap ninyo noon, Gusto kong mabasa ngayon; Magkatulad kaya kayo noon sa ngayong tayo? Alam kong wala nang kayo At ngayon ay may tayo, Ngunit ako'y patawarin mo, mahal Hindi ko mapigilan ang nais kahit bawal. Hindi ko rin maintindihan Kung bakit masarap masaktan.
0
Oct 1, 2017
Oct 1, 2017 at 8:11 AM UTC
Ba't ang Sarap Masaktan?