Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapanukso" poems
#050916 Minulat tayong may sukli ng kasaysayan, Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan. Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig, Pagbili ng lakas ng loob at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan; Luha't dangal, pawang huling hain Ng Ama't Ina ng Lipunan. Nakakangalay makisabay sa uso Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso. Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso, Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago! Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit, Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait. Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit. Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit. Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina, Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na. Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla, Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya. At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila. Mainam na ngang masaktan sa una, Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba. Masakit sa loob kapag tinatama ka, At bawat palo't kusang pagdidisiplina. Kung hindi susundin silang Ama't Ina, Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema, Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima, Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala. Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa, Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa, Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya, At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.
0
May 12, 2016
May 12, 2016 at 11:57 AM UTC
Si Itay at Inay ng Lipunan
Heto na naman ang madaling araw Walang kausap, walang natatanaw Paulit-ulit na ang aking mga sigaw, At ang luhang galing sa aking mata'y umaapaw Hindi ko alam ang aking gagawin Para sabihin ang aking mga damdamin Aking puso't isipan ba'y susundin? Kahit masalimuot pa ang nakikitang pangitain Pilit na pinapalakas ang angking kalooban Para tuparin ang maaring nakalaan Sa pag-iirog kong tagal ko nang inaasahan Na ngayo'y pilit kong gustong maintindihan Pero biglang nawasak ang puso Biglang bumilis ang tibok ng aking pulso Nang sinabi mo ang mga katagang mapanukso Ang mga salitang sinabi mo nang walang tuso "Lumayo ka" at lumayo nga akong nagdadalamhati Ngayo'y hinahatid ka sa kanyang may ngiti Kahit sobrang sakit na ang aking pighati Magpapakalayo na lamang saiyong ikabubuti
0
Mar 30, 2020
Mar 30, 2020 at 9:53 AM UTC
lumalayo