Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapansin" poems
Hindi ikaw ang aking mundo. Ikaw ay parte lamang ng aking kwento. Hindi ikaw ang kalawakan. Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan. Hindi ikaw ang buwan Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan Hindi ako isang puno Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo. Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala Ay hindi maghihilom basta- basta ... Kaya ako na  ang hihinto, lalayo, Ang magsasara ng pinto. Ako na ang susunog ng tulay, Ang puputol ng nag-uugnay. Ako na ang bibitaw Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw, Ng bugso ng damdamin, Ng tukso at mga tinagong saloobin. Hindi naman maayos Ang hindi sinusubukang i-ayos. Kaya tama na nga siguro Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko. Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot, Sa puso kong puno ng takot Sa paglisan at pagbitaw Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw. Paalam na sa mga pangakong napako, Sa mga katagang "walang magbabago", Sa mga salitang binitawan Ngunit hindi mo napanindigan. Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan." Paalam na sa lumabong pagkakaibigan, Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan. Paalam na sa sakit at pait Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit. Paalam na sa labing-apat na taon. Masasakit na alaala'y aking ibabaon. Iiwan ka na sa nakaraan. Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan. Sa pagiging estranghero nagsimula, Estranghero rin akong lilisan. Ito na ang huli kong paalam. -41-
0
Jan 17, 2017
Jan 17, 2017 at 2:59 AM UTC
Ako Na Ang Magpapaalam
ilang buwan na ang lumipas, ngunit damdamin ko sayo'y di pa kumukupas. ikaw pa rin pala talaga ang gusto ng puso kong tanga. kahit ano pang sukat ng sakit na sa buhay ko ay sasapit, ito ay aking titiisin; kahit hindi mo pa mapansin. alam kong hindi ko na ito mababago, kaya ang damdamin ko nalang ay aking itatago; kung sa iyo parin ay nahuhumaling, tungkol diyan ay hindi na ako magsisinungaling. kahit na ako'y iyong pinaasa at sayo'y walang natamasa, ㅡ kagustuhan ko sa iyo ay kailanma'y hindi magbabago.
0
Jul 7, 2018
Jul 7, 2018 at 11:24 AM UTC
ikaw pa rin.
Ito ay isang maligayang araw Dahil ito'y ang iyong kaarawan, Wag mo kalimutan ang iyong ilaw ikaw ang aming gabay sa daanan, HInding hindi ko makakalimutan Ang araw na tayo'y may kaligayahan, Memorya na ito'y aking ingatan 'Di mahalintulad ang kasiyahan Dahil sayo ako'y may natutunan Na wag **** tigilan ang kasiyahan, Ito din ang iyong pagsisisihan Parang araw na puno ng kariktan, Itong araw na ikaw ay masaya kahit isang lungkot, walang makita, Dapat ang iyong araw ay di masira Nakakasira sa iyong kay ganda, Walang sinuman ay isang perpekto Sa aking paningin ika'y kompleto, Hindi mo kailangang magpabago Dahil masaya na ako sa iyo, Masaya kami kapag kasama ka Na kalokohan **** nakakatuwa, Mga tuwaan na nakakahawa Na kinalalabasan ay himala, Ikaw pa din ang bituin sa dilim Nagbibigay sa taong may kulimlim, Ang mga tawanan na walang tigil Mga saya na madaling mapansin, Itong panahon ay muling aahon Walang rason para ika'y matakot, Walang panahon para tumalikod Dahil hindi ito ang iyong desisyon, Sana natuwa ka sa 'king regalo BInigay ko dito ang aking buo, Hindi kayang ikumpara sa ginto Dahil hindi ito isang trabaho, Ito'y ginawa ko sa aking gusto Na sana walang mangyaring magulo, Itong tula ay para lang sa iyo 'Di ko magawa para sa iba 'to. Dapat lahat ay palaging masaya Para walang madulot na problema, Ang panahon ay lalong gumaganda Kapag lahat may magandang balita, Ikaw ang may dulot ng kasiyahan Na punong puno ng kaligayahan, Hindi dapat itong pinagdudahan Parang araw tayo'y nagkakitaan, Walang saya kapag may kakulangan Dahil lahat ay walang kahulugan, Katulad ng masayang kaarawan Walang silbe kapag ika'y nawalan.
0
Dec 13, 2019
Dec 13, 2019 at 6:04 AM UTC
Maligayang Kaarawan

Continue reading...
52
Sa probinsiyang kinalakihan ko, Bata man o matanda ay nagtatrabaho. Sa lugar kung saan marami ang tanim na tubo, Lahat ay maagang gumigising at nagbabanat ng buto. Sa malawak na lupain sinimulan nilang magtanim, Mula umaga, tanghali, at hanggang pagsapit ng dilim. Hindi inaalintana ang init, sakit, at hapdi na kinikimkim, Maitawid lamang sa gutom ang pamilyang pinatitikim. Kahit kapiranggot man ang kanilang kinikita, O minsan wala talagang may madudukot sa bulsa, Ngiti sa kanilang labi'y hindi mawala-wala, Pagka't pamilya ay tunay na mahalaga sa kanila. Puso ko'y nahahabag, nalulungkot, at nagsusumamo, Sanay mapansin sila ng mga tao sa gobyerno, Dagdagan sana nila ang kita ng mga manggagawang sinsero, Sa pagtatrabaho nang buong puso at may totoong prinsipyo. Magsasaka man sila, **** haciendero, o barbero, Pantay-pantay sana ang pagtingin natin sa mga ito. Kung wala sila, paano ang bansa natin aasenso? Manggagawa po sila, nilikha ng Diyos bilang tao. Nawa'y mapakinggan bawat nilang gusto, Itaas ang kita ng manggagawang Pilipino. Kumilos na sana ang ating gobyerno, Huwag nilang hayaang sila'y magpakalayo-layo.
0
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:28 PM UTC
Manggagawa
Kaibigan 'yan ang tingin mo sa akin, Kailanman di mo ako kayang mahalin. Di ko ninais Boom panes Sa samahan na nabuo natin, ako'y nabihag mo, Subalit di mo naman sinabi na ito'y isang malaking laro. Iniisip ng iba meron tayong relasyon, Ang hindi nila alam ito'y isang ilusyon. Umasa ako ng "tayo", Ngunit ako'y nasaktan lamang, Sapagka't ikaw ay may kasintahan. Di kita masisisi kung iba ang iyong pinili, Dahil maski ako di pipiliin ang sarili. Sa mga sinabi mo, ako'y naniwala, Kahit na may iba akong hinala. Ganun pa man, ako'y nagtiwala; ngunit ito'y iyong sinira. Di ko alam kung saan magsisimula, Dahil ang puso ko ay wasak na wasak na. Akala ko iba ka, Yun pala katulad ka lang nila. Akala ko noon ikaw ay maginoo, Yun pala ay isang loko loko. Pinagmalaki kita dahil sa iyong mabuting puso, Di inaasahan na ako ay maloloko. Ako'y nanghihinayang, Pero para sayo balewala lang. Ganyan ka ba kamanhid, Di mapansin na ako'y nasasamid, Tuwing nakikita kayo sa paligid. Masakit na makita kayong dalawa, Pero wala na akong magagawa, Dahil masaya ka na sa piling nya. Gusto ko ilabas ang nararamdaman ko, Pero ayokong makita mo na ako ay apektado. Gusto ko magreklamo, gusto kita murahin, Pero biglang napaisip, ito pala'y isang sariling katangahan.
0
Mar 3, 2016
Mar 3, 2016 at 9:36 PM UTC
unknown (tagalog)
Ako ay isang pulis, Natangal sa Serbisyo dahil sa paniniwala kong mali ang naging paghusga sa aking pagkatao, Naglingkod sa bayan ngunit nauwi ang aking paghihirap sa hindi tamang pagpataw ng parusa, Sa aking serbisyo, Sa aking pagkatao, at sa pangalan ko. Kayat nagawa ko ang desisyong ito, Wag niyo akong sisihin dahil tao lamang ako, Nasasaktan at humihingi ng katarungan sa sistemang di makatarungan ang dahilan, Sino ba naman ang matutuwang mapagbintangan, sa mga krimeng pinaniniwalaan kong di naman ako ang may kagagawan? Mga turista ang aking ginawang pananga, Dahil di naririnig ng binging sistema ang mensahe ng sarili nilang mamamayan, Kayat sila ang napili ko upang maintindi ako at magawan ng paraan, Bitbit ko ang aking baril, Hawak ko ang aking kutsilyo, Ngunit wala akong balak na gamitin ito upang masimulan ang pagkakagulo, Isa lang naman ang hiling ko, ANG MAPANSIN AKO NG BULOK NA SISTEMANG PINANGALINGAN KO.
0
Aug 24, 2010
Aug 24, 2010 at 3:46 PM UTC
In Mendoza’s Mind...
May mga salitang sa papel na lang kayang manatili Dahil hindi na ito kayang bigkasin pa ng mga labi.                     Natapos na ang palabas na ang tauhan ay ikaw at ako                     Tayong mga bida noon, sa mundong hindi nila nakikita Gusto kong isipin na nalaos lang tayo,pero hindi pala Dahil ang dating tayo,ngayon ay ikaw na lang at ako                      Bakit ganito? wala naman akong naaalala na drama                      ang sinulat kong kwento                      Pero bakit sa malungkot natapos ang lahat? Minsan ay gusto ko na lang gawing gabi ang bawat umaga Sa gayon ay hindi nila mapansin na may hinagpis akong dinadala Sa gayon ay hindi nila makita na lumuluha ang aking mga mata                       Pagkat sa dilim, doon ko lahat itinago ang sakit at dusa                       Na ni sa panaginip ay hindi ko inasahang dadating pa Oo kakayanin kong maging gabi ang bawat umaga Mahirap, Pero pwede ba?                        Sa kahuli-hulihang sandali ay maturuan mo ako sana                        Na gawing gabi ang lahat ng umaga                        Na kasing dali lang kung paano mo nakayanan                        Na maging malungkot ang dating tayo na masaya.                                           © 2018 Glen Castillo                                            All Rights Reserved.
0
Aug 2, 2018
Aug 2, 2018 at 9:21 AM UTC
Paano gawing Gabi ang bawat Umaga?

23
**Hanggang dito na lang ba tayo? Hanggang dito na lang ba ako?** I. Matagal na itinagong damdamin Hiniling noon na mapansin At dahil sa ihip ng hangin Tinangay sa'yo ang pagtingin. Sabay tayong lumaban Upang mapatunayang pang-matagalan Pagsuko ng isa'y 'di inaasahan Paano na ang pagmamahalan? Oras ang ipinagkait Kaya ba ayaw nang kumapit? Mahal, kay tinding sakit Ito ba talaga ang kapalit? *Hanggang dito na lang ba tayo? Hindi na ba madadaan sa suyo? Hanggang dito na lang ba ako? Pagmamasdan na lamang paglisan mo.* II. Mahabang buhok na kulot Wari ko'y hindi ka salot Muntik na akong mabuslot Sa butas ng pag-ibig na dulot. Nakapagpalagayan, loob ay gumaan Araw-araw kausap, hindi nagkasawaan Dumating ang puntong nagkalokohan Namumuong damdami'y pinaglaruan. Sinabing mahal mo ako noong lasing ka Akala ko'y totoo kaya naniwala na Ganoon na siguro ako katanga Kahit kasinungalinga'y pinaniwalaan na. *Hanggang dito na lang ba tayo? Nasiyahan ka ba sa paglalaro? Hanggang dito na lang ba ako? Sasakyan na lamang ang mga biro mo.* III. Sobrang lapit pero malayo rin Kayang tanawin at lakarin Inhinyero, hindi mo ba mapansin? Na ang puso'y nais gapangin. Sa pagdaan ay umaasa Sa eskwelahan ay palinga-linga At kapag natanaw na Ibang saya ang dala mo, sinta. Nguit dumating na ang panahon Ang panahong hindi na makaahon Pagtangi'y kailangan nang ibaon Ito na ang huling desisyon. *Hanggang dito na lang ba tayo? Na ayos lang kahit sa pagtango? Hanggang dito na lang ba ako? Aasa na lamang sa paglampas mo.* **Alam kong walang magiging tayo Kaya sawi na naman ako.**
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 11:20 AM UTC
Hanggang Dito

55
Sana mapansin ang aking ngiti Kasabay ng aking tingin Sana makita ang aking pag-ibig Na alay sa'yong pagkamaibigan. Umaasa na matanaw ang iyong mata Dahil ninanais ang iyong paningin Umaasa, na mapansin Dahil nandito ako nagmamasid. Wag **** kakalimutan Ako'y umiibig sa'yo na parang anino Sa dilim man o liwanag ay nandiyan para sayo Alay ang aninong pag-ibig na ito.
0
Jul 14, 2015
Jul 14, 2015 at 7:57 AM UTC
Anino
Pag-ibig na, nasa dulo nitong aking dunong Sagutin mo na sana ang nag-iisa kong tanong: Ikaw ang hamog sa t'wing pagbubukang-liwayway, Tinig na nais maulinigan kapag ako'y nalulumbay. Ika'y rosas na kaybangong samyuhin, 'Sang inaasam na panaginip na nais ulit-ulitin; Hanging kay lamig damhin sa paglipas ng araw, Ngunit 'sang alapaap naman na 'di ko halos matanaw. Ika'y tulang muli't muli ay binabasa ng madla, Na 'di makakalimutan; na 'di mabaon sa alaala Tulang puno ng damdamin na ni 'di maipabatid, Ngunit 'sang saknong naman na hindi magkatugma. Mithiin ko'y mapansin mo na ang aking mga ginagawa: Itong pag-ibig na nasa dulo ng aking ligaya, Mithiin ko'y sagutin mo na ang tanong kong nag-iisa, Nadarama mo rin ba ang lahat ng napaloob nitong aking tula?
0
Nov 13, 2011
Nov 13, 2011 at 11:05 AM UTC
Mithiin
Oh magandang binibini, ako’y lubos na nagagalak dahil sa ating mga mumunting palitan ng mga mensahe. Kahit na ito’y di masyadong impormatibo, ako’y lubos na nasisiyahan sa ating mga pinag-uusapan. Oh binibini, ang bawat ngiti na iyong pinapakita ang siyang nagbibigay sigla sa matamlay kong araw. Ang iyong mga tawa ang siyang nagsisilbing musika sa aking mga tenga, na walang kapantay sa tinig at ganda. Kahit na sa kakaunting panahon na tayo’y nagkilala, para na kitang kaibigan na kay tagal nang kilala. Ang bawat palitan ng mga letra’t salita ay may kasamang pagmamahal at tuwa. Kaya ang mga salitang ito’y kusang lumalabas sa aking dila. Oh binibini, nawa’y mapansin mo ang mga problema na dulot mo, sa pagka’t gabi-gabi nalang ako’y di makatulog pag na-aalala ang mga ngiti **** sintamis ng preskong bino at ng mga titig **** kasing init ng siling labuyo. Nawa’y sa pag idlip mo’y mapaghinipan mo ako, ng ako rin ay makadayo sa mundong tayo lang dalawa ang nandoon. Kung saan malayo tayo sa mga mata ng di nakakaintindi, at sa mga salita ng di nakaka-alam. Oh binibini, lagi mo sanang tandaan, na kahit saankaman ay laging nasa sayo ang puso ko. Na kahit bagyo ma’y dumaan at mga lindol ay maranasan, na ang pagtingin ko ay laging sayo lamang.
0
May 12, 2019
May 12, 2019 at 1:58 PM UTC
Binibini
Nakikita niyo akung naka ngiti Mga ngiting to kay dami nang ikinubli Mga damdaming di na masabi Siguro habang buhay na ito mananatili Naririnig niyo ang malakas kong tawa Sa likod nito ay may malaking problema Na sa tuwing ako'y mag isa Hindi tawa kundi patak nang mga luha Ngiti, kahit labis nang nasasaktan Ngiti kahit wala nang matatakbuhan Ito lang ang naiisip kong paraan Upang di mapansin ang aking pinagdaraanan Ngiti, kahit luha mo'y pumapatak na Ngiti, kahit di mo na kaya Huwag mo nang ipakita sa kanila Ang iyong pusong sugatan na Ngiti para sa kanya Ngiti upang lahat ay maging masaya Kahit damdamin ay kumikirot na Di bale na, napasaya mo naman siya Ang mga ngiti ay marami nang naitago Isa na ang mga damdaming di na mag lalaho Ang nararamdaman ko sayo'y di pa nagbabago Mahal parin kita nang buong buo
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 12:48 PM UTC
Ngiti
Nakikita niyo akung naka ngiti Mga ngiting to kay dami nang ikinubli Mga damdaming di na masabi Siguro habang buhay na itong mananatili Naririnig niyo ang malakas kong tawa Sa likod nito ay may malaking problema Na sa tuwing ako'y mag isa Hindi tawa kundi patak nang mga luha Ngiti, kahit labis nang nasasaktan Ngiti kahit wala nang matatakbuhan Ito lang ang naiisip kong paraan Upang di mapansin ang aking pinagdaraanan Ngiti, kahit luha mo'y pumapatak na Ngiti, kahit di mo na kaya Huwag mo nang ipakita sa kanila Ang iyong pusong sugatan na Ngiti para sayo aking Sinta Ngiti upang lahat ay maging masaya Kahit damdamin ay kumikirot na Di bale na, napasaya naman kita Ang mga ngiti ay marami nang naitago Isa na ang mga damdaming di na mag lalaho Ang nararamdaman ko sayo'y di pa nagbabago Mahal parin kita nang buong buo Vanessa Alba   Pinilit mang sukuan at kalimutan ka Ngunit di ko magawa-gawa aking sinta Para bang ako'y nakakulong sa silda Sa pag ibig ko sayo'y hindi makawala Hanggang ngayo'y ngiti ang aking Sandata Pilit nilalabanan ang kirot na nadarama Umaasa na ikay muling makasama Ipagpatuloy ang Pangarap na binuo nating dalawa ❤ Ngiti hanggang sa mapawi ang aking Pighati Ikaw lang magpapabalik ng Tamis na Ngiti sa aking mg Labi. #NgitiKahitMayPighati
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:02 PM UTC
Pighati
salamat ika'y nakilala, gusto sana ika'y makasama ngunit, ikaw'y masyadong pang abala, sana ako'y mapansin mo na... 07/06/15
0
Dec 1, 2015
Dec 1, 2015 at 10:49 PM UTC
Nag-hihintay Sa'yo
Naranasan mo na bang magkaroon ng crush? Siyempre oo! Sino ba naman ang hindi mararanasan iyon? Sabi mga nila, abnormal saw ang walang crush. Minsan sila ang dahilan kung bakit ka nag-aaral ng maayos. Sila ang dahilan kung bakit ka nag-aayos ng buhok, nagpupulbos, pumoporma, at marami pang iba. Siyempre, para saan ba iyon? Para magustuhan ka o kaya ay mapansin. Minsan mga kahit simpleng pagsasabi sa iyo ng crush mo ng "hi" ay halos mabugbog mo na iyong katabi o kaya ang kaibigan mo sa sobrang kilig. Pero minsan, hindi mo maiwasang magselos sa mga ka-close niya. Grabe, di ba? Kahit simpleng crush lang iyon, nagseselos ka pa rin, at minsan dumarating sa time na kailangang mag-move on kahit wala kayong relasyon. Pero paano kapag nalaman mo na may syota pala siya? Kahit crush mo lang, siyempre masakit pa rin. Kasi umasa ka rin naman na sana magustuhan ka niya. Bakit ka umaasa? Dahil nadala ka sa imagination mo, like magiging kayo o liligawan ka niya. Hindi naman lahat ng imagination ay nagkakatotoo. Sabihin naging 30% pwedeng magkatotoo pero 70% pa rin ang imposible. Kaya mga sabi nila, "Expectation is the root of all heartaches." Dapat matuto tayong kpntoplin ang sariling nararamdaman dahil hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin. Ang pag-ibig ay kusang darating dahil bawat tao ay may nakalaang makakasama habangbuhay. Mga bata pa tayo para royan, Hindi pa natin kayang buhayin ang sarili natin. May oras na dapat itabi ang mga pansarili at unahin ang makabubuti.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:42 AM UTC
Pag-ibig Ng Kabataan ...

12
dilaw na dyaket ang suot mo noon habang ako ay nananahimik hindi makaimik at pinagmamasdan ang bawat sinag ng dapithapon na sinasala ng kinulayang bintana kung saan ay sa aking mga mata na ngayon lamang nakakita ng ganda ay biglang napatunganga dilaw na dyaket ang suot mo noon at ang unang naitala sa listahan ng mga napuna ng aking mga mata at biglang napatunganga na nga nang dahil sa bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket **** naisipang ipakita sa silid ng mga kaluluwa mga kaluluwang akala ko ay mabibigyan kong buong pansin ngunit heto, napatitig na rin ako'y napatitig na rin napatitig sa dilaw na dyaket mo at hindi ko mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket **** nakabalabal sa iyong kay liit na katawan ay humihila pababa sa iyong mga balikat nakakibit hindi man lang kayang mapaakyat ang iyong pagpapakalálo napapaliit ang tikas ng iyong pagkatao hindi ko rin mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket mo ay para bang napabalabal na rin sa akin at mula noon, ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng aking puso ay handa nang aminin na ikaw ay naging isang anghel ang dilaw na dyaket mo ay naging iyong halo at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa nito ay naging mga pakpak mo at ikaw ay naging isang anghel ika'y naging anghel sa aking isipan marikit na imahe sa aking kaloob-looban munting sigaw sa buong kalawakan o, munting anghel ko, nais ko na sanang isigaw: nakikita mo ba? nakikita mo ba kung paano kita nakikita? nakikita mo ba kung paano kita sinasamba? nakikita mo ba kung paano kita sinisinta? oo, sinisinta, dahil munting anghel ko, o, mahal kita mahal kita, o, munting anghel ko mahal kita at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng iyong pagkatao mahal kita at ayaw kong manatili ka lamang sa isipan ko mahal kita at nais kong ako ang magpabalabal sa iyong puso at nais kong ako ay maging iyo at nais kong mahalin mo rin ako ngunit, o, munting anghel ko, natakot ako natakot ako na kung ilalahad ko ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay huhusgahan mo ako kung hayaan kong buksan mo ang aking mga pinto ay matatakot ka nang makita mo ang nilalaman nito kung ipakita ko sa iyo ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay magugulat ka at lilisanin mo ako kaya heto, ang munting anghel ko ay nanatili sa isipan lamang ang marikit na imahe ko ay nanirahan sa kaloob-looban lamang ang munting sigaw ko ay naging bulong lamang isang bulong na nagsasabing: o, munting anghel ko, mahal kita, o, munting anghel ko, pangarap kita, ngunit, o, munting anghel ko, natatakot akong sa piling mo'y ako'y madulas at tuluyang mawala ka. maroon na dyaket ang suot mo kanina noong ako ay naarawan ng sikat ng umaga at ng tawa ng ilang mga kahalubilo't kasama at naroon sa gitna ng aking sariling mga tawa ay nakita kita ngunit may kasamang iba at siya'y ika'y inakbayan at ika'y siya'y nginitian at ako'y napaisip nang biglaan kayo ba? kayo ba? kayo ba? napakwento ang kaibigan ko: alam mo ba, ganun na nga sila na magdadalawang-linggo na. hindi naman sa nasaktan ako pero parang ganoon na nga. hindi naman sa napatigil bigla ang tibok ng puso ko pero parang ganoon na nga. hindi naman sa nadurog ako nang mapansin ko na ang sukat ng maroon na dyaket mo ay mas sakto sa iyo at hindi niya nahihila pababa ang iyong buong pagkatao at siguro ito ay dahil siya ang kasama mo at hindi ako kaya para bang siya na ang nakabalabal sa iyong puso at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng kaniyang puso ay napaibig na sa iyo— pero parang ganoon na nga. ganoon na nga dahil kayo na nga kayo na kayo na kayo na. ganoon na nga dahil siya ang kasama mo hindi ako hindi ako hindi ako. siguro kung hindi ako natakot siguro kung hindi ako natakot na ilahad ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay hindi ka na mananatili lamang sa isipan ko siguro kung hindi ako natakot na hayaang buksan mo ang aking mga pinto ay mapapabalabal ko na ang iyong puso siguro kung hindi ako natakot na ipakita ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay ako na'y magiging iyo siguro kung hindi ako natakot na madulas sa piling mo ay mamahalin mo na rin ako ngunit ayan na nga, o, munting anghel ko, natakot ako at ayan na nga, o, munting anghel ko, lahat ng ito ay hindi ko na nasabi sa iyo at ayan na nga, o, munting anghel ko, baka tuluyan nang mawala ang dilaw na dyaket mo sa buhay ko maroon na dyaket na ang suot mo ngunit ang dilaw na dyaket mo pa rin ang nakatatak sa isipan ko at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket mo ay nakabalabal pa rin sa aking puso aking puso na nadurog, at patuloy na nadudurog hanggang ngayon nang dahil sa dilaw na dyaket na suot mo noon dahil sa dilaw na dyaket na suot na ng iba ngayon
0
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 11:47 PM UTC
Dilaw na Dyaket

115
***Maraming taon ang nasayang, mga pangarap na biglang nabasag, 'di na maibabalik sa dati, para itong tinapay na sinira ng amag. Matagal na kong nagtitiis, matagal na kong naghihintay na muli **** ibalik ang apoy ng iyong pagmamahal.*** **Akala mo ba 'di ako nanghinayang sa mga binuong pangarap? Sayang ang dala kong mantikilya,  ang tinapay sana'y  'di inamag. Ang apoy na sinasabi **** sa akin ay nawaglit hindi mo lang alam ikaw din mismo ang umihip.** ***Nagsawa ka na bang ihatid-sundo ako sa bahay? Nagsawa ka na bang pakinggan ang mga drama ko sa buhay? Hindi ko naman gusto na ikaw ay mapagod, Nais ko lang na mapansin mo ko at sa ibang bagay 'wag kang masubsob.*** **Matapos ang isang nakakapagod na araw, ihahatid pa kita sa 'yong bahay, Dahil pag hindi, paniguradong tayo'y mag-aaway. 'yon ang nakakapagod - ang away, lalo na't may problema din ako sa aking buhay na kahit kailan 'di mo napansin, dahil subsob ka sa ibang bagay** ***Sabi ko "ayoko na", sabi mo pagod ka na. Tumakbo ako, mga luha'y naghahabulan sa paglabas, mga tanong na walang sagot, "hahabulin ba nya ako? Hindi na ba nya ko mahal?" 'Di ako lumingon, gumulo aking isipan. Nais ko lang ay pigilan mo ko aking mahal.*** **Sabi mo, ayaw mo na, sabi ko, "pagod na ako", Pagod na akong magpigil ng luha at maghabol sa iyong bawat pagtakas at pagtakbo Mga tanong na walang sagot, " Ayaw nya bang manatili? Hindi na ba nya ako mahal?" 'Di ka lumingon, gumulo ang aking isipan. Nais ko lang ay huminto ka aking mahal.** Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon, Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon, 'di na 'ko tatakbo, ako'y mananatili, sasabihin kong minamahal kita Hahabulin kita at pipigilan, sasabihin kong minamahal kita
0
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 10:59 PM UTC
atik laham (collaboration with JP)

31
Sinabi ko sa sarili ko Na huwag ka nang hanapin sa unang pagkakataong mapansin ko na nawala ka. Ngunit nahanap pa rin kita. Nahanap kita sa katahimikan, Ang bulong **** nagpagulo sa minsang kalmadong isip, Dahil sa'yo nalaman ko hindi lang pala multo ang puwedeng nagpaparamdam sa dilim. Naroon ka rin sa likod ng mga masasayang alaala. Nahanap pa rin kita kahit ilang beses na akong nangakong magiging masaya muna ako. May kanya-kanyang paglalarawan sa'yo ang iba't-ibang tao, Maaring sa iba, isa kang demonyo, kathang-isip, salita, o isang panandaliang bisita. Pero sa lahat ng bagay na inilarawan sa'yo, hindi ko alam kung bakit itinuring kitang kaibigan. Dahil siguro tuwing pag-uwi ko, 'pag wala ng mga tao kahit gaano man ako kasaya o kapagod, nandiyan ka. Nag-aabang, nag-aantay, naiinip Hinihintay akong mag-kwento. Ikaw ang tipo ng kaibigan na hinahanap-hanap din pagkatapos bitawan. May mga araw na napagtatagumpayan kong huwag kang isipin ngunit may mga araw din na nagbabalik nanaman ako sa simula. Dahil sa huli, ay uuwi din ako at hahanapin kang muli sa katahimikan. At sa bawat paalam mo, muli nanaman kita maaalala Minsan, napakahilig **** magtago tuwing kasama ko na ang mga kaibigan ko, Pakiramdam ko rin naman wala silang balak na kilalanin o pakinggan tayo Kaya patuloy ka lang magtago, Hindi nila kailangan malaman na buhay ka, Hindi nila kailangan malaman na nandiyan ka, Hindi nila kailangan malaman na totoo ka. Hindi ko alam kung kailan ka aalis, Hindi ko alam kung gusto ba kitang umalis, Pero kung sakaling dumating man ang araw na 'yon, Huwag ka nang magpaalam pa.
0
Nov 13, 2016
Nov 13, 2016 at 12:35 PM UTC
-

30
Hello, kamusta ka? Ako po ulit ito. Ayaw mo sumagot, ayaw mo kumibo. At dahil ayaw ka, heto't basahin mo Mga sal'tang tugma, tula ng pagsuyo. Pinilit ang puso na kalimutan ka. Nilunod ang isip sa 'king mga tula. Pagkat winika mo na walang pag-asa kaya 'di umulit, 'di na nag-usisa. Ngunit nalaman ko sa 'king kaibigan na noong Biyernes ika'y nakita n'ya. Hinimok n'ya ako na muling subukan. Kaya heto ako at may dalang tula. Dahil paano ba itutuloy muli ang daang naputol at tila nabungi? Anong gagawin ko para mapangiti ang labi at puso na dating tumanggi? Marahil isip mo, "grabe ang baduy mo" "sumulat ng tula, para mapansin ko". Ayokong magsisi, ayokong magtanto kung nagkulang ako sa kulit at suyo. Itataya ko na sa 'ting kapalaran kung itong tula ko'y may patutunguhan. Kung ayaw mo pa rin, sa 'kin ay ayos lang. Basta sa isip ko, walang nang sisihan. Di ako nagsising bigyan ka ng rosas. Gagawin ko uli, ibalik man ang oras. Kung ika'y nangiti sa tula kong ito, ikaw ba'y papayag na magkita tayo?
0
Mar 18, 2016
Mar 18, 2016 at 1:44 AM UTC
Pagsumamo ng isang Stalker
Gusto kong higitan ang kinang ng mga butuin Baka sakali ako'y iyong mapansin Nagtatago sa mga hibla ng ulap Ang pag sinta ko sayo Sa puso ko'y lumaganap Tila apoy na nilalamon ang kaluluwang Tigang sa pagibig Ang simpleng hiling Higitan ang mga butuin At kung maaari kay Kupido bigkasin Sana'y puso nya din ay panain -Tula II, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 4:57 AM UTC
Tula II
Hiniling kong bumalik ka Nagbabakasakaling maging tama. Ninais kong manatili sa tabi mo, Umasang mapansin mo rin ako. Lumbay ng kahapon, Nadama nang ako'y itapon Tayo'y isang maling akala Nagbakasakali't hiniling ko sa mga tala Sa pagsulat ng mga titik at salita, Nagbabakasakaling pagmamahal ay mawawala, Pero tila hanggang ngayon Pag-ibig ko'y sayo pa rin nakatuon. Ayaw ko na sanang gambalain ka. Alam ko namang ayaw mo na. Tulad ng alon ay magpalaya, Bakasakaling tayo'y maging maligaya. Pagod na kong lumaban Para sa mga taong nang-iwan. Lugmok at luhaan, Tulad nila'y isinantabi mo ko't sinugatan. Sa aking pagbabakasakali Baka sa tamang panaho'y magkitang muli Tulad mo'y ipauubaya nalang kay tadhana Ang pagdating ng taong magmamahal sakin ng tama.
0
Apr 9, 2019
Apr 9, 2019 at 7:35 AM UTC
Baka Sakali
Sa sarili noon ay aking nasambit, Sa pangarap ko, wala nang hihigit Sa buhay na ito, wala na ring nais makamit Kundi ang pangarap ko na sana'y masapit Ngunit nang narinig ko ang tinig **** kayganda, Ako sa iyo ay agad nahalina Sa puso ko'y nabuhay muli ang pag - asa , At mula nun' ninais kong ikaw ay makita Ang iyong kanta kung pakinggan ay anong sarap ! Mas maganda siguro kung aawit sa aking harap Sa malamig na tinig mo,lahat ay naaakit Sa mga larawan mo, mata ko'y tila nadikit Oh mahabaging langit! kailan kaya makikita Itong talentadong tao na iyong nilikha? Autograph nya kailan ko kaya makukuha? O masilayan man lang maganda nyang mukha? Pakiwari ko'y mahaba pa ang aking tatahakin, Sa pera ko'y marami pa ang dapat ipunin, Kaya't sa ngayon, ang akin nalang gagawin, Sundan sya sa facebook twitter at ig narin! At bago ko ito wakasan, Isang salita ang nais kong iwanan Di pa man kita nasisilayan, Mamahalin ka sa tahimik na paraan. Alam kong malabong ako ay mapansin, Dahil marami ang mga katulad ko rin, Ayos lang! Basta't lagi **** tatandaan May isang CRISSEL na handa kang suportahan. At kung loloobin man ng kapalaran, Itong tula'y iyong mapakinggan, Sana ikaw ay masiyahan, Magdulot sa iyo ng konting kaligayahan. Hindi ko alam kung may pagkakataon Na magkatotoo ang aking mga ilusyon, Pero tandaan mo sadyang mahal kita Sa puso't isip ko tunay na nag - iisa !
0
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 12:52 AM UTC
Kaye Cal Syndrome
Minsan napapaisip ako, e kung lubayan na lang kaya kita. Pero hindi e! Mali! Yan din kasi ang inisip ko nun kaya ako nagsisi. Swerte ko pa nga kasi bumalik ka pa bilang kaibigan ko. Kaibigang hinahangad kong mapansin din ako kahit minsan, kaibigang pinahahalagahan ko, at kaibigang sana'y mabatid din ang sinisigaw nitong puso ko. Pero hindi e! Mali! Ang hirap kasing lumugar diyan sa buhay mo. Lalo pa't minsan napapatanong ako, sino nga lang ba ako? Isang hamak lang na taong, wala! Walang sinabi sa iba! Simple lang, di gaya mo. Nakakatamad din minsan pero, ano ba? Pinahahalagahan kita, ikaw rin ba? Mahalaga rin ba ako sa'yo? Di naman sa nakikipagkompetensya. Pero hindi e! Mali! Marami pa kasing mas nakakalamang sa'kin diyan, sino nga lang ba ako? Kaya minsan napapaisip ako, e kung lubayan na lang kaya kita, ano kaya ang mararamdaman mo?
0
Mar 5, 2013
Mar 5, 2013 at 8:06 AM UTC
Hindi E! Mali!
Ako'y natataranta, Sa tuwing nakikita ka. Ako'y nadadapa, Kapag tinititigan kita. Mainit pa sa kape, Ang pag-ibig ko sayo. Kasing layo ng Antlantika, Ang pagtangi ko. Sana'y iyong mapansin, Ang wagas kong pagtingin, Nang mabuksan mo na rin, Ang pag-ibig kong malalim pa sa bangin.
0
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 1:24 PM UTC
Sikreto
"Bago yan ah" aniya ng makita ang converse kong pula. Wala eh, wala nako maisip para makuha ang antensyon mo, mapansin mo. Naubos nga lahat ng ipon ko para sa sapatos na to. Balita ko kasi mahilig ka daw sa kulay pula at nangongolekta ka daw ng mga branded na sapatos. Ako yung tipong hindi maganda namay porselanang kutis gaya ng iba. Hindi katangkaran, pero pwede nadin para sa isang kolehiyala. Walang bag na ang tatak ay Guess, At magagandang damit na galing sa Mall. Simple lang ako, laging may hawak na libro. Nalilimutan mag suklay dahil baka maiwan ng jeep papuntang terminal ng LRT. Hindi naliligo sa pabango na padala galing abrod. At higit sa lahat, hindi nag susuot ng ibang sapatos bukod sa pinag lumaan kong rubber shoes. "Converse yan diba?" Dagdag niya ng hindi ako sumagot sa pag pansin niya. Ang totoo ay hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam pano ibubuka ang mga bibig at sasagot ng "Oo, buti naman napansin mo". Wala ako lakas ng loob. Tanging pag tango nalang ng ulo ang  kilos na kayang gawin ng katawan ko. Kumaripas ako ng pag lakad papunta sa silya sa dulo ng masikip na klasrum. Nag simula ang klase. Hindi ako maka pokus sa sinasabi ng Prof patungkol sa "Theory of relativity" ni Einstein. Tumititig sa wall clock sa taas ng pisara na kinatatayuan ni Ma'am Montemayor. Sa wakas biglang tumunog ang bell na nag sasabing tapos na ang klase. Palabas na ako nang muli mo kong tawagin. "Hi, pwede ba ako sumabay sayo mag lakad papunta sa Math class?alam mo naman ayaw ni Sir. Henry ng late" pabiro **** sinabi. Wala nakong nasabi kundi ang mga katagang "Okay lang naman". Tinatago ang ngiti na gusto ng mag kumawala, habang nag iisip at nag papasalamat sa Converse kong Pula.
0
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 5:07 AM UTC
Converse na pula

26