Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"manloloko" poems
Isang taon..~ Isang taong sinubok ng panahon. Na kalimutan ang tulad mo, o sayo'y mag- "move on". . . Dahil umalis ka nang walang paalam. O sabihin nating.. wala man lang pagpaparamdam. Isang taon.. noong bago mo ako iniwan. . . Sinubukan kong magmahal muli, At nagbabaka sakaling ang iniwan **** pait.. Ay magawa nyang mapawi. . . Ngunit ika'y nagbalik, Bumalik.. na para bang wala kang iniwang sakit! At bakas mo sa pusong kong may hinanakit. . . Napakasakit ngang isipin.. Na ang pagbabalik mo, ay sakit ko. At ang sakit na'to, ay dapat para sayo. . . At kung sakali mang ako'y balkan mo pa, Ang pagbabalik mo, ay huli na. Huli na, dahil may mahal nakong iba. . . Mahal pa naman kita, pero mas mahal ko siya. At hindi nako magpapakatanga pa.. Sa tulad **** manloloko at paasa. . . Dahil Huli na, tapos na.**
0
Feb 21, 2016
Feb 21, 2016 at 12:22 AM UTC
ANG PAGBABALIK MO
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
Salamat sa Diyos na nakilala kita, Isang bituin na nagniningning sa madilim na gabi, Na nagbibigay ginhawa't saya kapag ikaw ay nakikita. Minsan lang tayo magkita't magusap pero asahan mo ang mga alaalang nagawa ay napakarami Salamat sa lahat ng iyong nagawa upang ako'y maging masaya, Sa mundong ito na puno ng lumbay at problema At sa tuwing ang mundo ko'y nalulunok ng kadiliman, Ikaw ang nagsisilbing ilaw na naggagabay sakin. Pasensya sa lahat ng aking kagagohan Mga gawain ko na ang resulta'y sakit,galit, at lungkot ang nararamdaman Di ko man alam kong bakit ko nagawa iyon sayo Pero sana magkaibigan parin tayo Sa mundong ito na puno ng mga plastic na tao Mga taong paasa at manloloko Napakaswerte ko talaga na naging kaibigan kita Sabihin mo man sa sarili mo na wala kang kwenta Asahan mo na sa puso't buhay ko ikaw ah mahalaga Salamat
0
Jan 21, 2020
Jan 21, 2020 at 8:49 AM UTC
Salamat
Yung di mo pa naririnig ang mga kataga Ngunit ramdam na ng puso **** wala na talaga Kayat huwag na nating ipilit pa Dahil mas lalo lang tayong masasaktan Pagkatapos mo siyang mahalin ay iniwan ka niyang luhaan Kaya’t wag ka nang umasa pa Na babalikan ka pa niya Dahil kung talagang mahal ka niya Di ka sana ngayon nag-iisa Hindi ikaw ang may mali kundi sila Nagmahal ka lang naman ng tapat Pero bakit ka nila iniwang nag-iisa Kahit ibigay mo pa lahat Kung iiwan ka, iiwan ka talaga Kung manloloko yan, magloloko yan Kung sabi niyang mahal ka niya Bakit ka niya sinasaktan ng ganyan? Siguro may rason kung bakit tayo umabot sa ganito Kung bakit nagwakas ang pagsasama nating dalawa Ngayon ang puso ay nalilito Kaya’t wag nang umasa pa Na balang araw ay babalikan ka niya Dahil kung talagang mahal ka niyan Hindi ka niya iiwan nang luhaan Walang magagawa kundi gustong ibalik lahat sa dati Kaya’t inuungkat ang mga pangyayari Ngunit ang alaala’y babalik pa Kaso ang mga taong naging parte nito ay hindi na Hindi ikaw ang may mali kundi sila Nagmahal ka lang naman ng tapat Pero bakit ka nila iniwang nag-iisa Kahit ibigay mo pa lahat
0
Mar 23, 2021
Mar 23, 2021 at 8:09 PM UTC
Breakup lyrical poetry
Pitong Bilyong Tao Saan ka ba dito? bakit ako napunta sa taong manloloko?
0
Jul 7, 2018
Jul 7, 2018 at 10:30 AM UTC
Pitong Bilyon