Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"manghuhula" poems
sa gitna ng aking bangungot ako ay biglang nagising sabay tapon sa aking kumot dahil ang teplepono ko ay nagriring sinagot ang tawag sa ibang lingwahe sumagot pabalik ang tinig ng babae akoy nagulat at walang masabe nang marinig ang pangalan nabuo sa isip ang imahe imaheng kamakailan ko lang huling nakita nung isang taon pa ako sa kanya huling nakabisita ang kinalalagyan niya ngayon ay "not too far" biglang pasok ang tanong na, "meron ba kayong C.R."? tinanong ko kung bakit siya napatawag? ako daw ay kanyang namimiss pakipot na ako ay hindi na pumalag gusto kong sanang itanong kung pwede bang pakiss? nawala ang antok at gising na gising kahit sa pagkakataong iyon siya ay lasing walang humpay at nagkwentuhang parang praning pero sayang naman itinapon niya yung sing-sing ^^ hindi maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman kagagaling lang sa sakit siguro ay alam mo naman?! mahal kita at takot akong tayo'y magkasakitan "i know Were cool" at sobrang close na magkaibigan ayokong maging bitter ako sa tula kaya kalimutan mo ung pang anim na stanza sobrang mahal kita mula noong hanggang ngayon at kung ikaw ang bumabasa nito ALAM KONG ALAM MO YON! sa puntong ito, lagi kang nagkakape sa isip ko nagpapaalala lang, baka abutin ka jan ng pasko? sobrang init ng kape at hindi mo matapos ng mabilis kanina ka pa jan wala ka bang balak umalis? nilabas ko nang lahat ng nararamdaman ko dito sa tula hindi ko alam kung ikaw ay maiinis o matutuwa sa aspeto ng pagibig itanong mo kay Amora manghuhula at ako naman ay sa Magic 8 ball na hugis bola naiinis ako ngayon sa sarili ko kung babasahin mo yung tula talagang nakakagago PERO parang gusto ko ulit pumasok sa puso mo dahil ako ang U.L.O.L mo! itaga mo yan sa bato! sana gusto mo akong makita ulit kahit na ako'y madaldal at makulit sana magkatotoo ang "Muling Ibalik" sana matikman ko ulit ang matabang na halik . . .
0
Jan 14, 2011
Jan 14, 2011 at 10:20 PM UTC
May C.R. ba kayo?

Continue reading...
44
Ito nanaman tayo, Walang pansinan, Walang imikan, Tahimik at walang kibuan. Akala ko ba tapos na? Bakit bumabalik pa? Akala ko ba okay na? Bakit naulit pa? Pakiusap naman, magsalita ka Sabihin mo kung anong problema Kung sino ang dapat masisi sa ating dalawa. Wag mo namang sarilihin, Nandito ako oh, ba't di mo ko kausapin? Kung may problema tayo ayusin natin Hindi yung hinahayaan hanggang sa tayo'y patayin ng katahimikang dulot ng pag-aaway. Kaya mahal paki-usap, magsalita ka dahil... Hindi ko alam ang dahilan, Hindi ako manghuhula.
0
Jul 25, 2018
Jul 25, 2018 at 10:37 AM UTC
Hindi ako manghuhula
Nasaksihan ko kung paano nabuo, nabubog, nadurog ang pagkakaibigan nyo. Nasaksihan ko ang bawat tawa, bawat luha na pumatak mula sa mga mata ninyong dalawa. Nasaksihan ko kung paanong hindi nyo mahiwalayan ang isa't isa pati na ang minsang nagkunwari kayong di magkakilala. Nasaksihan ko. Nasaksihan ko ang lahat maging ang pagkakalamat sa bagay na ingat na ingat kayo, pati na rin ata ako. Dahil sa panahong kayo ay nabuo, nabubog, nadurog ay sumabay ang puso ko sa pagdurugo ng sa inyo. Sa panahong halos maubusan ng hininga sa kakatawa, maniwala kayo, mas masaya ako kaysa sa inyo. Pero sobra din ang sakit kapag kayo ay magkagalit dahil sa pagkukunwaring multo ang isa't isa o kaya'y taong di ninyo kilala hanggang sa magkapikunan kayong dalawa. Akala ko'y iyon na ang pinakamalungkot sa lahat. Nagkamali ako. Dahil mas malalim pa sa lungkot ang lumukot sa kalooban ko nang umagang iyon. Nang makita ang ilang pahiwatig ng nalalapit na pagtatapos, ng pagwawakas ng bagay na minsang nagpalakas sa inyong dalawa. Akala ko, tuluyan na itong masisira. Ngunit mukhang di ako pwedeng manghuhula dahil... Nasaksihan ko ang muli nyong pagkapit, paglapit sa isa't isa kahit pa pilit kayong pinaglalayo ng hindi niyo pagkakaintindihan, ng inyong pagkakasakitan. Nasaksihan ko kung paano nabuo, nabubog, nadurog, at muling nabuo ang pilit na pinaglalayo.
0
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:44 PM UTC
Sa Pilit na Pinaglalayo