Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"manatali" poems
sabihin mo saakin kung paano kita mamahalin dahil minahal kita sa paraang hindi mo inaakala sabihin mo saakin kung paano ko tatapusin ang mga sayo ay tapos na pero pilit paring pinagtatagpo ng tadhana sabihin mo sa akin kung paano ko kakalimutan ang mga bagay na halos ayoko ng maalala sabihin mo saakin, paano ko ililigtas ang relasyong tayo lang ang nakakakilala. ang relasyong sa dilim lang maliwanag relasyong hinuhusgahan ng lahat, relasyong kasiyahan mo ang mas mahalaga. sabihin mo saakin ang kongkretong solusyon, sa mga desisyong hindi ako kasama pero sa pandaliang ligaya, kamay natin ang magkalapat sa tuwi-tuwina sabihin mo, sabihin mo na, dahil pagod na akong angkinin ka sa tuwing may aagaw na iba. sa tuwing sasabihin nya at tatanungin nya ako kung ako ay maligaya. paano ko sasabihing tayo ay masaya, kahit wala sa kama ang simpleng yakap, oras nating dalawa ay mahalaga paano ko sasabihin, kung ikaw mismo hindi mo masabi at mas piniling pagtakpan na lang ang lahat at manatali na ang kawalan ng salita ay manahan at bigla na lang mawala hindi ka man pumipili pero alam ko, sa kabila ng lahat ng ito. kapag ang lahat ay tumalikod lahat ay tumiklop ako at ikaw, mas pipiliin paring maglayo. iwan ako, iwan ka. wala. narating nanaman natin ang dulo.
0
Sep 3, 2018
Sep 3, 2018 at 8:34 AM UTC
Dulo
#030817 IKAW Yung salitang gusto kong balik-balikan Yung salitang di ko magawang punitin sa isipan Yung salitang laging natatandaan At yung salitang sana -- Sana'y pangwalang hanggan. IKAW Yung bukas na sasalubungin ko Yung bukas na yayakapin ko Yung bukas na ayoko nang sayangin pa At yung bukas na ayoko nang lisanin pa. IKAW Yung mahal na pag-iipunan ko Yung mahal na pagsisikapan kong abutin Yung mahal na pagtatayaan ko Yung mahal na mas pahahalagahan ko At yung mahal na sana'y -- Sana'y manatali, mahuli man ang dating ko.
0
Mar 9, 2017
Mar 9, 2017 at 6:49 AM UTC
Ubusan na ng Pamagat, Ikaw na Naman
nagsimula ako sa kung paano mo pinakita ang mundo kung gaano kakulay ito at namangha ako sa kulay mo pagkat sa mundo ko walang katulad mo ninais ko manatali sa piling mo dahil walang sakit at parang akoy nasa tahanan ko kung saan lalagi **** iingatan ang puso ngunit heto ibinalik mo ko sa mundong walang tayo sa mundong ako ang laging talo nasaktan ako na halos lisanin ko na ang mundo pagkat akala ko kasalanan ko at ang lahat ay pagkakamali ko naramdaman kong di ka mananatili dito sa mundong ginagalawan ko humiling ako habang tumutulo ang mga luha ko maaring bang ikaw na ang tadhana ko pero iba ng tugon ng lagit sakin may iba pa lang laman ang puso mo at ako'y ginamit mo lang ng panandalian habang wala pa siya habang meron pa siyang iba habang wala pa ang salitang kayo sa mundo mo habang wala pa siya sa piling mo
0
May 1, 2018
May 1, 2018 at 7:44 AM UTC
sana bukas