"mamukadkad" poems
Ang liningin na parang talulot ng bulaklak
na hindi na mamumukadkad
sapagkat labis ang pagdilig ng puso
hindi na maihahayag pa
ang tangwa ng damdamin
mananatiling nakatago
sa likod ng bintana
sa kaulapan ay tatanglaw
mga salita na lutang
sa dalampasigan nawa sa iyoy makarating
sa pamamgitan ng pangarap na panaginip
kahit doon na lamang
mabigkas ang laman ng isipan
ligaya ay abot tanaw hangang kalawakan
walang pag-ayon kapalit ni anuman
mamukadkad lamang ang talulot ng kaisipan.
Apr 27, 2018
Apr 27, 2018 at 3:27 AM UTC
sa isang harding puno ng rosas,
sumibol ang tila bagong bulaklak
talulot ma'y 'di paris ng bighani ng iba,
halimuyak na taglay ay waring mahika
ngunit salungat ito sa nais ng hardinero,
sapagkat pula lamang ang kanyang tanging ibig
may suklam sa mga mata niya itong minasdan,
pinitas nang walang pagdadalawang-isip
ipinagkait na para bang api,
ang pagkakataong mamukadkad nang ganap
damong itinuring, kapara ng salot sa tanim
kawawang sampaguita, ganda'y 'di napansin
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 1:24 AM UTC