"mamamalagi" poems
Ang wikang nanlaban,
ay ang wikang nanatili.
Ang wikang di nag-atubili,
ay ang wikang nagwagi.
Ang wika ng mga matatapang,
ay ang wikang di maaagawan.
Ang wikang awitin ng araw
at ang wikang tula ng buwan.
Ang wikang harana ng habagat
at ang wikang isinulat ng dagat.
Ang wikang ibinaybay ng alon
at ang wikang di aanurin ng baybay.
Ang wikang sinambit ng mga ninuno
na kailanman ay di mamamatay.
Ang wikang ginamit ng mga bayani
na habambuhay nang mamamalagi.
Ang wikang matapang,
ang wika ko magpasawalang-hanggan.
Aug 17, 2024
Aug 17, 2024 at 5:49 AM UTC
Mahal, pwede ba na tayong dalawa lang?
Pumunta tayo sa isang lugar na kung saan mayroon lang na ikaw at ako
Gusto kong lumayo sa kung saan ako nanggaling
Kung ako ay mamamalagi, mas gusto ko pang magpalibing
Mahal, pwede bang hawakan mo ang aking kamay?
Habang tayo ay naglalakbay
Tayo ay tatakbo, tatakbo ng malayo
Yung tipong hindi na alam kung saan tayo patungo
Gusto ko nang lumayo
Pwede ba na pumunta ako sa iyo?
Yayakapin kang mahigpit habang nakapikit
Ibabaon ang aking mukha, at lalong lalapit
Gusto kong tumakbo papalayo sa pinanggalingan ko
Kung pwede lang na samahan mo ako
Ngunit napagtanto ko na hanggang pangarap lang kita
Gusto kong sumaya na kasama ka
Kung pwede lang talaga
Jan 8, 2020
Jan 8, 2020 at 9:56 AM UTC