Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
cj Jul 2017
Natandaan ko yung sinabi ng kaibigan ko
Noong nalaman niya yung isa kong kaibigan wala pang assignment
Sabi niya, “May umaga pa.”

Oo, tama siya.
Kasi kalagitnaan pa lamang daw iyon ng linggo
Dahil alas-nuebe pa lamang ng gabi
At halos 8 kilometro ang layo namin sa mga bahay namin
At kaya pa naming magising ng alas-siyete ng umaga

Tama nga siya
Kasi iikot pa daw ang mundo at tayo’y makakakita pa ng pagsikat ng araw
At maliliwanagan sa realidad ng buhay
Buhay na hindi naman natin ninais ngunit inaayos

Tama nga rin siya
Dahil wala naman sinabing makulimlim nung mga araw na iyon
O Ni-isang patak ng ulan ang bababa sa aspalto ng mga sirang kalsada
At buong araw natin masisilayan ang sinag ni haring araw

Tama nga siya
Dahil may 3 pang araw pa bago matapos ang isang linggo
Dahil nakikita na sa kalendaryo niya

Oo, nakita niya lahat.
Alam niya ang nangyayari sa paligid
Bawat numero
Bawat halaga
Bawat detalye ng tinitirhan naming planeta

Ngunit, magkaiba kami ng mundo

Oo, Sabi nga niya
May oras pa
May bukas pa
May umaga pa

Pero paano na ako?

Paano na ako?
Ang aking orasan ay tila hindi na gumagalaw
At ang mga numero nito’y kupas na?
Paano na ang kalendaryo ko
Na ang taon ay nasa taon pa rin ng aking kamatayan?
Paano na ang pag-dating ng umagang inaasahan ko
Kung ang ulan ay halos araw-araw na lamang
At ang langit ay puno ng alapaap?

Paano na ako?
Isang taong pinili na lamang mabulag ng pessimismo
At tuluyan nang hindi masilawan ng optimismo?

Kaya ito ako ngayon
Bumili ako ng bagong mga salamin
Binilhan ko ng baterya ang aking orasan
Bumili ako ng bagong kalendaryo
Binuksan ko din ang aking bintana

Nasilayan ko ang sinasabi niyang umaga

Naramdaman ko ang init ang araw
Gumagalaw na ang aking relo
Nasa tamang taon na ang aking kalendaryo

Oo, tama nga siya
May umaga pa nga
Pero paano mo makikita ang umaga
Kung sa pagsikat ng araw ay ang mga mata mo’y nakapikit pa?

Bumangon ka
Maganda ang araw ngayon
Huwag **** sasayangin
Hanggang hapon lang iyon.
032017

Isa, Dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, Pito? Tama ba?
Pasensya kana,
Hindi ko na kasi mabilang ang ating mga away at tampuhan.
Nahihiya na nga ako sayo eh, Kasi hindi dapat ito yung iyong nararanasan.

Alam ko sobra-sobra na yung mga sakit na naidulot ko sayo
Wala na yung mga pangako na sinabing tutuparin ko
Yung mga "***** tayo jan, ***** tayo dito"
Yung "Susulitin natin ang oras pag balik mo sa piling ko"
Dapat pala sinulit ko na ang oras habang nandito kapa sa piling ko.

Naalala ko pa yung araw na paalis kana
para tuparin yung pangarap mo
Kahit masakit sakin na lumisan ka
ikaw ay aking suportado
Kahit na alam kong matagal yun
pilit nating sinasabi na saglit ka lang, Na kayang kaya natin
Hanggang sa dumating na tayo sa hindi natin kaya.

Ang "sakit"
Salitang nanggaling na parehas sa ating dalawa
Yung tipong mahal na mahal pa natin yung isat isa
pero parang hindi na
Yung kahit hindi ikaw yung problema
sayo na napupunta
Hindi ko alam kung dapat bang wakasan na
Pero nagdesisyon tayo na kayanin pa.

Lumipas ang ilang araw
bumabalik na tayo sa dati
Nag-iintindihan na ulit
minsan pa nga nag bobolahan
Sabi ko pa sa sarili ko nun… YES!!! Wala na tong katapusan
Ngunit NAUDLOT ang ating walang katapusan.

Bumabalik na naman si justine sa kanyang dating ugali
Magdodota tapos hating gabi na naman uuwi
Tatawag ka sa aking telepono pero hindi ko nasasagot
Hanggang sa tumagal tagal na,
Hindi ko na sinasagot.

Ang hirap lang kasi maging masaya nang wala ka pisikal
Ang hirap magtiis na yung yakap
ay babasahin ko na lang at hindi na literal
Kaya nililibang ang sarili kahit na mali na ang paraan
Kahit na alam kong mali yun na dahilan
Hindi ko pa rin tinigilan.

Sabi ko sa sarili ko
maayos din lahat ng ito pag nakauwi kana
Nagkakaganito lang tayo dahil hindi tayo magkasama
Nag-aalala pagkat hindi sigurado sa ginagawa ng isa
Kahit iilang araw nalang
tiisin pa natin, pakiusap ko sayo
Maliliwanagan din naman
kapag nagtagpo na and dalawang puso.

May isa lang akong hiling na sana ay tuparin mo
Sa laban na ito,
Wag ka sanang matuto na sumuko.
(c) JS

This piece made me cry. Alam ko, di ka mahilig magsulat. Minsan, akala ko gusto mo na lang sumuko sa laban natin. Pero salamat, kasi nandyan ka pa rin. Salamat kasi mahal mo pa rin.

I glorify the Lord sa lahat ng mga nangyayari. Higit ang pagmamahal Niya for us. Yung pag-ibig na to, it's a shower of His grace. Thank You Jesus!
Pj Aug 2017
Mahal hindi ko inasahan, at kahit kalian hinding hindi ko aasahan
Hindi ko inasahan na lilihis ka ng daan
Ang sabi mo sakin ay hihinga ka lamang
Hihinga ka mula sa higpit ng aking pag mamahal
Pagmamahal na akiy lubos na inaalay na minsan hindi may hindi nangalay
Hindi nangalay sa pag-alay kasi kahit kalian ayaw kang mawalay.
Mahal hindi ko inaasahan na lilihis ka ng daan.
Mahal hindi ko hinding hindi ko aasahan
Hinding hindi ko aasahan na akoy maliliwanagan
Maliliwanagan mula sayong katabangan
Katabanga tungkol sa ating pag mamahalan
Mahal
Hinding hindi ko aasahan na tayoy muling matatamisan
Muling matatamisan sa ating mga pag sasamahan at madalas na hindi pag kakaunawaan
Mahal alam kong ikay natatabangan na
At hindi na kita papahirapan pa
Mahal na mahal kita pero simot na simot na ko
1st try :D

— The End —