Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"malamyos" poems
Mayroong isang awiting nais kong marinig Isang mapagpala at malamyos na tinig Mayroong isang pangarap na nais kong matupad Dito sa puso ko'y isa lang  ang aking hangad Mayroong isang halamang nais kong mahagkan Nag-iisang bulaklak na may angking kariktan Mayroong isang pangakong iaalay ko sa iyo Sa buhay kong ito'y tanging ikaw aking mundo Koro: Paglisan ko'y walang iiwanang luha Paglisan ko'y hindi wakas kundi isang simula Iiwanan kong bakas ay kahapong walang sigla Haharapin ko ang ngayon at ang bukas na masaya Paglisan ko'y hindi wakas, paglisan ko'y pagdating Sa isang buhay na may pangakong lakas, Pag-asa at pag-ibig na wagas Paglisan sa kahapon Pagdating sa 'king magiging bukas Mayroong isang damdaming sinikap itago Pagtahak sa isang landas na di nais mabago Pagyakap sa liwanag, paghalik sa pag-asa Maaari nang ipagsigawan, maari nang magsaya >Koro<
0
Oct 22, 2015
Oct 22, 2015 at 12:32 AM UTC
Paglisan ay Pagdating
I. Una palang pansin ko na, At kita sa iyong mga mata, Ang pag-iwas mo sa tuwing kakausapin kita. Binabaling sa iba ang tingin, Habang dinadama ang dampi ng malamyos na hangin. II. Rinig sa iyong labi, Ang tipid ng iyong huni. Mas naririnig ko pa-- Ang tibok ng puso mo, sinta, Kaysa sa mga sinasabing **** salita. III. *"Hindi ka ba kumportable Na ako'y makatabi?"* 'Yan ang tanong ko sa'king sarili. *"Oh, baka sa init ng panahon-- Kaya ka ganyan ngayon?"* Dugtong ko pa. IV. Gusto kong basagin ang katahimikan, Ngunit hindi ko alam ang sasabihin, At hindi ko rin alam kung paano sisimulan. Sapagkat, pareho tayong nag-aalinlangan. V. Ilangan at alinlangan, Iyan ang tila rehas na nagkukulong sa'ting dalawa. Balak ko sanang basagin at tibagin, Pero hindi ko kaya ng mag-isa, Kailangan tayong dalawa.
0
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 2:06 AM UTC
Ilangan at Alinlangan
Sa kanyang himig ako'y nahahalina Magkasintunog ng mga ibong malaya Umiindayog sa puso ko't pagsinta Misteryosong dilag, sino s'ya talaga? Sa tuwing napapanood 'y anong ganda Mata'y matimyas na tala sa umaga Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya Manipis ang labing kakulay 'y makopa Malamyos ang tunog ng bawat salita Halik ng anghel ang dapyo ng hininga Halimuyak ay buhay, di nawawala Kahit panlalaki ang gayak at porma Na kanyang ginampanan sa prima donna Munting lawiswis na lupaypay 't mahina Nang lumaki'y diwata sa encantadia Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama Madalas ay namumugto ang mga mata Kapag nasisilayan s'yang lumuluha Huwag sana pabugso bugso't pabigla Ang tibo niyang pangungusap at banta Sapagkat nababagha't natutulala Damdami'y pinamumugaran ng kaba Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga Isang paraluman na ang kiyas 'y siga Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya Pinakamatapang na lahing Claveria Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya? Sapantaha ko ay magalang na bata Binibini at dalagang Filipina May puring Perlas ng Silangan ng Asya Lingid sa kamalayan nang napahanga Sa kanyang angking galing bilang artista Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa Sa makabagong tinikling, siya'y reyna Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya Harap 'y pangarap na sinasalubong pa Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara, Kumikinang at nagbibigay pag-asa
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 11:09 PM UTC
Altheyah Ablan
Itinaboy ako ng hiraya sa pusod ng Iyong pag-iral. Anupa't taal kang Binibini ng kahulugan at nahulog na Damdamin. Hindi ba't kanina lang dinuyan ako ng Malamyos **** tinig, habang sinasagwan Ko ang lalim ng iyong alindog at lawak ng Pusong handog? Saglit tayong namanata sa takip-silim, Isiniwalat ang hindi makita ng paningin, Ang hindi maunawaan ng damdamin.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:44 AM UTC
Daruanak
" ang tagapaghain " hinde mo na kailangang tumulay sa alambre para lang matuto kang bumalanse madalas nga mahalaga rin ang isang timbre sa paraang hinde ka nito nilalanse! kung ang iyong pagkainip ay di mo akalaing paghihintay sa wala mas maige na rin kung minsan kesa naman walang hinihintay *wag mabahala sa oras **** nabalewala, sa tulong ng bunganga* mapapawi damdaming namimighati, sabay ng iyong pagkaway! darating ang biyaya ng 'yong pinagpagalan matapos sambitin ang anumang kahilingan *sa malamyos **** pagsuyo, hindi na kailangan* pagkat ako ay babalik, di man ako pangalanan!
0
Dec 24, 2015
Dec 24, 2015 at 2:25 PM UTC
talkback 2
Malamyos,Mabini Ni-walang Hampas Hindi Habagat O Amihan Ang Siyang Dumadampi Bagkos Masuyong Hinahaplos Ng Alimuom Ang Nagdadalamhating ilog ng kalaliman. samantala may ibig ipabatid Ang liwanag ng sinag mula sa bibig ng Mahiwagang bilog na buwan... at ang wika "ikaw at ang repleksyon ko sa ibabaw mo Maging Sa Karagatan Na Iyong Pinapakitungohan Ay Naroroon Ako Sa Tuwinang Nakatakda Ang Aking Pag-agapay. Sa Kabilang Banda,di Man Dalawin Ng Antok Ang Haring Araw Mismong Mga Ulap Ng Alapaap Ang Magkukubli Sa Silaw. Magbibigay Lilim Sa Walang Silong **** Kalagayan. Umaaraw Umuulan,umaapaw O Lilit Ang Lulan Nasasamsam Man Ang Ilan Sa Mga Taglay **** Nilalaman, Kailan man Ang Paraluman **** inaangkin Ay Di Makakamkam ! Nagdaramdam Ang Matabang Kalupaan Kapag Ito Ay Tigang Sapagkat Kapos Sa Pakikiramay Na Taos. Hiyang Lamang Sa Kapatagan Ng Paratang At Pakinabang... Lupang Hinirang Minsan Nang Nalinlang Talang Makinang, Na Sinagisag Ang Kalasag At Baluti Ng Banyaga.. Sa Ngayon Pahupa Na Ang Tubig Sa Ilog Sukdol Nga Ba O Sakdal Kung Dumatal At Kumintal Ang Alimpuyo't Tagtuyot Sa Panahon Ng Tagdahon At Sa Di Kalayoan Akin Ngang Naulinigan Ang Payo Ng Dayo Sa Bulwagan Kung Saan Ang Aking Katayoan Nagugulumihanan Sa Kanyang Pinamagitan... Ito Ay Kung Ano Din Po Yung Aking Pinamagatan !!!
0
Mar 22, 2022
Mar 22, 2022 at 10:42 PM UTC
" kapag natuyo ang ilog...hintayin mo ang mga ulap "
ANG AKING PAG-IBIG AT DAMDAMIN LAGI SA BALAG NG ALANGANIN HINAHANAP SA IHIP NG HANGIN ANG SAGOT SA AKING PANALANGIN SAN KO MAN IBALING ANG PANINGIN LAGI KA SA AKING PANGITAIN PAG-IBIG KO’Y TULAD NG AWITIN MALAMYOS ANG HIMIG NGUNIT BITIN PAG-IBIG KO’Y WAGAS ANG HANGARIN KAHIT SAAN IKA’Y HAHANAPIN KALANGITA’Y AKING LILIPARIN MGA PAGSUBOK AY HAHARAPIN ANO MANG LAYO AY LALAKBAYIN LALIM NG DAGAT AY SISISIRIN LAHAT NG PARAAN AY GAGAWIN MAKAMIT LANG ANG MITHIIN KALAGAYAN NG PUSO’Y SABIHIN SITWASYON AY WAG NG PAHIRAPIN PUSO KO’Y DI NAMAN MARAMDAMIN KATAPATAN LANG ANG PAIRALIN PAG-IBIG MO’Y AKING GIGISINGIN KAMALAYAN AY PAG-AALABIN HABANG BUHAY KITANG MAMAHALIN DAHIL IKAW ANG LAHAT SA AKIN
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 10:59 PM UTC
MITHIIN
Sa ulan naligo nang nagagalak Bawat patak sa pisngi ay parang biyayang inihahatid At sa sandaling paghinto ay ang pagbabalik Paggugunita sa mga araw ng paggiliw Noong kami pa ay parang langit Ulap sa paa ko' t bituin sa panaginip Walang gabi na tahimik Sapagkat parating may malamyos na awit Ang pakiramdam ko sa panganorin Walang hanggan-kataasaan ay di malirip Ngunit unti-unting nawawari Kalangitan ay isa lamang bahagi Kung ituturing ay isangpanig-ibig Pagkat ang pag-irog ay ganap na pagmamartir Tinakasan na nakalupasay sa pananabik Ang sinta ko sa iba kumapit Naaalala pa nang nakadantay ang kanyang binti Sa hita ko' t sabay ng masuyong paghalik Yakap niya sa akin ay napakahigpit Ngayon bakit kay dali lang sa kanya ako' y ipagpalit Binigyan man ng malapad na bagwis Ang bawat wasiwas naman ay dulot pighati' t Nagpapahiwatig ng pamamaalam na nalalapit Isang beses lang lumipad, sampung ulit ang hilahil Tinuring na reyna sa kahariang panaginip Kahit na inaalila niya' t inaalipin Para sa akin isa siyang prinsesa na handang isagip Sa mababangis na lobo' t mga tigreng sakim Kung maparool man ay hindi itatanggi Na minamahal siya' t itinatangi Mapalayo man sa pamilya' t kaibigan siya pa rin ang pipiliin Namumukod tangi siya, walang kahulilip Huli na nang malaman ang ibig Ako' y pala kasangkapan lang sa kanyang ninanais At upang sa isang tao' y mapalapit Ginawa niya akong tulay - pantawid Ano mangyayari sa pakikipagsapalaran sa pag-ibig Tiyak na maluluray, at dadaing Dahil sa antak na di naiibsan at naaalis Duro sa puso' t wasak na damdamin Nararamdaman ang masidhing lunggati Na sinilsilyaban sa tuwing ako' y nilalambing Nasang na sana ay laging magkapiling Dumadarang na nakatiwangwang di mailihim Larawan niya' y kinikimkim Tampalasang kataksilan nailimbag sa isip Sa mapanlinlang na anyo ng bahaghari Hubog nito' y lumbay hindi aliw Hanap-hanap pa rin ang silay ng giliw Masasadlak man sa landas muli ng pag-ibig Kung may pagkakataon ay aking hihilingin Saktan niya sana ako, isa pa at siya' y mamahalin
0
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:56 AM UTC
Danyos ng Pag-ibig

Continue reading...
52
Mahal, miss na kita Marinig ko lamang ang iyong tinig Kaba sa aking dibdib ay di maalis Ngunit sa madalas nating mag-kausap Kaba'y napalitan ng saya at kilig Hindi alintana ang takbo ng oras Basta't masaya tayong nag-uusap Malamyos **** mga tinig Na tila nakakapang-akit sa pandinig Ang mga tawa **** nakakahawa At ngiti sa iyong mga labi, na kay sarap hagkan Sa bawat salitang iyong binibitawan Na parang kay sarap pakinggan Animo isang ibong umaawit sa kakahuyan Madalas na pambubully ang iyong nakatutuwaan Ngunit ako na ma'y nasisiyahan Kapag ikaw nama'y ginantihan Madalas ika'y napipikon Kaya't ninanais pang ika'y asarin Hanggang sa tuluyan ka nang magtampo Kaya ika'y aking susuyuin upang ang tampo'y maalis at tayo'y muling magbabati Na animo mga batang paslit Ngayon ika'y tila nagbago na Buhat nang ika'y saktan nya Mga ngiti at tawa mo'y unti-unting nawawala Bagkus napalitan ito ng lungkot at sakit na dulot niya Mahal, hayaan **** ika'y aking aliwin Upang ang kalungkutan mo'y mawaglit Mga ngiti sa iyong labi ay muling bumalik At mga tawa **** nakaka-miss Mahal, kung sana'y ako na lang at 'di siya Hindi ka kailan ma'y luluha Ako na lang sana at hindi siya.
0
May 17, 2018
May 17, 2018 at 7:10 AM UTC
Ako na lang Sana