"malalampasan" poems
Nang dahil sa'yo ang mundo ko'y tila nagbago
Nagkaroon ng kulay ang dating madilim na mudo
Nang dahil sa'yo nag-iba ang tema ng aking tula
Nabigyang buhay buhat ng tayo'y magkakilala
Nang dahil sa'yo napunan ng saya ang dating malungkot kong mundo
Napalitan ng ngiti ang bawat patak ng luha ko
Nang dahil sa'yo natuto akong maniwala sa sarili ko
Nagkaroon ng tiwala na kaya kong tumayo mula sa aking pagkadapa
Nang dahil sa'yo handa akong sumugal sa hamon ng mundo
Na puno ng pag-asang ito'y malalampasan ko
Sapagkat sa bawat oras na ika'y nais makapiling
Hindi ko magawa dahil sa magkalayo nating daigdig
Nang dahil sayo natutunan kong kumapit
Sapagkat sa minsang sinabi mo sa akin na ako'y gusto mo rin
Handa akong kumapit alang-alang sa iyong sinambit
Nang dahil sa'yo napunan ako ng walang humpay na pagmamahal
Marahil ikaw ang biyaya sa aking buhay ng ating Maykapal
Handa akong maghintay kung kailan ka uli magmamahal ng isang tulad ko
At muling buksan ang iyong pusong lito.
Jun 15, 2017
Jun 15, 2017 at 9:39 PM UTC
ang mga larawan **** aking paboritong pagmasdan
ang mga ngiti **** umaabot sa buwan
ang sakit isipin na hindi pala ako ang dahilan
ng mga ngiti sa labi **** kay sarap halikan
puso't isip ko'y nagtatalo
ako ba'y kakapit pa sa mga binitawan **** pangako
hindi ko alam saan ako nagkulang, mahal ko
ipinagpalit mo ako nang panandalian para sa ibang tao
ngunit hindi ko alam paano ko nagagawa
ang patawarin ka kahit ako'y lumuluha
bawat umaga'y unti unting nanghihina
bawat gabi'y unti unting hindi makahinga
gustuhin ko man kumapit para sa ating dalawa
ngunit oras na para ako'y magpaalam na
huwag ka na mag-alala
malalampasan ko rin ito at kakayanin ko rin mag-isa
hinihiling ko'y maging malaya ka at masaya
sa huling linya na ito
paalam na,
aking sinta.
Nov 25, 2018
Nov 25, 2018 at 10:03 PM UTC
Pagkukulang? mapupunan,
Paghihirap? malalampasan,
Pasubok? lalabanan,
Pagkakasala? mayroon bang kapatawaran?
Pagkakamali, nagpalubha,
Pagka-manhid, nagpalala,
Isipa'y binabagabag,
Patawarin sana, aking dilag.
Alam sa sarili, aminado,
Di nag-isip, nagpakabobo,
Ngunit ano pa nga bang magagawa?
Tuluyan nang nagkasala.
Pagpapaumanhin? aanhin?
Nagpapabigat ng damdamin,
Ngunit ano bang magagawa?
Paumanhi'y sapat ba?
Apr 14, 2017
Apr 14, 2017 at 7:46 PM UTC
magiging malaya tayong muli tulad ng ibon
malalampasan ang bawat pagsubok at hamon
na ibinato sa atin ng tadhana't panahon
magsama-sama tayong kumilos at lumaban
buksan ang ating mga puso't isipan
upang harapin lahat ng unos na daraan
ipaglaban ang nararapat at ang ating karapatan
magsagawa ng rebolusyon para sa susunod na henerasyon
hindi na nila mararamdaman at mararanasan ang paghihirap dulot ng
mga naghahari-hariang inaalala lang ang kanilang kapangyarihan at reputasyon.
Aug 18, 2019
Aug 18, 2019 at 9:52 AM UTC
Saan nga ba patungo
ang ating kwentong nasimulan?
Ito ba'y aabot sa
dulo nang walang hanggan?
Tayo kaya'y magiging matatag
hanggang sa araw na itinakda,
O tayo kaya'y bibitaw rin
dahil sa pagsubok na hindi alam kung saan mapupunta.
Ang ugali ko kaya'y iyong mapagtitiisan
sa mga araw na magdadaan pa,
O ako rin ay iyong iiwan at
sasabihin hindi mo na kaya.
Malalampasan kaya natin ang
mga balakid sa ating pag-iisang dibdib?
O ito'y hindi mapagtatagumpayan
dahil sa sakit at pighati.
Sasapat ba ang aking pag-ibig na busilak
at hangaring tama?
O ika'y makukulangan at maghahanap
parin ng iba.
Ako sana'y iyong pag-ingatan pati
na rin ang aking pusong nagmamahal
Sapagkat ako sa iyo'y tapat
at walang ibang hangad kundi ang iyong kaligayahan.
Mar 16, 2020
Mar 16, 2020 at 1:03 PM UTC
43 Gaano man nila kaingat itago
Ang kanilang lihim na pagtatagpo
44 Walang nakaligtas sa kanila
Sa isang nilalang na mahiwaga
45 Kanilang saksi si Diwatang Bulawan
May mata ang lupa – ayon sa kasabihan
46 Nagpakita siya sa magkasintahan
Isang linggo bago ang kasalan
47 Sila ay binalaan
Sa maaaring kapahamakan
48 Ngunit siya rin ay nangako
Na tutulungan ang mga ito
49 Iyon ay kung malalampasan
Ang mga pagsubok na pagdaraanan.
-06/18/2012
*Gintong Lupa Series
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:52 PM UTC